chapter 6

35 1 0
                                    

Sorry

ISAY POV

Matapos ang aming agahan ay sumakay na ako Kay kuya henry. Tahimik lang ang byahe namin ng makarating ako sa school namin. Bago ako bumaba ay sinabi ni kuya sakin ni hintayin ko lang si kuya herlin mamayang uwian. Kahit anong mangyari hintayin ko lang daw sya.

Hinanap ko na agad ang room namin, agad ko namang nakita iyon. Pumasok na ako at pumasok na din ang prof ko. Naubos ang aming oras sa pagpapakilala. Ng ako na ang magpapakilala ay tumayo na ako at pumunta sa una

"Hello classmates and prof, ako nga pala si Princess Hesa Marquez. Pero pede nyo din akong tawaging isay o di naman kaya dyosa" nakangiting sabi ko. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ko

"Hmm Ms. Marquez magkwento ka tungkol sa buhay mo" sabi ng prof ko. Nag isip muna ako ng makukwento ko

"Lumaki ako sa probinsya ng Batangas. Simple lang yung buhay ko Don, sa pagising ko sa umaga tuwing bakasyon ay nagtitinda ako ng turon para may pera akong magagamit sa darating na pasukan. Sa hapon naman ay nagtatrabaho ako sa isang karenderya. Matagal ng namatay yung nanay ko, at nung mga panahong nasa Batangas pa ako Hindi ko naman kilala ang tatay ko. Kaya nakikitira ako sa tita ko, masaya naman ang buhay ko doon. Ng biglang dumating ang tatay ko kasama ang tatlo kong kuya para kuhanin ako. Ang epic nga ng una naming pagkikita kase nasapak ko yung kuya ko eh jusko po rudeh hahahahahahahahahaha at ngayon, Andito ako sa maynila kasama ang papa ko at ang tatlong kapatid ko" nakangiting kwento ko.

"Hesa kapatid ka ba nina hans?" tanong ng isa Kong kaklase. Tumango ako

"ah so ikaw pala yung nawawala nilang kapatid" sabi naman ng isa Kong kaklaseng babae

"I LIKE YOU NA" sigaw naman ng isa Kong kaklase. Napatawa nalang ako sa mga inasta nila.

Nagsimula ng magklase at may ibat iba din kaming prof bawat subject. Mabilis lumipas ang oras at nag uwian na. Inayos ko muna ang mga gamit ko tsaka ako lumabas ng room, paglabas ko naisip Kong hindi ko alam kung saan ko makikita si kuya henril. Malaki ang school na ito paano ko sya makikita? Naisip Kong maghintay nalang sa labas ng gate baka sakaling lumabas sya

Lumipas ang apat na oras, wala pa ding herlin na lumabas. Kanina pa ako naghihintay dito. Asan na kaya sya? Pero kailangan Kong makinig Kay kuya henry kailangan Kong hintayin si kuya herlin. Maghihintay lang ako dito.

Lumipas pa ang ilang oras ay nandito pa din ako, naiiyak na ako dito. Pero kailangan Kong magpakatatag, hihintayin ko si kuya herlin dito. Dumidilim na din pero wala pa si kuya herlin, asan na kaya yon?

10 na ng gabi pero wala pa din si kuya herlin, umuwi nalang kaya Ako? Pero wag baka biglang dumating si kuya herlin. Aish kuya Asan ka na ba? Maya maya ay nilapitan ako ng isang lalaki

"Hi miss, Ano pang ginagawa mo dito?" tanong nya. Hindi ako umiimik hindi ko sya kilala at turo saakin ni mama na wag ako makikipag usap sa hindi ko kilala

"Pipe kaba miss? Magsalita ka naman" nakangising sabi ng lalaki. Hindi pa rin ako umimik at tinitingnan pa din ang mga kotse na dumaraan, please kuya dumating ka.

"Shytype ata itong si miss" sabi ng lalaki at hinawakan ako sa braso, inilayo ko agad ang aking braso sakanya. Umatras ako ngunit Papalapit na sya ng Papalapit

"isa lang naman miss" nakangising sabi ng lalaki at hinawakan nya muli ang braso ko ngunit binawi ko din ito agad.

"b-bitawan mo ako lumayas ka!" sigaw ko. Ngunit hindi sya nagpatinag lumapit pa sya Lalo saakin.

"Isa lang naman at sisiguraduhin kong masisiyahan ka miss" sabi ng lalaki at hinila nya ang mga braso ko pinilit Kong kumawala pero hindi ko sya kaya masyado syang malakas.

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now