ARYANIAH'S POVBawat araw na nanatili ako dito lumiliit ang tyansa kong mapapayag si Ina na pigilan si Ama sa gusto niyang ipakasal ako sa lalaking hindi ko pa kailan man nakilala. Bakit ba kasi kailangan ko pa sundin ang tradisyon ng pamilyang ito.
Naalala ko noong buhay pa sila Granny sinabi nila sa akin na kung ano ang gusto ng puso ko iyon ang sundin ko para wala akong pagsisihan sa huli. Pero hindi gan'on ang paniniwala ni Ama. Gusto niyang panatilihin ang antas ng pamilyang meron kami.
Kahit sinasabi niya sa'kin na ako rin naman ang magmamana ng lahat ng meron kami ngayon balang araw. Aanhin ko naman ang kayamanan naming sandamakmak kung hindi ako masaya. Hindi kayang bilhin ng pera ang kaligayahan ng isang tao. Iyan ang natutunan ko mula n'ong lumayo ako. Sa bawat taong nakakasalamuha ko iba't-ibang pag-uugali din ang nalaman ko. Lalo na sa mga mabuting asal na pinakita nila sa'kin sa kabila ng pagiging iba ko sa kanila. Galing man kami sa ibang lahi pero hindi nila ako tinuring na iba sa kanila.
Namimiss ko tuloy si Xhinia. Kumusta na kaya ang babaeng iyon. Paniguradong madami na naman kwento sa akin iyon pagbalik ko.
Nasa kwarto ako habang nagbabasa ng libro. Kahit excuse ako sa klase nagbabasa pa din ako libro. Sa susunod na buwan babalik na akong Pinas. Hindi ako pwedeng magtagal dito kailangan ko tapusin kung ano man ang nasimulan ko doon. Sa ngayon iyon lang paraan ko para hindi ako pilitin lalo ni Ama na ipakasal gusto niyang lalaki para sa akin.
Alam ko sa puso ko kung sino ang gusto ko. Hangga't nandiyan siya may dahilan ako para tanggihan si Ama sa gusto niya.
Pero may pangangamba pa din sa puso ko kung tama bang sundin ko ito. May kahihinatnan ba kung sakaling sumugal ako sa utos ng puso ko. Ayoko na may pagsisihan sa huli dahil ako lang din ang masasaktan 'pag nangyari iyon.
1 week later ..
"Take care okay? Lagi kang tatawag sa'kin kung may problema at kailangan ka. Hindi na kita masasamahan pag-uwi mo sa pinas. May aasikasuhin pa ako dito."
"Reign, hindi mo na kailangan ulitin pa sa'kin iyan ilang beses mo na pinaalala sa'kin ang mga bilin mo."
"Bawal ko na ba gawin iyon?"
"Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin."
Bumuntong hininga siya ng napakalalim.
"Sige na baka mahuli ka pa sa flight mo. Susunod agad ako pagkatapos ng mga aasikasuhin ko dito."
Nagyakapan muna kami bago nagpaalam sa isa't-isa. Isang linggo bago ko napapayag si Reign na gawan ng paraan na makabalik ako sa pinas. Pinakuha ni Ama lahat ng documents ko pati passport ko. Hindi ko alam paano niya ginawa iyon kahit tinago ko iyon ng maigi. Buti nalang nalaman ko agad kaya nagmadali akong umalis. Ayoko muna bumalik dito hindi rin naman maiintindihan ni Ama ang gusto ko. Sarado ang isip niya sa mga paliwanag ko.
XHINIA'S POV
Nakaka-haggard this day! Grabe ang hirap pala maging estudyante. Ngayon ko lang nararamdaman ang pakiramdam ni Manang. Kung hindi lang talaga dahil kay Eugine hindi talaga ako mag-aaral ulit.
*1 message recieved*
From: Habibi
Hey! Love. Sorry hindi kita nasundo masyadong busy sa school. Bawi ako bukas take care. Iloveyou!
Yiiehh! Ang sweet niya talaga. Ako na ang bukod tangging pinagpalang dyosa. Ang swerte ko sa boyfriend ko. Mabait na sweet pa. At ang sipag niya pa.
Nang makarating ako sa apartment. Kinabahan ako bigla nang bumukas agad ng pinto. Sa pagkakatanda ko ay nilock ko ito bago ako umalis.
Maya maya pa ay..

BINABASA MO ANG
The Runaway Princess( Under Revision )
RomanceAryaniah, Princesang iniwan ang marangyang buhay niya sa Italya at namuhay ng simple nang hindi kinokontrol ng sariling batas na meron ang pamilya niya.