RED's Bedmate
MyJaff©2018~♥~
NAKATITIG lamang si Vhenus sa calling card na binigay sa kanya ng lalaki. Nagtatalo ang kanyang isip kung tatawagan niya ba ito o hindi. God! It's been a week! Isang linggo at sa loob ng isang linggong iyon panay hawak ni Vhenus ang calling card na iyon! Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino but...
Sigurado siya na kapag nagkita ulit sila nang binata ay mabubuhay na naman ang init sa kanyang katawan na pinaramdan nito sa unang gabi nila. Fuck! She didn't want that! Ayaw niyang ma-attached sa lalaki.
Ayaw niya, dahil noong huli, nahulog siya ng malalim at hindi kinaya ang sakit ng iwanan siya. Ganyan naman talaga e, madaya ang pag ibig, kung sino ang mas nagmamahal siya rin ang mas nasasaktan. Haist, ayaw niya na talagang balikan ang parteng iyon sa buhay niya.
Does it matter? Matagal na mula nang mangyari iyon.
“Vhen? Party mamaya?” It was Mari, one of her officemates who was party animal like her, tho every friday lang sila nagna-nightout.
“Sure. Sasama ko iyong newbie.” Nginuso niya iyong si Trisha Aguillon.
“Sige, tatanongin ko rin iyong sa kabilang department.”
Tumango naman siya bago lumingon sa wall clock, malapit na palang mag six at malapit na rin silang mag-out. Tumayo siya at saka nilapitan si Trisha Aguillon na tutok na tutok sa monitor nito.
Kinalabit niya ang balikat nito. “Uy, sama ka mamaya? Night out?”
Sumandal ito sa upuan. “Hindi ako mahilig sa ganyan.”
Ngumiwi siya. “Ito naman, sama ka lang, kapag nagustohan mo pwede ka namang sumama sa susunod ulit. Every friday lang naman ito!” Giit niya.
Umiling naman ito, mukhang mahirap pilitin. “Pasensya na Vhen, ayaw ko talaga.”
Sa huli'y nagkibit balikat na lang siya. “Wala ka sigurong boyfriend o mahigpit talaga ang boyfriend mo kaya ayaw mong sumama?” Humalukipkip pa siya.
Bahagya naman itong natawa sa sinabi niya. “Wala naman both. Loyal lang talaga ang puso ko sa prof ko nung college.”
“Whoa!” Nanlaki ang mga mata niya at nagsumiksik pa siya sa cubicle ni Trisha. “Student and teacher romance? That sounds so... Erotic!” Pinindot pindot niya pa ang tagiliran nito. “Kayo na? Kayo na?”
Malungkot itong umiling. “Never sigurong mangyayari iyon.”
Ayy may past! Ang showbiz ni ateng!
Umayos na siya ng tayo. “Kaya dapat, sumama ka na samin para makalimutan mo na ’yang prof mo! Magboy hunting ka!”
“Hindi ko siya kayang palitan sa puso ko.”
“Haaa! Ang tamis!” Eksaheradang aniya. “Ikaw din, sabihan mo na lang ako sa cubicle ko kapag gusto mong sumama.” She blinked at her before leaving her alone.
Nang makabalik siya sa cubicle niya ay nilingon niya ang likoran ni Trisha, humahanga siya sa babae. Yes, sa totoo lang napahanga siya nito dahil paano nito napanatili ang pagmamahal sa iisang lalaki? Sana all!
BINABASA MO ANG
RED's Bedmate
Genel KurguEvil Torturers New Generation Red Oscar M. Chui's Story @MyJaff