Isa kang Alamat

307 3 0
                                    

Isa kang alamat
Oo isa kang alamat
Isang alamat na sa libro ay di nakasulat
Di nakasulat kasi kulang sa pamagat
Dahil puro katapusan lamang ang iyong ibinahagi sa puso't isipan ko ay isinulat. Isang araw ay nandiyan ka
Ngunit kinabukasan ay bigla bigla ka na namang mawawala
Mawawala na di ko tiyak kung kailan ka ulit babalik
Puso ko ay parang pinalibutan ng rosas na matinik.
Isang araw ikaw ulit ay nagbalik
Bigla na namang napalitan ng saya ang puso ko na nananabik
Nananabik sa iyong magagandang mga mensahi
Bigla mo na namang nilinis ang matinik na rosas na sa puso ko ay nakadampi. Nabuhayan na naman ako ng pag asa
Pag asa na sa wakas ikaw ay makatabi at makita na.
Ngunit inaasahan ko na na mauulit muli na ikaw ay lilisan
Kaya hinanda ko na ang aking puso upang sa iyong muling paglisang ay di na masyadong masaktan ngunit alam ko din na ang masaktan ay di ko maiiwasan
Babalewalain lahat kahit paulit ulit na masaktan
Lahat ay kakayanin ang importante lang ay mabigyan ko ang aking puso ng kasiyahan Kasiyahan na alam ko ay panandalian.
Hiling ko lang sa iyong susunod na pagbabalik
Sana ipadama mo na sa akin ang iyong pag ibig na hitik na hitik.
Di mo na sana ako lisanin upang maipadama ko na rin sayo ang aking pagmamahal na matagal na panahon nang abandonado Ako ay umaasa na sa muling pagbabalik mo, mauumpisahan na natin ang palaging nauudlot natin na kwento At upang mabigyan ko na sa wakas ang kulang na pamagat sa isang alamat na hinding hindi mag wawakas. Na susulatin ko palang sa isang libro
Sa libro na walang sino man ang pwdeng makakabasa kundi tayo.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon