chapter 2

64 1 0
                                    

Finally meet

HANS POV

Maaga kaming nagising nina kuya, dahil ngayon daw kami papuntang Batangas para hanapin ang anak ni daddy sa labas. Tsk! Ewan ko ba Kay daddy kung bakit hinahanap nya pa yon. Eh anak lang naman yon sa labas, I don't understand him. Naiinggit Ako sakanya kasi importanteng importante sya ka daddy. Talagang gagawin ni daddy ang lahat makita lang ang anak nya sa Ibang babae tss

"Are you ready boys?" tanong ni daddy saming tatlo.

"You know what dad, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kasama kaming tatlo sa paghahanap sa anak mo!" Singhal ni kuya herlin Kay daddy. Ako din hindi ko din maintindihan kung bakit sasama pa kami sakanya. Pwede namang hanapin nya mag isa tsk!

"HERLIN!"galit na sigaw ni mommy. Isa pa to si mommy lagi nya nalang pinagtatangol si daddy, sa tuwing sinasabi namin sakanya na anak sa pagkakasala ang anak ni daddy sa labas ay ipinagtatangol nya ito saamin. Ang hirap Kay mommy masyado syang mabait kaya naman kahit nakabuo ng anak si daddy sa iba ay tanggap nya ito.

"Dad baka pedeng maiwan nalang kami" sabi ko.

"No" matigas na sabi Ni daddy napasimangot ako sa sagot nya damn!

"Bakit si mommy hindi kasama? Bakit kami lang tatlo ang isasama mo dad?" Tanong naman ni kuya Hernan

"dahil kapatid nya kayo mga anak"sabi ni mommy

"No, she is not our sister" sabi ko. Tiningnan nila ako at masama akong tiningnan nina daddy at mommy. Ayoko ng kapatid sa labas. Magkaiba kami ng nanay kaya hindi kami magkapatid

"Yes she is" sabi ni daddy. Makikita sa mga mata nya ang lungkot dahil na din siguro sa katotohanang ayaw namin sa anak nya."let's go boys now!" sigaw nya samin at bumaling sya Kay mommy. "See you later darling" malambing na sabi Ni daddy Kay mommy at hinalikan ito.

"Be safe, sana mahanap nyo na sya" Nakangiting sabi ni mommy. Bumaling sya saamin "please my boys be behave naman" pakiusap nya saamin. "she's our princess in our family, be nice to her" sabi nya samin sabay yakap samin at hinalikan kami sa pisngi

"She's not belong to our family mom" matigas na sabi ko. Nalaglag ang panga ni mom Sa sinabi ko

"We have to go now mom"sabi ni kuya herlin at yumakap na Kay mom at nagbeso

"see you later mom"sabi naman ni kuya henry na yumakap at bumeso din kay mom. Ako nalang ang huli lumapit ako sakanya

"I don't like her mom"sabi ko, nakita ko sa mga mata ng aking ina ang lungkot at pagkadismaya pero ayoko talaga sa anak ni daddy. Ayoko sakanya.

Sumakay kami sa van namin tahimik lang ang buong byahe. Lumipas ang mga oras ay nasa Batangas na kami.

"Dad I'm hungry"  sabi ni kuya herlin. Gutom na din ako kaya sana kumain na kami

"Okey, San nyo gusto kumain?"Tanong ni dad samin, tinuro lang namin ang restaurant na katabi ng isang karenderya. Lumabas na kaming apat sa van nauna si daddy sa pagpasok sa restaurant sumunod naman sina kuya henry at kuya herlin sakanya. Sumunod na din ako dahil gutom na talaga ako. Nagsimula na kaming tumingin sa menu nila

"Dad may cr ba dito?" tanong ni kuya henry

"I don't know, wait itatanong ko" sabi ni dad at tinawag ang waiter. Dali dali namang lumapit ang waiter Kay dad

"May cr ba dito?" pormal na tanong ni daddy.

"Ay wala po eh pasensya na ho"napapahiyang sabi ng waiter. Narinig ko ang mura ni kuya henry marahil siguro ay ihing ihi na ito.

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now