Sehun- Best Friend or Best Lover?
"NINAYYY !! NINAYYY !!" nagising si Nina sa malakas na tawag sa kanya ng isang lalaki ,alam nya kung kaninong boses yon. Agad syang dumungaw at doon nakita nya ang bestfriend nyang si Sehun na parang bata na nagkakakaway at tumatalon talon pa habang sinisigaw ang pangalan nya.
'Psh Isip bata talaga kahit kelan.' sabi ni Nina sa isip nya.
Agad na syang lumabas ng bahay at pinagbuksan ng gate si Sehun kahit na nakapajama lang sya at sobrang gulo ng buhok nya.
"Bakit ba?" tanong nya kay Sehun habang naghihikab pa.
"Ano ka ba Ninay tanghali na oh? Bibisita pa tayo sa Children's Orphanage " bigla naman naalala ni Nina na bibisita nga pala sila. Pero biglang tiningnan nya ng masama si Sehun at sinigawan ito.
"SESEEE STOP CALLING ME NINAYY, IT'S NINA. CAPITAL N-I-N-A. WAG MO NA AKONG TAWAGIN SA PANGALAN NA YON. MATANDA NA TAYO 18 NA KAYA TAYO. Di na tayo bataaaaa" pasigaw nyang paalala kay Sehun.
"Tss. Ninayyy stop calling me Sese, it's Sehun. Capital S-E-H-U-N " sabi ni Sese habang ginagaya ang tono ng pananalita ni Nina kanina.
"Haaaaayyy Ewan ko sayo. Oo na. SEHUN -.-" medyo asar na sabi ni Nina.
"Hehe. Very good Pero Ninay parin ang itatawag ko sayo. Ninayyy Ninayyy Buninayyy" sabi nito na may tonong pang aasar. Hinayaan na lang ito ni Nina dahil alam nyang isip bata ang kaibigan nya at kahit kelan ay di ito magpapatalo.
Magbest friend si Nina at Sehun simula pa noong bata sila. Nagkakilala sila noon sa isang playground ,si Sehun ang tumulong kay Nina noon nang mahulog ito sa swing. Para kay Nina si Sehun ang superhero nya dahil ito ang nagsilbing Daddy at Kuya nya. Wala silang kapatid pareho kaya naman silang dalawa lagi ang magkasama sa lahat ng kalokohan at problema. Naging sandalan nila ang isa't-isa. Kaya naman di napigilan ni Nina na magkaroon ng nararamdaman kay Sehun.
Sa bawat araw, linggo, buwan at taon na parati silang magkasama di na napigilan ni Nina na lalong mahulog kay Sehun. Pero alam naman nya na hanggang magkaibigan lang sila.
"Ninayyy, maligo ka na nga! Dalian mo na ,inaantay na tayo ng mga bata dun." sabi ni Sehun habang itinutulak si Nina papasok sa bahay nito.
"KPayn. Halika nga sa loob antayin mo ako sa may salas. Manood ka muna ng TV habang nag aantay ka." sabi ni Nina at agad namang sumunod si Sehun .
Mga 20 minutes na nag antay si Sehun at lumabas na si Nina, nakasuot lang ito ng pants at simpleng shirt na may naka print na 'I Like You'. Simple lang ang pananamit ni Nina pero para kay Sehun sya ay isang napakagandang Dyosa. Habang papalapit si Nina ay parang nag slow motion ang lahat lao na ng ngumiti ito sa kanya.
Di maikakaila na may lihim na pagtingin din si Sehun kay Nina. Pilit nya itong itinatago dahil ayaw nyang ito pa ang maging dahilan ng pagkakaibigan nila. Kuntento na lamang sya na makita si Nina araw araw.
"SESEEEEE !!" sigaw ni Nina sa tenga ni Sehun. Nagulat naman si Sehun di nya namalayan na napatulala pala sya.
"A-aray ko Ninay. Masakit sa tenga!" reklamo nito.
"Tss. Eh kanina ka pa kayang tulala dyan. Sino naman kaya yung dine-Day Dream mo?" nang aasar na sabi ni Nina.
"Aissshh. Wala. Halika na nga. Napakabagal mo talaga." sabi ni Sehun upang makaiwas sa tanong ni Nina at hinigit nya ang kamay ni Nina at nagtungo na sila sa Orphanage .
Pag mamay-ari nila ang Orphanage. Pumupunta sila dito para bisitahin ang mga ulilang bata doon. Sila ang nag aalaga dito tuwing Sabado.
Nang makarating sila ay agad silang sinalubong ng mga bata.
BINABASA MO ANG
EXO One Shot Stories [Tagalog] ♥
FanfictionMga kwento para sa mga Filipino EXO-L ! Read and enjoy :)) 아자