"Gabi at umaga."

129 4 0
                                    


Sa bawat gabing dumaraan,
Ikaw ang tanging laman,
Ng aking isip na lumilipad sa kawalan,
Kada maririnig ang iyong pangalan.

Hindi ko mapigilan ang ngiti,
Sa kada oras na maaalala ka.

Anong ginawa mo sa nananahimik kong isip at puso?

Na noon ay tahimik ngunit ngayon ay pilit mong ginagambala.

Hindi ko na magawang makatulog ng maayos kapag ikaw ang huling nakausap ko sa buong mag hapon.

Maging ang nararamdaman ay naguguluhan.
Dapat ko bang kupkupin o itapon?

Kulang ang mga bituin sa kalangitan, sa kinang na dulot ng iyong mga ngiti na aking kinahuhumalingan.

Sa lamig ng samyo ng hangin,
Napapa pikit ako,
At sa unang pag sara ng mga matang ito,
Imahe mo ang unang gumuguhit dito.

Nais kitang maramdaman,
Nais kitang makamtan.

Ikaw na parang Gabi.

At ako na magiging umaga.
Ang hinaharap sa bukas na ating matatamasa.

Mamahalin kita hanggang sa kaya ko, hanggang sa kakayanin ko,
hanggang sa hindi mo na kayanin at ikaw na ang sumuko.

Humawak ka ng mahigpit at wag mag pupumilit na kumawala.

Sa oras na ako ang hawak mo, wala kang dapat ika bahala.

Sabay nating harapin ang panibagong kabanata.

Ikaw ang bawat gabi,

At ako ang bawat umaga.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon