Left
ISAY POV
Naiinis ako kay manong waiter eh. Kabilang naman yung tinapa sa seafood diba?
"Gusto mo ba talaga non?"tanong sakin ng katabi ko na si kuya henry
"Oo sana pero wala eh, maghuhugas lang ako ng kamay kuya" paalam ko Kay kuya at tumayo na para maghugas ng kamay. Mabilis akong natapos kaya umupo agad ako sa tabi ni kuya at nagsimula ng kumain ng nakakamay. Sarap na sarap ako sa kinakain ko, mas masarap pa pala ito kesa sa tinapa
Susubo na ulit sana ako ng mapansin Kong lahat sila ay nakatingin sakin. "Bakit?" inosenteng tanong ko.
"Bakit ka kumakain ng nakakamay?" parang nandidiring sabi ni kuya herlin sakin.
"Bawal ba?" sabi ko. Hindi naman bawal yon diba? Bakit nila ako sinisita
"Pinagtitinginan ka na ng mga tao" inis na sabi Ni kuya hans saakin
"tapos?" tanong ko at sumubo ulit gamit ang kamay ko.
"omg look at her girls, she's so nakakadiri like ew" maarteng sabi ng babaeng maikli ang buhok
"Yeah right, she looks so poor" nandidiring sabi ng babaeng mahaba naman ang buhok. Tumigil ako sa Pagkain ko at pinipigilan ko ang aking sarili.
"And look girls, mukang nilalandi nya din ang mga lalaking kasama nya oh. She's so malandi." sabi pa ng isang babae. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, papunta na ako sa table nila ngayon naramdaman ko ang pagsunod saakin nina kuya
"Anong sabi mo?" mataray na tanong ko sa mga babaeng yon
"hindi kami Nagsasalita" painosenteng sabi ng babaeng maikli ang buhok
"Eh anong ginagawa mo?"tumawa ako ng bahagya nginisian ko sila." Kapag malapit lang sayo yung pinaparinggan mo, magdahan dahan ko sa pananalita mo" Seryosong sabi ko sakanya ngunit nakangisi. "hindi moko kilala, at hinding hindi mo gugustuhing malaman pa kung sino ako" sabi ko. Nagulat sya at halata sa kanyang natatakot sya
"I- don't care!" sigaw ngunit nangangatal na sabi nya
"Pasampal ka palang, Nasuntok na kita" matigas Kong sabi sakanya
"Hesa let's go" sabi ni kuya henry sabay hila sakin. Sumakay na kami sa van nila Narinig ko ding nagpaalam na sila sa mga tropa nila.
Tahimik lang ang byahe namin ayaw nilang magsalita at ayoko ding magsalita. Nasaktan ako sa mga narinig ko kanina
"you okey?" tanong ni Kuya henry. Si kuya henry lang ang laging nangangamusta saakin, feeling ko nga sya lang yung kumakausap saakin sakanilang tatlo
"Oo" mahinang sabi ko. Dahil hindi naman ako Okey
"I'm so proud of you" sabi nya sakin. Napatingin ako sakanya nakita ko syang nakangiti
"Bat naman?" tanong ko
"Ang tapang mo kanina, napabilib mo ako. I like how you defend yourself" nakangiting sabi nya saakin. Napangiti ako, buong buhay ko wala po pang nagsabi saakin ng proud sila saakin
"Salamat kuya" nakangiting sabi ko sakanya. Mabilis ang byahe at nakauwi na din kami sa bahay namin. Sinalubong kami ni tita Mae
"How was it?" sabi nya at isa isa nya kaming inakap
"Good, kung hindi lang nag eskandalo ang isa Jan" matigas na sabi Ni kuya hans. Alam kong yung nangyari kanina ang tinutukoy nya
"Hans" tawag sakanya ni kuya henry