Chapter III- The Haunted Dreams Part 2
“Aaaaahhhh!!!!!”
“Huh?!” nagulat ang lahat sa biglang pagsigaw ni Martin sa gitna ng nakakabagot at tahimik na klase.
Pawis na pawis si Martin at hingal na hingal… Napatingin siya kay Claire na nakatingin naman sa kanya na may malaking tanong sa isipan, kung ano ang nangyari sa kanyang boyfriend at bigla na lamang ito nagsisisigaw sa gitna ng kanilang klase.
----------
“Anong nangyari, Martin?” ang pilit na tinatanong ni Claire habang si Martin ay pilit na umiiwas.
“Wala. It was nothing.”
“Martin!!!”
“What?!!! Okay fine. Takot ako sa mga kabaong at patay, okay? Ewan ko dito sa sarili ko pero everytime I see dead people, it chills me out. When my grandfather died 2 years ago, hindi ako pumunta sa lamay o maging sa burol… I’m really afraid, and it makes me feel weak!”
“Bakit mo sa akin sinasabi ito, Martin? Have you dreamt about dead people and coffin…? Oh my God! Nakakapanaginip ka rin ng mga kakaibang panaginip kagaya nina Jeanne at Nadia.”
Walang magawa si Claire kundi ang yakapin ang nanginginig pa niyang boyfriend dahil sa takot.
Umuwi si Claire na nababagabag dahil sa mga kwento ng mga kaibigan niya. Why are they being haunted in their dreams? Anong nangyayari? It’s not coincident para silang tatlo ay sabay-sabay na managinip ng mga kinatatakutan nila, the fact na paulit-ulit silang nananaginip nang ganun.
Papasok na siya ng kanilang bahay nang madaan sa paningin niya ang harapan ng kanilang bahay at naalala niya dito ang kakaibang matanda na napadpad 2 weeks ago na tila nag-iwan ng sumpa. May kinalaman kaya siya sa mga nangyayari sa mga kaibigan niya?-ang bigla na lamang naisip ni Claire.
----------
~Lah.nah.nah.nah.naaah… Lah.nah.nah.nah.naaaah… Lah.naaah… Lah.naaah.. dah.daaah…”
“Huh?” nagising si Claire mula sa mahimbing niyang pagtulog.
“Ang kantang yun… Sandali…? NA-NASAAN AKO?”
Nakita ni Claire ang sarili niya sa gitna ng kadiliman. Wala siyang makita kahit na ano kundi ang kadiliman na bumabalot sa buong paligid niya.
“Anong nangyayari? Ano toh?!”
Naramdaman niya na lamang na nahuhulog siya. Patuloy ang pagkahulog niya, “Aaaahhh!!!!!”
At dumating siya sa punto na mahuhulog siya sa isang kwarto na pinalilibutan ng mga salamin.
Mangiyak-ngiyak na siya sa takot habang pinagmamasdan niya ang repleksiyon sa mga salaming nakapalibot sa kanya.
Bigla na lamang may lalabas na batang babae mula sa manipis na hangin.
Isang batang babae na ang buong katawan ay balot ng pasa at ang mukha ay puting puti at wala nang buhay. May itim sa paikot ng kanyang mata at may tahi ang bibig nito.
“Bl-Blaire… Oh my God, Blaire…” napahawak si Claire sa bibig niya habang hindi mahinto ang kanyang mga luha.
Nakikita niya sa salamin ang batang babae na tinawag niyang Blaire, kapalit nito’y nanlilisik naman ang mga namumugtong mata ni Blaire na animo’y galit na galit kay Claire. Tumalikod siya para harapin ito ngunit nawala na lamang na parang bula si Blaire.

BINABASA MO ANG
Three Steps To HELL
HorrorHindi natin gusto ang mapunta sa impyerno, pero sarili nating galaw ang magsasabi kung pupunta ba tayo dito o hindi.