LUCY'S P.O.V.
NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa pintuan ng kwarto ko. Pinilit kong baliwalain ang ingay na iyon ngunit sadyang hindi titigil ang nasa labas ng pintuan na kumatok nang kumatok. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon at pagbuksan. Daig ko pa ang nagsuot ng sampung helmet sa ulo dahil sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman ko. Hang over ang nararamdaman ko dahil sa dami ng alak na nainom ko kagabi. Kapag kasi araw ng biyernes ng gabi nagkakaroon kami ng gimik na magkakaibigan.
"Sandali!"
Sigaw ko sa taong kumakatok. Pagbukas ko ng pintuan nagulat ako sa kaharap ko at mas nagulat ako sa biglaang pagsampal niya sa'kin.
"P-Papa!"
Napahawak pa ako sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng palad niya at ang sakit dulot ng sampal niya.
Salubong ang kilay ni Papa sa'kin at halos manginig ang panga niya sa sobrang galit.
"Tingnan mo ito!" Sabay hagis sa mukha ko ng resibo.
"Resibo 'yan ng pinagbayaran ko ng credit card mo! Two hundred thousand pesos in one week! Ano pinupulot ko ba ang pera!" Halos marinig sa first floor ng bahay ang boses ni Papa dahil sa sobrang lakas ng boses niya.
Yumuko ako. "Tipid naman ako, si Ate nga bumili ng kotse five million ang prize."
"Sumasagot ka pa! Ang ate mo Matalino. Kahit mag waldas siya ng pera. Alam kong makakatulong siya balang araw sa'kin. Ikaw! Bobo!"
Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na nga maramdaman na mahalaga ako sa kanila. Pati pagmamahal pinagkait pa nila sa'kin.
Tumingin ako kay Papa. "Bakit si Ate na lang ang mahalaga sa inyo?! Anak niyo rin naman ako. Bakit kailangan may discrimination sa'min. Bakit, Papa?!"
"Dahil wala kang kwentang anak! Perwisyo ka!" Sigaw ni Papa sa'kin.
Nag-uunahang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit-sakit dahil sa kanya ko pa maririnig ang salitang iyon.
"Daddy!"
Napatingin ako kay Ate Lilibeth. Hinawakan niya si Papa sa braso.
"Tama na 'yan. Baka tumaas naman ang blood pressure niyo."
"Letche kasi 'yang kapatid mo! Kahit kailan walang kwenta." Mas kalmado na si Papa ngayon.
Sa tuwing tinatawag ni Ate na Daddy si Papa. Nalulungkot ako. Noong bata pa kasi kami gustong-gusto ko siyang tawaging Daddy. Pero sa tuwing tinatawag ko siyang Daddy. Pinapalo niya ako. Kaya Papa ang tawag ko sa kanya. Ang gusto niya kasi si Ate Lilibeth lang ang tatawag sa kanya na Daddy.
"Hayaan niyo na po si Lucy," sabi pa ni Ate.
"Makaalis na nga! Sinisira niya ang araw ko."
Nakakatatlong hakbang pa lang si Papa nang muli siyang lumingon sa'kin. At dinuro ako. "Mula ngayon, hindi mo na magagamit ang credit card mo!" Huling sabi pa niya bago siya tuluyang umalis.
Dumapa ako sa kama at umiyak nang umiyak. Ayoko na talaga dito sa bahay, wala akong nagawang tama. Kailan ba ako magiging masaya? Kahit kasi sa school. Palagi akong nasasaktan. Sinaktan din ako ng taong mahal ko dahil pinili niya ang upgraded Maldita ng school. Kaya naman pakiramdam ko wala na akong silbi.
"Heto," sabay abot sa'kin ni Ate Lilibeth ng credit card niya. Palabas na ako ng mansyon naming upang umalis. Hindi ko na kasi kayang tumagal sa mansyon dahil mainit ang dugo nila Mommy at Papa sa'kin.
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...