XERXES' POV
Aya's been keeping distance between us. The whole ride to the hospital is so quiet. Napapansin ko rin na ang lalim ng iniisip niya. Kanina lang ang saya naming nagharutan habang kumakain pero ngayon, she's acting weird.
Naabutan namin si Yke na nilalambing si Yaya. Nakisali naman agad si Aya. Nagkukulitan pa ang tatlo. At naguguluhan ako sa bilis ng pagbabago ng mood nito. Nagpaalam ako na may aasikasuhin pa sa opisina pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Aya. Masama ang loob na lumabas ako ng ospital. Akala ko untii-unti ng nahuhulog sa akin si Aya.
I busied myself with lots of paper work. Sa sumunod na mga araw, bihira na lang kaming nagkikita ni Aya. And every damned time, napapansin ko ang pag-iwas niya sa akin. I was on the verge of cancelling the wedding. Parang hinihintay ko na nga lang na sabihin niya sa aking huwag ituloy ang kasal. Ayos na ang lahat. My parents pull some strings para lang mapabilis ang preparasyon. My parents knew what really happened. Simula pa lang, sinabi ko na ang lahat sa kanila. I don't keep any secrets from them.
AYA'S POV
When I realized that I was falling for him, natakot ako bigla. Para akong mababaliw sa tindi ng emosyong nararamdaman ko sa para sa kanya. It's my first time to feel this overwhelming emotion and it's so frightening. What if I messed up? What if he's just fooling around? What if gusto nya lang makaganti sa ginawa ko sa kanya noong college? I don't see him like that but what if his holding some grudges?
"Nandito na naman ang manliligaw mo Aya." Abby informed me. We were on the walkway at kakatapos lang ng huling subject namin para sa araw na ito.
"I am not in the mood to entertain you Villafuerte." Salubong ko agad sa kanya. Masama ang pakiramdam ko at gusto ko lang umuwi. Hindi naman ito natinag. Inabot niya sa akin ang isang bouquet pero tiningnan ko lang yun. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na wala akong panahon sa mga kalokohan niya. Graduating na ako while he, took up a doctorate degree para lang daw mabantayan niya pa ako. Dalawang taon na siyang namimirwesyo pero hindi pa rin sumusuko. He's attractive alright. Very attractive. Pero nakaset na ang utak ko na maging successful muna sa career na pinili ko bago papasok sa seryosong relasyon. I am taking fine arts. Though I love numbers, Painting is my first and one true love.
"If you're not feeling well, bakit hindi ka pa nagpahatid sa ospital?" napansin siguro nito ang panghihina ko but I brushed him off. Nilagpasan ko siya nang hindi lumilingon. Pagdating ko sa bahay, isang napakasamang balita ang sumalubong sa akin. Naaksidente ang mga magulang ko at parehong dead-on-the-spot. Para akong walking zombie at kung hindi dahil kay kuya at Yaya, baka sa mental na ako pupulutin. I finished my first course and took up businesss mangament. Hindi naman mahirap kasi second choice ko ito. Mas nagpursige akong mag-aral. Sinabay ko sa pag-aaral ang pagtulong sa negosyo namin. Biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko. Alam kong natatakot na sina kuya sa mga pinaggagawa ko pero ito lang ang alam kong paraan para hindi maisip ang pagkawala ng mga magulang namin.
"Aya, can we talk?" harang sa akin ni Xerxes. Tumango ako. I guess he needs this once and for all. "Aya, alam kong nahihirapan ka na. Payagan mo naman akong tumulong sa iyo. Kahit bilang isang kaibigan lang." pakiusap nito pero umiling ako. Ayokong mandamay ng tao at mas lalong ayoko ng sagabal ngayon. And right now, that's what he is, a distraction. Sa tagal ba naman ng panunuyo niya at sa ilang beses na pinaunlakan ko ang paanyaya niya, alam kong may nararamdaman na ako sa kanya but I need to focus on my plan. "I'm sorry Villafuerte but I won't take your offer. I hope this will be the last time na lalapit ka sa akin. Good day!" walang emosyong iniwan ko siya.
I guess hindi pa gaanong kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Madali lang akong nakamove on at unti-unting bumalik ang Aya na kilala ng lahat. Thanks to my brother and Yaya Pilar. Hindi ko sila ipagpalit sa kahit na anong bagay dito sa mundo.
It's not my intention to hurt Xerxes or whatsoever. Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ay tama. At sa tingin ko, hindi ako nagkamali. Nabuo ulit ang sarili ko at naging mas matatag na ako. Napabuntong hininga ako. 'Now what?' Itutuloy ko ang kasal. Ngayon pang inamin ko na sa sarili kong nahuhulog na ako sa kanya.
XERXES' POV
Kinakabahan ako ngayon sa harap ng altar habang hinihintay ang pagdating ni Aya. Nang lumapit ang coordinator, dumadagundong ang dibdib ko. Pumikit ako at hinintay na sabihing hindi sumipot ang bride.
"Hey! Xerxes, are you listening? The bride's here. Magsisimula na ang kasal ninyo. Good luck and congratulations." Napatayo agad ako ng tuwid. Dumating si Aya. Sinipot niya ako. Magpapakasal siya sa akin. Tumulo ang luha ko nang magsimula na siyang maglakad patungo sa akin. She's so beautiful! Nakita kong ngumiti siya sa akin. And everything's a blur. Kay Aya nakatutok ang atensyon ko. Nagising lang ang diwa ko when the priest announced that we're husband and wife now. And the kiss? It's the sweetest.
Sa sobrang saya ko, napadami ang inom ko. Lahat ng ibinibigay ni Yke at Bryan na baso, tinutungga ko. Aya's on my side. I was hugging her and she was letting me.
"Xerxes, you've had enough. Let me walk you to our room." Narinig kong saway ni Aya. Inilalayan niya ako at hindi ko na alam ang sumunod.
AYA'S POV
Hinihingal akong inihiga si Xerxes. Lasing na lasing ang loko. Ako pa ang nagbihis sa kanya at ilang beses akong napatikhim nang makita ang katawan nito. At ang likot pa nito kaya matagal bago ko siya nabihisan. Kasalanan nina kuya to eh. Parang intension talaga nilang lasingin si Xerxes at ang isa namang ito, hindi tumanggi.
Ramdam ko na masaya si Xerxes. I love him. Isinasapuso ko talaga ang naging vow ko sa kanya kanina. We stick to the traditional vows and I'm more than okay with it. It's not about how poetic or unique your marriage vow is, at the end of the day; it all boils down to how you put them in motion.
"Aya, Aya. I love you! I love you!" umiiyak na sambit ni Xerxes. "Shh! I know and I love you too." Sabi ko habang hinahagod ang likod nito. " Aya, I love you. Mahal kita." Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahina niyang hilik. Napailing na lang ako. So much for our first night! 'Uh-uh. Disappointed eh?'
YOU ARE READING
Her Antics
عاطفية"Aya, pakawalan mo ako dito. Ano ba? I have no time for your silly games!" I shouted when I found myself in the middle of the bed, handcuffed. And I only have my boxers on. "If you won't make a promise that you'll stop being workaholic, I won't let...