Sa Simula

256 3 0
                                    

Dedicated:imdahuan

Narinig mo na ba ang bawat hagulgol?
Ng pusong sayo lamang iginugol?
Tinatakasan sa bawat subok na paglapit
Makawala lamang sa hatid nitong pait

Inihanda ko na ang sarili ko rito dati
Maniwala ka, inihanda ko na.
Pero may mga tanong siguro na sayo lamang makukuha
O mas maganda sabihing ikaw lang naman talaga ang lunas sa bawat sugat na iyo rin namang nilikha

Hindi ko alam kung anong mararamdaman
Tulad ng 'di ko alam kung kailan ka muling magpaparamdam
Bakit ba 'di pa 'ko namanhid sa sakit?
O bakit ba mas pinipiling masaktan nang paulit-ulit?

Ah, baka kase umaasa pa rin ako sa simula.
Sa simulang masaya lang.
Sa simulang masaya pa.
Ano nangyari? Bakit natuldukan ang simula nating inakala kong mapayapa?

Pero 'wag ka mangamba kung nandito pa rin ako
'Wag kang maguluhan kung bakit pa rin ako tumatakbo
Gayong matagal mo na 'kong pinahinto
Ano ba naman yung pansamantalang pangangalay ng binti't kamay
Kung ikaw naman ang hinihintay

Pero kung maisip ko mang wala na, 
Na hindi na talaga kaya,
Kung tuluyan mang sumuko ang mga tala,
Iisipin ko na lamang masaya ka sa ilalim ng buwang sa dilim ko lamang napagmamasdan

Sa ilalim ng buwan kung sa'n walang ako
Sa ilalim ng buwang siyang itinuring mong paraiso
Sa ilalim ng buwan kung sa'n mas gusto mong manitili
Kung sa'n ka mas nagkakaroon ng ngiti sa iyong mga labi.

Siguro nga malapit na rin akong mapagod
Baka mamaya, o bukas, o baka sa makalawa
Pero wag kang mag-alala. 
Magpapahinga lang ako sa pagtakbo
Pero di ako hihinto na muling maglakad patungo sayo

Sa paglapit ko sa buwan, 
Sana muli mo akong papasukin
Sana hayaan mo 'kong iparamdam muli ang simulang naisantabi natin. 
Hanggang sa muli tayo bumuo ng panibagong akdang
Bubura sa sakit na nadama natin sa naunang panimula

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon