Andray's POV
"ITIGIL ANG KASAL!" sabi ng isang lalaking kilalang kilala ko
"Marc anong kalokohan 'to?" sabi ko
"Sorry talaga Dray, hindi ko sinasadya." sabi niya habang umiiyak
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko habang tinitingnan siya. Napatingin ako bigla kay Louisse, napansin kong parang kinakabahan siya.
"May nangyari sa amin ni Lou at nagbunga yun kaya nandito ako para panagutan siya. Sorry talaga Dray pareho kaming lasing nung gabing yun at mahal ko din si Lou, matagal na." sabi ni Marc. Tumingin ako kay Louisse at sinabi, "Totoo ba yung sinasabi niya?"
"Dray, I'm sorry. Sana matanggap mo. Mahal kita pero mas mahal ko si Marc." sabi niya. Hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari kaya tumakbo ako palabas. Sakto umulan pagkalabas ko, kamalasan nga naman.
Hindi ko matanggap na ang bestfriend ko pa ang magtataksil sa akin. Ang babaeng minahal ko na akala ko mahal na mahal ako biglang nawala, masakit talaga. Ayoko ng magpakasal o magpakatali kailanman, natuto na ako. Wala dapat na magkasintahan ang maging masaya kailanman. Kung kaya ngayon lahat ng kasalan ay sisirain ko at hindi ko sila hahayaan maging masaya. AKO ANG WEDDING CRASHER.
Sana magustuhan iyo 'to, bago lang ako kaya don't expect too much. :)
-CoachAnzai