Cass
Natatakot ako.....asan ba 'ko?Wala akong makita.Yung pakiramdam na nakadilat ka pero wala ka pa din makita.Anggulo!Natatakot na talaga ako....
Ang malambot na kutson na lamang ang nararamdaman ko sa likod ko.Hindi ko maigalaw ang katawan ko!Gusto kong sumigaw.Wala akong makita.Ang dilim.....
"Cass!!Cass!!" Kaskas?Nararamdaman ko ang pagkawak sa dalawa kong balikat at bahagya akong yinuyugyog.si Jin!Hindi ko alam pero kilalang kilala ko ang boses niya kahit hindi ko siya nakikita.Gusto ko din tawagin ang pangalan niya pero hindi ko maibuka ang bibig ko.Natatakot na ako sa mga nangyayari.....
Tumigil ang pagyugyog.Wala na ba siya?!Ang bilis niyang sumuko!Kung susuko na siya agad malaki ang posibilidad na ganito na ako habang buhay!Kahit ako ay hindi maipaliwanag ang nangyayari sa katawan ko.Pakiramdam ko napakatanga ko.Wala akong magawa!
"Jiin....."Hindi ko alam kung may tunog ko pa iyon nasabi.Ibinuhos ko na ang lahat ng makakaya ko upang maibuka ang bibig ko.Sinong Jin?!Anong Jin?!Tila nalimutan ko ang lahat pero iyon lamang ang naalala ko.Nanlalamig ako.
Nakaramdam ako ng bahagyang init sa kamay ko.May nakahawak sa kamay ko.Wala na akong pakialam sa mga bagay bagay....Ang importante ay maimulat ko ang mga mata ko.Kinikilabutan ako.Wala na atang mas weirdo pa sa nararamdaman ko ngayon.Basta imumulat ko ang mata ko nang matapos na ito lahat!May kaunting liwanag akong naaaninag
"Cass!" narinig ko na naman ang pamilyar na boses at iisa lamang ang sinisigaw simula kanina.Anlabo ng paningin ko.Wala akong maaninag.
"Jin!" napasigaw na lamang ako nang umayos na ang paningin ko at hawak niya ang kamay ko.Sino ba siya?
"Cass!" nawala ang lahat.Asan ba ako?sino ba tong lalaking toh?bakit siya nakaupo sa kamang hinihigaan ko?asan ba 'ko?kaano ano ko ba siya?
Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at mula sa posisyong iyon ay hinigit niya ako papalapit sa kaniya.Anong ginagawa niya?nakakabobo na!nararamdaman ko ang init ng katawan niya dahil napakalapit namin sa isa't isa.Sa sobrang lapit ay nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa may leeg ko.Napakabango din niya.Wala na sigurog makakaintindi sa akin kung hindi isang snatcher na tumatakbo dahil may malapit na pulis.Ang bilis ng tibok ng puso ko!Hindi ko kilala si kuya pogi.Oo na!inaamin ko ang pogi naman talaga niya eh yung tipong type ko.....pero hindi iyon ang kaso ngayon....asan na ba 'ko?Wala na din akong magawa dahil hindi ako makagalaw ang nararamdaman ko na lamang ay ang malambot na kama....ang malandi kong puso....at ang mga kamay niya na nakapulupot sa may bewang ko.
"We'll talk later...Actually I feel so shitty like you were dead a while ago ang now you're back....zombie ka ba?!" wala akong naiintindihan sa mga sinabi niya.
"Huh?"wala na akong masabi eh..tska wala nga akong naintindihan kung hindi ang salitang zombie.Teka,sinong zombie?ako?!masyado naman ata akong maganda para masabihan nun!ay teka erase na pala yun hindi ko na din maalala ang itsura ko.Ang tanga ko!Hay....pero sigurado ako na napakalaking kawalan ito kaya mamaya nararapat lang na makita ko ang mukha ko.Hindi naman sa feeler,assuming at mayabang pero sa sobrang ganda ko parang nararamdaman ng mga cells ko na maganda ako.Ano yung cell?Ano na ba kasing nangyayari sa akin?Tska excuse niyo ang magandang nilalang na ito ah!pero hindi ako makapagsalita dahil wala akong maintindihan hindi dahil feel na feel ko yung pagkakaakap niya sa akin pero.....sabihin natin...Ok lang wala naman makakaalam eh....parang ganun na nga.Ang gwapo niya eh at ang bango pa...uulitin ko!hindi dahil sa inaamoy ko siya kung hindi dahil iyon sa may ilong ako.
"forget it!just rest." Nang sinabi niya iyon ay agad niyang kinalas ang pagkayakap sa akin.Sana hindi nalang niya sinabi.Hindi dahil lamang dahil sa nakumpirma ko na buhay pa ako dahil napakabilis ng tibok ng malandi kong puso kung hindi dahil tila nawala lahat ng takot ko kanina nung parang nakakulong ako sa isang napakasikip na kahon na napakadilim,hindi ako makahinga yung tipong parang puro inhale na lamang at wala nang napasok na hangin sa akin at hindi ako makagalaw.
BINABASA MO ANG
Undestined
HumorAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...