J A O' S P O V
Ano ba naman to? Dumaan lang ako sa sala nakatulala na 'tong dalawa
"HOY!"
Tumakbo si Unique at biglang inakbayan chix niya sabay tingin kila Zild at Blaster ng mataray
"C-class number one?!"
"Shiela?!"
Aba, ano to? Magkakakilala ba sila? sabay pa nilang TEKA NAMUMUKAAN KO!-----
TEKA! ETO YUNG CRUSH NI ZILD AH?! BAT NGAYON KO LANG NAPANSIN?!
"Back off" maangas na sabi ni Unique sa dalawa
Lumapit ako sa sala na malapit sa couch na inuupuan nila at dumampot ang kwek-kwek. Whooo ang intense ah
"Hoy! Favorite ko yan!" Nagulat nalang ako ng bigla akong tampalin sa kamay nung chix ng tatlo
Tumingin ako sakanya sabay sinawsaw sa suka ang kwek kwek "Peyborit ka ba?" Pabalik Kong tanong at tumayo na. HA! KALA MO
B L A T E R' S P O V
Kaya pala lagi ko siyang nakikita, sa gigs, tv shows at events. Akala ko ako yung pinupuntahan niya
Medyo... masakit? Pero si Unique na pala bago niya
Nakaupo lang ako sa kama habang nag gigitara,
FLASHBACK:
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Shiela na busy sa pagkain
"Hindi ako mahatid ni babe pauwi dahil Baka daw may makakita samin"
B-babe? Si Nik ba 'yun?
"A-ahh! Long time no see hehe, sige akyat na ko"
Ngumiti nalang ako at ganun rin siya, umakyat na ako sa hagdanan, pero bago pa man ako makapasok sa kwarto ay narinig ko ang boses ni Jao
"Ganun talaga Zildyyy! Wag ka ng umiyak, hahanap tayo'ng mas pogi--Ay I mean maganda" sinilip ko sila, nakaupo ang dalawa sa kama, nakalagay ang kamay ni Jao sa balikat ng nakayukong si Zild
"Kung kelan naman akala ko magseseryoso na'ko, Tapos ganito?! WAAAAH ANG SAKIT JAO!"
Tss.. kung alam niyo lang... mas masakit yung sakin
*click*
Papasok na sana ako sa pinto ng bigla akong tawagin ni Zild
"Tara dito ter" seryoso ang tingin sakin ni Zild habang pinapapasok ako sa kwarto niya
Umupo ako sa tabi niya at yumuko, siguro itatanong niya kung bakit ko kilala si Shiela
Unti unti siyang humarap sakin at--
"TERRRR! ANG SAKIT! WAAAAAH!" Parang bakla talaga
Bigla niyang kinuha yung braso ko at itinakip 'yun sa mata niya na kala mo umiiyak
Hinila ko ulit yun ng dahan dahan sa kaniya "tumigil ka na nga, kala mo naman naging shota mo"
BINABASA MO ANG
Ace Of Spades
FanfictionThis is a fan-fic about IV of SPADES! Hope you enjooooy!~ By the way! Credits to the rightful owner of my cover! ❤️