I'm Nothing (Short Story)

449 19 9
                                    

SIGN IN: MS. AUTHOR

Hello guys! Sana suportahan nyo din ang "I'm Nothing" kanina ko lang din sya nagawa. Huehuehue ang theme ng story na 'to ay kinuha sa true to life.

Salamat <3

*****************************************************

I'M NOTHING  by GraceCallos

Naranasan mo na bang maging basura?

Ang maging walang kwenta sa paningin ng mga taong minahal mo?

Kasi ako... oo. Ranas na ranas ko.

Akala ko noon sanay na ako.

Akala ko noon matapang na ako.

Akala ko noon hindi na ako madaling maaapektuhan.

Pero lahat akala lang pala.

Dahil hanggang ngayon masakit pa rin pala.

Masakit na hindi ka matanggap ng mga taong pinahahalagahan mo.

Napangiti ako ng mapakla. Hanggang ngayon, naaalala ko pa din ang lahat.

*********************

Kinakabahan akong kumatok sa opisina ni mommy dito sa bahay. Kanina pa ako dito pero kada itataas ko na ang kamay ko para kumatok para namang hinuhugot ang lakas ko.

Huminga ako ng malalim.

"Kaya ko 'to" bulong ko na may halong pagpapalakas ng loob.

Nanlalamig akong kumatok sa pinto. Nagbilang muna ako ng limang segundo bago pumasok.

"What do you need?" Kung gaano kalamig ang pakiramdam ko, ganon din kalamig ang boses nya.

Parang naumid ang dila ko. Pumait din ang panlasa ko. Kapag ba lalapit ako sa kanya, kailangang ganon lagi ang tanong nya sakin?

"Nasasayang ang bawat segundo ko sa pagtunganga mo lang dyan!" Galit na naman sya

Lumunok muna ako bago nagsalita "Gusto ko po sanang sabihin na... gusto ko pong magtake up ng journalism" kinakabahang wika ko. Pinagpapawisan na nga din ang magkasalikop kong mga kamay sa likod.

Pero nagulat ako ng tumawa sya. Nag-angat ako ng tingin. Ibinaba ni mommy ang hawak nyang ballpen at sumandal sya sa upuan nya at mataman nya akong tiningnan.

"Nag-isip ka bago mo sinabi sakin yan?" Tanong nya

Muli akong napatungo. Heto na naman.

"Inistorbo mo ako para lang sabihin sakin ang walang kwentang bagay na yan? Gamitin mo nga yang utak mo! Wala kang mapapala dyan sa gusto mo. Take up business management" wika nya na walang pakialan kung ano ang mararamdaman ko

I'm Nothing (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon