Closure

142 4 0
                                    

Hunyo 15, 2010 Martes. Ito ang araw na makikipaghiwalay si Daryl sa kanyang mahal na si Jazz. Hindi sila nagkaroon nang tinatawag nilang closure. Naalala ng binata ang dinulot nyang sakit at pighati nang makipaghiwalay sya sa dalaga. Nalaman rin nya na hindi naito nakain at naglalabas ng bahay nila. Bukas na ang alis nito sa Amerika. Kaya desperado na sya sa closure na hinihingi nya. Wala na syang naiisip na ibang paraan para maayos nya ang gulong nagawa nya ng hindi sinasadya.

Nakita nyang tumayo ang dalaga kasama ang kaibigan nito na si Ethel. Napatayo sya sa bech na inuupuan nito na katapat lamang ng coffee shop na pinuntahan ng magkaibigan. Palabas na ang dalawa ng coffee shop. Malalaking hakbang ang ginawa ng binata para maabutan nya ang dalawang nagmamadaling babae. Sumalubong sya sa dalawa at nagulat si Jazz sa ginawa nito. Nakita ng lalaki ang pagkagulat sa mukha ng babae. Walang ibang nasabi ang babae kundi ang panglan nito.

"D-daryl." makikita sa mukha ng babae ang pinipigil nyang mga luha. Mga luha na ang nagdulot ay ang lalaking nasa harapan nya. Tiningnan ng lalaki ang babae. Nakita nya namamayat na ito dahil sa stress. Naawa sya rito pero na lulungkot rin sya kasi binigay ng babae ang pagmamahal nya sa maling lalaki at siya yon.

"Jazz. Pwede ba tayong mag-usap?." tanong nya sa babae. Tumingin ang babae sa kasama nya. Ang mga tingin nyang iyon ay nagpapahiwatig na kung pwede syang sumama sa lalaki. Tumango na lamang ang kaibigan nya at iniwan silang dalawa. Sila na lang dalawa ang magkasama at magkaharap sila sa isa't isa. Masyadong maraming tao sa mall kaya naman dinala ng lalaki ang babe kung saan makakapag-usap sila nang walang nakakarinig. Dinila ng lalaki ang babae sa parking lot. Sa dulo nito. Walang ibang tao sa parking lot ng mga araw na iyon.

"Kalimutan mo na ako." sabi ng lalaki. Kailangan na nyang diretsuhin ang babae. Nagulat ang babae sa sinabi nito. Kumunot ang noo nya. Hindi nya maintindihan ang lalaki.

"Bakit?." tanong nito. Naisip ng babae na maaayos pa nila ito pero hindi na wala na. Hindi na nila maaayos ang na sira nilang relasyon. Masyado ng malaki ang sugat.

"Kailangan mo akong kalimutan para sa future mo." sabi ng lalaki. Tumulo ang isang patak ng luha sa mga mata ng babae. Nasasaktan na sya. Ang mga sugat nya parang lalong humahapdi.

"Alam mo ba na mahirap kang kalimutan." sabi nya sa lalaki. Tumingin sa ibang direksyon ang lalaki para itago nito ang kahinaan nya at ito ang mga luha ng babae. "Mahal pa rin kita, Daryl. Sabihin mo sa akin kung anong mali at bakit gusto mo akong hiwalayan?." tanong nya ulit rito. Tumungo sya at kinuha ang panyo nya sa bulsa. Pinunasan nito ang mga luha nya.

"Wala namang mali sayo. Ako ang may mali. Mali na pinaasa kita sa wala. Mali na ilagay kita sa landas na hindi dapat sayo. Kaya kalimutan mo na ako." sabi nito sa babae na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin at natatakpan ang mukha nito ng mahahaba nyang buhok. "Maghiwalay na tayo." cold na sabi nya sa babae.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang babae sa narinig nya nanigas sya sa kinatatayuan nya. Dahan dahan nyang tinaas ang ulo nya at bumungad sa lalaki ang mata nito na patuloy na tumutulo ang luha. "Paano kita kalilimutan kung hanggang ngayon nandito ka pa rin." tinuro nya ang chest nya. Masakit para sa isang babae ang iwanan ng lalaki dahil siya ang unang una nitong naging boyfriend.

"Lahat ng ibinigay ko sayo ... itapon mo." sabi nya sa babae. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa dalawa. Hindi na kaya pang magsalita ng babae. Paalis na ang lalaki nakadistansya na sya sa babae, ng bigla na lang nagkaroon ng lakas ng loob ang babae na muling magtanong sa lalaki.

"Paalis ka na ba bukas?." lumingon ang lalaki sa babae nakita nya na nakatungo ito pero nakaharap pa rin sa kanya.

"Oo, bukas na ang alis ko." dumiretso ang ulo ng babae at nagtama ang mata nila ng babae.

"Bukas na pala kaya naman minamadali mo ang break up natin. Kasama mo ba ang pinalit mo sa akin?." tanong ulit ng babae. Kumunot ang noo ng lalaki.

"Ako lang ang aalis bukas wala akong kasamang iba." tumalikod na ang lalaki. Humakbang ito ng isa at saka nya naramdaman ang hawak ng isang kamay. Tiningnan nya kung sino at si Jazz yon na naiyak.

"Kakalimutan kita sa ngayon. Pero tandaan mo kapag bumalik ka maaalala pa rin kita." malungkot na sabi nito sa kanya. Umayos ng tayo ang lalaki. Lumapit sya sa babae. Hinawakan nya ang makabilang pisngi nito at tumungo sya ng kaunti. Nagtip toe naman ang babae para maabot nito ang matangkad na lalaki. Lumapat ang labi ng lalaki sa babae at ang labi ng babae sa lalaki. Matagal ang halik na binigay nya sa babae. Passionate kiss. Naghiwalay silang dalawa at sinabi ng lalaki na...

"Kalimutan mo na ako sa isip lang pero dito wag na wag mo akong kalilimutan dahil parte rin ako nyan." tinuro nya ang puso ng lalaki. Yumakap ang babae sa lalaki at niyakap ng lalaki ang babae. Matagal silang nagyakapan. Kinakamkam ang oras na natitira para sa huli nilang halik at yakap. Umiyak iyak ang babae dahil alam nito ang isa mga parte ng puso nya ay mahihiwalay sa kanya. Tumulo na rin ang luha ng lalaki. Dahan dahan nyang nilagay ang baba nya sa ulo ng lalaki. Hinalikan nya at inamoy ang ulo ng babae. Sabi ng lalaki sa sarili 'Paalam sa ngayon, Jazz.'

Kung Mahal mo, Pakawalan mo. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon