Haven's PoV
D-mn! Ano bang ginawa ko? It's been three days since I kissed her. Wala lang, bigla ko na lang siyang hinalikan. Siguro natuwa lang ako sa kanya nun. Ang cute niya kasi e.
Natuwa? Kiss? Baka mahal mo na! Wait, what the? Ang bakla ng isip ko! -___-
Tsk! I really need to apologize to her. Pakiramdam ko hindi ako matatahimik kapag di niya ako kinakausap.
Kailangan ko syang hanapin. Tatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita. Hmm sabagay, malaki naman kasi ang school na ito eh.
Pero hindi ko alam kung paano. Aish! Bakit ba ganito ang epekto mo sakin Francine? I always think of you and I hate it! -___-
Hindi ka naman sexy eh. Flat ka kaya. Hindi ka rin hot. Napaka-angelic mo kasi. Pero sadista ka naman. Hindi ka matangkad. Hanggang balikat lang kita eh. Hindi ka palaayos. Bakit ako nagkakaganito sayo?
Ahhh! Sht! I can't understand myself.
************
Francine's PoV
Shemay siomai siopao suman, kailangan kong makaalis dito! Harujusme bakit ngayon pa ko natapilok?!
Aba, kitang kita ko si Haven eh! Baka mahuli niya ko dito!
Huh? Weird ko ba? Siya na yung may kasalanan tapos ako pa yung matatakot na magpakita? Aba that's a big N-O! Hmm bahala siya, hinalik-halikan niya ako e. Manyak. >~<
Hays, pero bago ako magsalita ng magsalita sa isip ko, dapat pulutin ko muna yung mga gamit ko.
Isa-isa kong pinulot ang mga libro ko at inilagay sa bag ko. Hawak-hawak ko lang ang mga reviewers ko. Exam week ngayon eh. I need to focus focus focus!!!
"A-ay shemay gulay!" Ayan focus pa more Francine, natapilok tuloy ako at nalaglag yung mga reviewer ko.
"Tss. Clumsy." Sabi ni.. wahhh!
SI HAVEN! (//_\\)
Lupa lamunin mo na po ako-- I-I mean, yang manyakis na yan! Ayoko siyang makita! >:(
Dali-dali kong pinulot ang mga reviewer ko.
"Francine? Oy usap naman tayo oh."
Tsk! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! No way, Norway! Binilisan ko na ang pagpulot at dali-dali akong tumakbo. Hays naka-heels pa man din ako. Ano ba kasing trip ng school na ito, kailangan pang may heels ang black shoes? Baka madapa ako nit---
Ahh! Sinasabi ko na nga ba e. Huhuhu ㅠㅡㅠ
"Hala nadapa yung babae!"
"Oy pre tulungan mo!"
"Hala miss, nagasgasan yung tuhod mo."
Tinignan ko ang tuhod ko at---- huhuhu may gasgas nga!! ㅠㅡㅠ Patay ako kay eomma! Kanina tapilok lang, ngayon nadapa na talaga. Oh well, whatta day! >~<
"Excuse, excuse! Ako na tol." Rinig kong sabi ni Velasco. ㅡ______ㅡ Feeling superman.
Tapos binuhat niya ako. Yung parang bagong kasal? Basta alam niyo na yun.
"Hoy ikaw! Ibaba mo nga ako! Baka manyakin mo lang ako e. San mo ba ko dadalhin? Bakit kailangang buhatin pa?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Aba nadapa lang naman ako ah? Hindi naman pilay. Though masakit talaga yung ankle at knees ko. Pero kahit na! Kaya ko namang maglakad eh. >.<
"Ano ba wag ka ngang malikot! Baka mahulog ka eh. Tsaka anong ibaba? Paano ka makakalakad niyan? Siguradong masakit yang paa mo eh." Inis rin na sabi niya. Aba!
BINABASA MO ANG
24 Days
Teen FictionHanda ka bang magbaba ng pride para sa pag-ibig? O hayaan mo na lang syang maging masaya sa iba?