chapter 1

25 0 0
                                    

Hace POV:

Maingay, mausok, magulo at mabahong amoy !?

Amoy putok!

Tiningnan ko ng masama yung babaeng katabi ko, sumasayaw sya habang nakataas ang dalawang kamay. Hindi ba sya aware na may amoy sya. Hayss, kababaeng tao hindi maruong mag-linis ng katawan. Bigyan ko kaya ng tawas 'to? Para naman maiparating ko sa kanya na amoy putok sya in a nice way.

Nga pala nandito ako sa bar kasama ang mga kaibigan ko. Umalis na ako sa tabi nung babae at bumalik sa table namin.

Hindi ko tuloy na-enjoy yung music, sasayaw sana ako kaya lang panira ng atmosphere si Ate Gurl.

"Oh akala ko sasayaw?" napabusangot ako sa tanong ni Attenah. "Kasi naman yung ate ang lakas ng putok!" humalukipkip ako saka uminom ng tubig. Yeah,tubig lang, hindi ako umiinom ng alak. Mabuting bata kaya 'to. I rolled my eyes.

"HAHAHA! Seriously!? e di lumipat ka na lang dapat ng puwesto!"natatawang sabi ni Kary. "Huwag na lang. Ako pa mag-aadjust?" hindi na sila sumagot sa halip ay tumawa na lang.

Maya-maya kumunot ang noo ko ng makitang tumayo silang dalawa. "San kayo pupunta?" tanong ko at hinawakan ang braso ni Kary. "Sa Dance Floor?Gusto kasi naming sumayaw" sagot ni attenah. Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko.

"Lah! iiwan nyo ko dito?" tanong ko ulit. Tiningnan naman ako ni Kary. "You know what Girl? Nung gusto mong sumayaw, pinabayaan ka lang namain. Wala kang narinig samin na 'uy, wag mo kaming iwan dito', kaya pagbigyan mo na kami, please?" hindi na ako nakaangal pa nung hinatak na ni Kary ang braso nya sakin saka umalis.

Nagpapadyak ako sa pwesto ko nang mawala na sila sa paningin ko. Inis pa ko sa suot ko dahil sobrang ikli. Tangina naman kasi nung Attenah na yan e , masyadong mapilit ipasuot sakin 'tong dress nya na nakakaputa.

Wala naman akong nagawa kundi ang umupo ulit. Paano na 'to? ako na lang dito. Baka mamaya may lumapit sakin na lalaki tapos bastu-

"Hi miss" uh-oh sabi ko na nga ba.

hindi ko na lang pinansin kung sino mang nilalang yun. Nagulat na lang ako ng may umupo sa harapan ko. Bale yung table nasa pagitan naming dalawa. Help me please! Isang lalaking mukhang......Adik!?

"Hi miss" pag-uulit nya. Gusto ko nang sumuka dahil sa pag-mumukha nya. "Pakipot? Well okay lang yan. Maganda ka naman"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nya or what. Kinapa ko na lang ang bag ko sa tabi ko at akmang tatayo ng bigla nyang hawakan yung braso ko saka hinila ako palapit sa kanya tapos yung..............yung kamay nya.

NAKAHAWAK NA SA PUWETAN  KO!?

Ngumisi sya sakin dahilan para itulak ko sya at mabitawan nya ako.

"Bastos ka ha!?"sigaw ko sa kanya pero guest what? nginitian nya lang ako. "Alam mo bang ang baho ng hininga mo, wala kang modo at manyakis ka pa!" halos lumabas na yung litid ko kakasigaw sa kanya. Oh Lord! please pakibulungan ang mga kaibigan ko at pabalikin mo dito. Lalo akong naasar nang ngumisi pa sya lalo. Di nya ba alam na ang pangit nya? Legit?

"Ano pa bang aasahan mo? Nasa bar tayo" nakangising saad nya. Jusko.

"At porket nasa bar tayo, Babastusin mo na ako!?" Hindi sya sumagot sa halip ay tiningnan ang kabuuan ko, para hinuhubaran nya 'ko sa tingin nya. Kinilabutan tuloy ako.

I swear to God, kakalbuhin ko 'to pag hinawakan nya pa ako ulit.

"Katulad ka din naman  ng ibang babae dyan, pakipot sa una pero sasama din pala" lumapit sya sakin ako naman ay umatras. Gusto kong tumakbo at umalis na dito pero di ko alam kung san ako pupunta.

"Hindi ako katulad nila. Na kapag gusto mong hipuan, magpapahipo naman. Ibang-iba ako sa kanila" pinilit kong tapangan ang boses ko pero ang totoo natatakot na ako.

"So virgin ka pa?"pakiramdam ko naging kamatis ang mukha ko. At lahat ng dugo sa buong katawan ko ay pumunta lahat sa ulo ko. Ngayon galit na ako.

Ewan ko pero kusang lumapit ang sarili ko sa kanya saka sya sinapak.

Sa lakas ng suntok ko ay tumumba sya at dumugo ang labi nya. Ang tigas ng mukha mo! Tumayo sya at saka pinunasan ang dugong tumulo mula sa putok nyang labi. Ako naman ay hingal na hingal. Wow, sinaniban ba ako ni Saitama? Bagsak sya ez wala pala 'to mahinang nilalang lang pala ang isang 'to, pwe weakshit.

"Matapang ka ha!" mabilis niyang dinakma ang leeg ng damit ko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Huhu patay ang sama ng tingin nya. Bakit ko kasi sinuntok?!

Sasampalin nya sana ako nang may humawak sa kamay nya.

"Let her go" mariin nitong sabi kay Kuyang Adik. Sino na naman ba to? "At sino ka ba!?" pasigaw na tanong ni kuyang adik kay Mr. Saviour. OO, Mr. Saviour kasi niligtas nya ako mula sa pagkakasampal sana sakin ni Kuyang adik. "Bibitawan mo o ihahampas kita sa pader" OMO! ang lamig ng boses nya. Nasa Antartica ba ko?

"Tinatanong kita kung sino ka!?" nanlilisik ang mga matang tanong ni kuyang adik. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak nya sa leeg ko ng may sabihin si Mr. Saviour na nakapagpatigil ng mundo ko.

"I'm her boyfriend" madiin nitong sabi. "Kaya habang nakakapagtimpi pa ako sayo, bitawan mo na sya dahil baka masapak ko niyang pag-mumukha mo at sisiguraduhin kong hindi ka makikilala ng pamilya mo" para namang natakot si kuyang adik at unti-unti akong binitawan. Saka umalis na para bang walang nangyari. Hinabol ko agad ang hininga ko, tumatakbo e, chos.

Napatingin naman ako dun kay Mr. Saviour, pero wala na sya. Hala! bat ang bilis mawala!?

Hinanap-hanap ko pa sya pero wala na talaga. Lumabas pa ako sa bar pero hindi ko na sya na nakita. Para naman may kung ano sa parte ng katawan ko ang nagsasabing 'bakit mo hinayaang umalis?!'

'Bakit ganun ang bilis nawala?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IN THE NAME OF LOVEWhere stories live. Discover now