Kung Mahal mo, Pakawalan mo. (One Shot)

217 8 0
                                    

Written by: MeetTheEpalAuthor (June 14, 2014)

Introduction

Isang lumang kasabihan....

"Kung mahal mo, Pakawalan mo."

Sabi nga ni Bob Ong. Mahal mo nga eh, Anong katangahan bakit mo pakakawalan!.

Ako si Daryl Lopez. Anak ng isa sa pinakasikat na business tycon sa buong mundo. Ako ang magmamana ng kompanya namin. Ang mga Lopez na katulad ko ay isang disente at maayos na tao pero sa kalagayan ko hindi ako isa sa mga doon. Kaya nga ipapadala ako ni Papa sa US. At iiwan ko ang pamilya ko dito sa pilipinas pati na rin ang buhay ko na si Jasmine dela Paz.

Tanga na kung tangang tawagin kung pinakawalan ko sya kung para naman sa kapakanan nya yon. Pinakawalan ko sya sa isang rason. Hindi ko kayang magmahal ng isang katulad nya. Masyado syang inosente, parang walang mali sa kanya. Pwede na nga syang tawaging perpekto. Dahil sa pag-uugali nya parang anghel na sya kung turingin. Kaya nga ayaw ko na sa kanya, hindi naman ibig sabihin na ayaw ko na sa kanya ay hindi ko na sya mahal. Pinakawalan ko lang para sa pangarap nya.

Sa tuwing makikita ko sya na may kasamang iba. Nagagalit ako. Naiinis. Parang gusto kong pumatay ng tao. Gusto kong bugbugin yung lalaking lalapit sa kanya. Kailangan na muna nyang tapusin ang pag-aaral nya. Dapat hindi sya gagaya sa akin na tumigil sa pag-aaral. Hindi ako ang klase nang lalaki na nababasa nyo sa mga libro o nakikita nyo sa T.V.

Hindi ako nag-aaral. Wala akong pangarap. Kinagagalitan ako ng lahat ng tao. Gangster kung tawagin. Naninigarilyo. Walang pag-asa sa buhay pero simula ng makilala ko sya. Parang nagkaroon ako ng pangarap. At ang pangarap na yon ay ang makasama sya pero sa tingin ko malabo ng mangyari yon kasi pinakawalan ko na nga siya diba.

Ang hirap pa lang umibig. Lalo na kapag one sided love. Katulad nito palagi nalang akong ganito. Pasulyap sulyap. Sinusundan sya kung saan pupunta at kung sino ang kasama. Stalker na nga niya ako. Nandito ako sa mall. Hindi ko alam kung bakit ko sya sinundan? Obsess na nga ba ako? Pero sa tingin ko kailangan ko ng sabihin sa kanya ang katotohanan. Nahihirapan na rin kasi sya. Sabi nga ng bestfriend nyang si Ethel "Hirap na syang mag-move on. Ano ba kasing binigay mo sa kaibigan ko at nagkaganyan." Kailangan na nyang malaman at makikipaghiwalay ako sa kanya ng maayos. Ngayong araw ito maghihiwalay kami nang maayos. Sasabihin ko sa kanya ang lhat nang gusto nyang malaman. At saka ko sya tuluyang kakalimutan.

Kung Mahal mo, Pakawalan mo. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon