Chapter 33: Sisters decision

16K 338 12
                                    

CHAPTER 33

Savannah's POV

Pagkatapos ng mga araw na nakahilata lang ako sa hospital ay sa wakas nakalabas na ako, pinagpahinga muna ako ni Jared, at noong mga susunod na araw ay sinimulan nya na akong turuan, medyo mahirap pero kailangan ko talagang matuto. Kasalukuyang papunta na kami ngayon sa bahay nila mommy uli, doon nalang daw kami mag-dinner, and for sure andoon ang kapatid ko na kinamumuhian ako.

"Mommy we're are we going?" Tanong ni Timothy.

"Sa lola at lolo mo" sabi ko.

"Bakit po? Eh si lola Jaira po kasama?"

"Nauna na sya dun anak tayo nalang hinihintay" sabi ni Jared.

"Sana hindi po natin makita si Tita Ally," hinawakan ni Timothy ang kamay ko, "mommy I don't want you to get hurt again" sabi nito napangiti naman ako.

"Oh baby you're so kind, pero nak hindi naman yun maiiwasan eh, she's my sister kaya kasama sya sa dinner date" sabi ko.

"Ready kana ba?" Tanong nya.

"Yes" sagot ko.

Fast forward...

Pagbukas namin ng pinto ng bahay ay agad kaming binungad ni mommy. "Hi anak are you fully recovered?" Tanong nya sakin at umupo sa tabi ko.

"Yes mommy, I'm fully recovered" sagot ko.

"You look different. Where's your color blue and green hair?" Tanong nito.

"Pinatanggal kona po" sabi ko.

"You still look beautiful without your hair color," nagpasalamat ako.

"Hi lola!" Masayang bati ni Timothy.

"Hi apo! How are you, I miss you, come to lola" sabi nito, at niyakap ang apo nya, I felt soft seeing my son hugging her grandma.

"I'm home" rinig kong sabi ni daddy.

"Daddy" sabi ko sabay yakap dito.

"Kamusta kana anak?"

"I'm fine daddy."

"Hi lolo!" Bati nito.

"Hi apo" sabi nito may narinig kaming yabag ng paa pababa napangisi naman ako, she's here.

"Oh! Nandito ang hampas lupa kong kapatid" sabi nito sakin at humarap at yumakap sakin fake! At humiwalay narin sa pagkakayakap sakin at kinamayan ako.

"It's nice to see you again, little sis, I thought natuluyan kana" sabi nya habang pilit ang ngiti, I hate her fake smile.

"Hindi naman kasi gaanong kalala ang pagkabaon ng kutsilyo mo sakin, kaya next time diinan mo kung ayaw mong i-demonstarte ko sayo kung paano yung 'diin'" sabi ko habang mataim na nakatingin sakanya.

"Natakot ako dun" sabi nya nawala ang ngiti ko dahil sa plano ko, pinisil ko ang kamay nya at binaon ang kuko ko sa balat nya na nagpaaray sa kanya, nanggigigil ako sakanya.

"A-aray" sabi nito bumitaw nako.

"Ay sorry sinasadya" sabi ko, habanag nakahwak sa kamay ko.

"My wife tama na yan, mamaya mo nalang yan gawin" bulong nito sakin at dinala nya ko sa dining room.

"I'm so happy na kumpleto na tayong apat at mas masaya ako dahil may asawa na ang bunso naming anak--"

"--wait dad paano ang engagement?" tanong ni Ate napangisi naman ako.

"I just cancelled it,"

"What!? Why?"

"Kasal na si Jared at may anak na ito" sabi ni daddy.

"Tsk! Kasi naman yung isa dyan napakalandi nagpabuntis." Nakaramdam ako ng inis hindi ko na napigilang magsalita.

"Tsk! Kasalanan ko bang naakit ko si Jared noon?"

"Oo."

"Tsk!"

"Shut it already, Allyson. My wife didn't seduce me okay? And I'd rather love my wife than to be with you" sabat ni Jared, mix feelings para akong kinikilig na naiinis.

"Tsk! Malandi kasi" sabi ni ate.

"Rinig ko yun."

"Pwede bang tumigil na kayo asa hapag-kainan tayo" sabi ni mommy Jaira.

"Urgh! This dinner s*cks!" Inis na sabi ni ate sabay tayo.

"Ally bumalik ka dito" sabi ni daddy.

"Nawalan ako ng ganang kumain daddy sa sala lang po ako" sabi ko sabay tayo at pumunta sa sala.

Third's POV

"Oh buntot kaba?" Inis na sabi ni Allyson.

"Bakit? Aso kaba? hmmm, sabagay mukha ka namang aso kaya bagay naman sayo" nakangiisng sabi ni Savannah.

"How dare you!"

"Pero hindi mo ba naisip na kung mukha kang aso eh mukha rin akong aso? Pero mas maganda akong aso kaysa sayo dahil mukha lang bulldog" gustong-gusto ni Savannah ang nakikita nya ngayon parang sasabog sa sobrang galit si Allyson.

"Tsk! Kung makapag-sabi! Tumingin ka nga sa salamin para malaman mo kung sino ang bulldog" sa isip ni Allyson kailangan nyang maging kalmado.

"Hm! Hindi na kailangan dahil asa harapan ko na si bulldog" hindi nya alam kung tatawa na ba sya ng malakas ngayon o hindi dahil sobrang galit sakanya ni Allyson.

"Ginagalit mo ba ko?"

"Bakit nagagalit ka?" Tanong ni Savannah sa kapatid habang nakangisi.

"Oo" diing sabi ni Allyson.

"At may sasabihin pako."

"Ano yun?"

"Dinner date to hindi bachelor party kung magsusuot ka ng ganyan mag-apply ka para maging dancer" tiningnan nya ito mula uli hanggang paa.

"Kasi ayoko ng balot na balot na katulad mo" sabi nya.

"O gusto mo akitin ang asawa ko" ngising sabi ni Savannah.

"Oo, inaakit ko ang asawa mo dahil sa huli sakin rin naman bagsak nya."

"Magdasal ka nalang dahil hindi papatol si Jared sa hitong katulad mo" sabi ko.

"Wag kang kampante dyan, let's make a rematch."

To be continued...

Book 1:I'm Secretly Married to the Cassanova King✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon