"Gaga ka pala eh. Ano bang nangyari sa inyo ni Justin?"
Paulit ulit na tanong ng mga kaibigan ko sa akin. Sa totoo lang nakakarindi na. Masakit na sa tenga dahil paulit-ulit.
Nakipaghiwalay ako kay Justin dahil hindi ko na siya mahal?
Mali.
Mahal na mahal ko siya, higit pa sa buhay ko.
Kaya ko lang naman nagawang makipaghiwalay sa kanya sa dahilang ayaw ko siyang saktan.
Dahil darating rin naman ang panahon na kung saan iiwanan ko din siya. Ayoko namang pahirapan ang taong mahal ko. Habang maaga pa eh hinahayaan ko na siyang maging masaya sa piling ng babaeng magmamahal sa kanya, panghabambuhay.
"Violet, aalis ka na ba talaga?"
-pagpipigil sa akin ng mga ka-board-mate ko
"Oo, kailangan eh. At saka makakabuti na rin 'to para sa akin at para sa future ko. Pero huwag naman kayong mag-alala, babalikan ko naman kayong lahat eh."
Mamayang 6 ang flight ko papuntang US. Doon naisipan nila mama na ipagamot ako.
Habang papunta ako sa aking na-destinong upuan, unti-unting nagbalik sa aking ala-ala ang lahat ng masasaya, malulungkot, nakakakilig at kahit ano pa mang nakakainis na pangyayari sa aking buhay...
"Miss! Sayo ata 'to"
"Happy 1st aniv. babe!"
"Please pag-usapan natin 'to"
"You are just beautiful baby and I just can't stop staring"
"I love you Violet. I will always love you, forever."
"Sino ba yang Allen na yan!?"
"Ipinagpalit mo na ba ako sa kanya, mas masaya ka na ba sa kanya?!"
Kung alam mu lang Justin. Hindi kita ipinagpalit sa kaniya. Ikaw lang ang mahal ko, ikam lang ang gusto kong makasama habambuhay. Gusto ko ikaw ang lalaking magdadala sa akin sa harap ng altar. Gusto kong ikaw ang kasama ko sa pagtanggap sa regalo Niya sa atin. Gusto kong makasama ka pa at masaksihan ang kasal ng mga anak natin.
Kaso.
Nasaktan na kita. Naduwag ako.
Mas pinili kong maging makasarili.
Sana maintindihan mo.
One last glance to the place where I found myself lost in love with him. With Justin Azel Torres. To the place where I broke my vows.
Justin,
I love you.
Good
bye.
"The end"