The Miserable Dreamer

0 0 0
                                    

1 - Saw You Again

Well, napag isip isip ko din na pumunta nalang kila Riah. Tutal, kahit gabihin naman ako eh hindi naman ako mapapahamak kasi kilala ako sa barangay namin. Narito na ako ngayon sa palikuan kung saan malapit na bahay ni Riah. Ng makarating ako dun ay agad agad ko siyang tinawag. Pinapasok naman ako agad ng kanyang tatay, bumati ako ng magandang hapon sa tatay niya at sinabi nito sakin na umupo muna. Ang sabi ng tatay niya naliligo pa si Ri, halata naman kasi sigaw siya ng sigaw galing sa banyo. Si Riah pala ang pinaka bestfriend ko sa lahat, ang tawag ko sakanya ay Ri dahil tamad akong bigkasin ang pangalan niya dahil ako ay nahahabaan. Para sakin lang ha XD Si Ri ay parang kapatid ko na all in all. Kasi sa tuwing nandito ako sa kanila feel at home ako at palagi nalang akong kumakain hahaha. Sa totoo lang kasi napakatakaw ko talagang bata.

"Ash!!!" Sigaw ni Ri na lumabas na pala ng banyo.

"Oh Mariah! Nakakagulat ka naman! Para kang unggoy na nakawala sa kulungan!" Sigaw sa kanya ng kanyang tatay.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!" Halos mangiyak iyak nako sa katatawa dahil sa sinabi ng tatay niya.

"Wow ash. Mawalan ka sana ng hininga katatawa." Sarkastiko naman na sinabi sakin ni Ri.

"Hays! Ewan ko sayo Mariah Genivia Geronimo!" Sabay belat sakanya.

"Oh at bakit ka napadaan dito hah?"

"Wala. Ah eh ih, nayamot ako sa bahay kasi." Kamot ko sa ulo.

"Alam ko naman yun Krestella Miashrid Gracia! HAHAHA!"

Kumunot noo sa sinabi niyang yun. Tila nagtaka ako bigla.

"Oh nagtataka ka ano! Hahaha! Napapansin ko naman palagi na yun yung dahilan mo kung bakit ka nandito ngayon sa bahay no!" Sabi ni Ri na kabisado na talaga ako.

"Bistwin nga talaga tayo! :3" Sabi ko sakanya.

"Hay nako ash tara na nga sa taas para makapag chill tayo! Marami akong ikekwento sayo! Tara!" Excited niyang sabi.

Aakyat na sana ako ng bigla niya akong pinatigil.

"Ay puta! Magbibihis muna pala ako!" Nakatingin ako sakanya at ngayon ko lang namalayan na sa tagal ng pag chichikahan namin ay nakatapis pa pala siya.

"Genivia yang bunganga mo ha." Sabi sakanya ng kanyang tatay.

Habang nag bibihis sa taas si Ri ay sumagi sa isip ko kung ano nanaman ang ikekwento nung impaktang yun. Nakalimutan ko palang ipakilala si Ri. Siya kasi yung babaeng all of the boys, like duh ang dami niyang lalaki. Hep hep hep! Excuse me? Madami rin akong lalaki. PERO! Ang pinagkaiba nun eh lahat ng lalaki niya ay ang PAPANGET. Samantalang lahat ng lalaki ko ay UBOD NG GWAPO. Haler mas maganda kaya ako kay Ri! XD Edi ako na. Ako na talaga! Hahaha!

"Hoy bruha! Tara na dito umakyat kana!" Sigaw naman sakin ni Ri na tila isang oras ang inabot sa taas.

Umakyat na ako at pag dating ko sa kanyang kwarto eh agad akong umupo sa malambot niyang kama. Kinuha ko naman ang mga malalambot niyang unan kaya humiga nalang din ako. Hahaha! Gusto ko talaga kasi dito sa kwarto ni Ri, maganda na nga malamig pa. Kaya dito kami madalas eh.

"Oh ano nanaman yung ikekwento mo? Lalaki nanaman yan noh!" Sabay sabi kay Ri with matching pa taas taas ko pa ng kilay.

"Tumpak ka jan! Alam mo ba may nakilala ako gwapo tapos mayaman pa!" Pagmamayabang sakin ni Ri.

"Psh. Baka nga? Pero pag nakikita ko naman tangina ang pangit eh! Hahaha!" Binasag ko siya ng siguro 30 seconds lang pero nakabawi siya agad.

"Oks lang basta mayaman!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Miserable Dreamer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon