My Cryptic Secret Admirer- EPILOGUE

4.1K 82 18
                                    

Pinalitan ko na rin po yung title para mas unique. Kaya "My Cryptic Secret Admirer." po ang pinalit ko. Basta. Maraming maraming salamat po talaga sa mga nagbabasa.

Kay Alyanna Ong. Thank you rin atey sa pagvovote, pagcocomment at pagbabasa.

Mageedit na po ako. Yun lang. Thank you very much!

**************************************************************************************************

EPILOGUE:

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Pumunta ako sa tree house ni Shin. Ilang taon na rin pala ang lumipas. Siguro mga tatlong taon na magmula nung makapagtapos ako. At sa tatlong taon na yun, marami ng nagbago sa buhay ko at sa buhay ng mga taong nakapaligid sa akin.

Umakyat ako at doon ko nakita na kinikiliti ni Shin si Ayana na parang mamamatay na sa kakatawa. Naririnig ko pa ang paguusap nila. "Haha. Stop it! Ano ba? May balak ka bang patayin ako sa tawa ha? Wag ka nga maniwala sa 'Laughter is the best medicine'. Di gagaling ang sipon ko doon. Tama na. Okay?" Pero tinuloy pa rin ni Shin at humagikhik naman si Ayana sa pagtawa.

Buti pa sila. Ang saya nila noh. Sila na nga sa wakas. Pakipot lang talaga yan si Ayana dati.

"Ano ka ba? Baka maabutan tayo ni Casey. Panigurado maiingit yun. Sige ka." Napailing na lang ako sa sinabi ni Ayana. Huling-huli na sila eh. At di ako maiingit, bakit nga ba ako maiingit?

Dahil ba...hay! Tama na nga ang pagda-drama ko. Alam kong maiiyak na naman ako.

Natigilan at napatingin naman sila nung umakyat na ako hanggang sa tapat ng pintuan. Nanlaki pa ang mata nilang dalawa. Cute couple.

"Oh Casey, ang tagal mo naman. Kanina ka pa ba diyan?"

"Nahuli ko na kayong naglalandian. Tama na. Nahuli ko na talaga kayo."

"Ahehe. Yun ba? Ay, Sorry naman. Eto kasi. May sipon kasi ako at gamit daw ng pagtawa ay gagaling na daw ako. Ayun! Hinahanap yung kiliti ko at nahanap niya nga yun sa kili-kili ko. Haha." Paliwanag niya.

"Amoy bayabas. Yuck!" Natatawa naman ako sa pagsabat ni Shin. Hinampas tuloy siya ni Ayana.

"Grabe. Di pwedeng scent ng deodorant ko bayabas? Di pwede? Loko 'to. By the way, Casey bakit ka nga pala natagalan? Hello? Kanina ka pa kaya namin hinihintay. Isang oras na oh. Duh!" Reklamo ni Ayana habang nakatingin sa relo niya. Tinext kasi nila ako na magkita naman kami dahil puro na lang daw ako trabaho at halos 12 hours na daw kami di nagkikita. Oh see! O.A. rin ang bruhildang ito. Parang kahapon lang kami nagkita tapos miss niya na ako agad agad.

"Sorry naman. May expansion pa kasi ang restaurant namin sa ibang bansa. I am just making sure that it's all settled and the contracts are all signed. Pasalamat ka pa nga dahil nagkamoment kayo ni Shin your loves." Pangaasar ko pa na ikinaikot ng mata niya.

"Right. Right." Napangiti rin siya at inayos ang upo niya. "Akalain mo parang dati lang magka-kaibigan pa tayong lahat. Pero ngayon iba na. Si Jen ay masaya na sa piling ng asawa niyang si Andrei. Buntis na nga siya eh. Tapos si Drake naman for the second time ay na-friendzoned."

"Paano si Angela.." Yun talaga ang totoong pangalan ni Leila at sa maniwala man kayo at sa hindi, para siyang sinapian ng kung ano dahil sa sobrang bait. Akala ko nga tuluyan na siyang mababaliw pero gumaling pa rin siya dahil sa maayos na pakikisama namin. "...ang nakatuluyan ay si Nico. Kaloka noh." Pagpapatuloy ko.

"Eto namang si Zuri at Ken engaged na, ang kapatid mo namang si Lance ay kasal na rin kay Ate Jasmine maski ang Ate Mia mo kay Kuya Louie at ang maganda naman sa nangyari kay Drake eh M.U. sila ni Kim. Akalain mo di ko nahalata na may gusto pala si Kim kay Drake noon pa. Kaya nga pagkasabi niya sa akin yun, tawa ako ng tawa. Alam mo na rin bang tinangka kang halikan ni Drake kung hindi lang kami dumating. Hay naku! Napatay mo na sana yung si Drake. Chansing much. Eto pa, hindi talaga ako naje-jebs nun ha. Palusot ko lang yun para di mo maisip ang totoong nangyari. Peace girl." Nagulat ako ng bahagya. Loko-loko ang mga 'to. Pero wala talaga akong ideya na dumamoves sa akin noon si Drake ng ganoon.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon