AN:\\ lumipat po ako sa computer para magedit kaya ganito ang update ngayon. Nakakapanibago, pati nga ako nanibago sa way ng pagsulat ko ngayon. Anyways about dun sa chaps. 1 and 2 siguro pag natapos na to lahat-lahat, saka ko nalang iedit ulit, enjoy sa pagbasa!
[Chapter 03]
Chloe's POV
I was curious of the boy who passed by.
Ewan ko ba kung bakit biglang nagslow motion na ganon yung paligid ko, I just felt something weird nung dumaan siya, para bang nakaramdam ako ng itim na aura, ganon. Basta ang weird!
Doon ko lang din nakita na parang kaming dalawa lang ni Sir Ric ang nakanotice dun sa guy who walked passed our corridor, tinignan ko si Sir Ric kasi parang may binubulong siya sa sarili niya habang sinundan niya ng tingin yung guy, hanggang sa nawala nalang yung tingin ni Sir dun sa left window area.
Well, that was weird.
"Oh sino na yung kasunod ni Miss Cordovez?" tanong ni Sir Ric sa class.
"Good luck sakin." sabi ni Kenneth kaya naman kunot nuo ko siya tinignan pero mukhang di niya yun nakita kasi naglalakad na siya sa front. Nagsimula na ding tumili yung girls na para bang artista si Kenneth.
Andami namang fans, sana ol. HAHHAHA!
"Ahm, good morning everyone. I'am Kenneth Gabriel Cordovez, call me Kenneth. Looking forward to be friends with you all." sabi ni Kenneth na may accent, ay iba din HAHAHAHA! Pero mukhang nasanay na siya na ganyan magsalita kasi walang bakas na kaba o ano man yung mukha niya.
Yung masayang mukha nung girls kanina ay napalitan ng pagkalito at napa 'HUH' nalang silang lahat, kasali yung mga boys.
Kaano-ano mo ba si Chloe, Kenneth mylabs??
Mag-asawa ba kayo?
Hala sayang naman.
Psh, sayang taken na pala si pogi.
Ang babata niyo pa para mag-asawa!
Samu't- saring mga comments ang nag-ingay sa classroom, kaya tinignan ko si Kenneth at di na talaga namin matiis kaya ayun, tawa kami ng tawa. Like as in tawa lang kami ng tawa. Nagtaka naman yung buong class pati na rin si Sir Ric.
Huminto si Kenneth sa pagtawa at bumuntong hininga bago magsalita.
"Me and Chloe really hear those kinds of comments from people kung magkasama kami, but for the information of everybody, we are just cousins. Her dad and my dad are brothers." mahinahong sabi ni Kenneth kaya naman mukhang nakahinga ng maluwag yung classmates namin.
To be honest, mas gusto ko yung 'lowkey' kami ni Kenneth about being magpinsan, pero mukhang okay na rin na sinabi niya, para hindi na mas lalong lumaki yung issue na yan.
After nang introduction nung mga classmates ko, nalaman kong anim pala sa mga kaklase ko ay galing ng Academy kaya namumukhaan nila ako pati si Samy. Nagpatuloy kami sa class namin and guess what, si Sir Ric ang magiging guro namin sa Biology, and sa Wednesday na daw siya magstastart na magdiscuss para hindi kami mabigla.
Ang swerte namin kay Sir Ric, really. Ang bait pa niya.
And since 1 hour lang namin makakasama si Sir Ric every monday, wednesday and friday, nagpaalam at umalis na si Sir papuntang ibang classroom. Ang ibang classmates ko punta daw muna sa canteen dahil may break kami ng 1 hour so mamayang 9 AM pa kami sisiputin ng prof namin, ang iba naman nagsecellphone lang, may natutulog pa, may nagchichikahan sa gilid. Lumingon ako sa gilid ko para makita kung ano ang ginagawa ni Samy, ayun panay selfie, pang- my story niya siguro sa IG niya.

YOU ARE READING
Once a Playboy, Always a Playboy
Teen Fictionpls support me guyss! --------------------------------- Written by: summer_breez15 All Rights Reserved 2020 ---------------------------------