Baka Sakali?

694 9 0
                                    

Hindi ko pa man nakikita,
Wari ko'y nararamdaman ko na.
Ang pusong sawi na nagkaroon ng pag-asa,
Tila isang papel na may iginuguhit na letra.
Naglalakbay hanggang isulat kung saan man papunta,
Patungo kung saan tutuldukan natin ang ating tadhana.

Di mo ako nakikita ,
At hindi rin kita nakikita.
Ngunit may isang bagay na naguugnay sa ating dalawa,
Ang hilig o gusto natin sa isa't isa.
Parang mga ibon na lumilipad sa langit makikita,
Langit na kay gandang pagmasdan na parang iyong mukha,
Mukhang anghel na luluhod ang mga lupon sa iyong ganda.

Ako ay isa lamang simpleng lalaki,
Na gustong makausap ka habang katabi.
Pwede ring tugtugan ka upang ngumiti,
Gamit ang gitara na akin pang binili.
Na kahit pa abutin man ng gabi,
Basta ihahatid kita malayo man o hindi.

Hindi man ako yung gusto mong kausap,
Nais ko lamang na ako'y matanggap.
Hindi man kasing kisig na iyong hinahanap,
Pero ako'y isang taong may pangarap.
Parang bituin na natatakluban ng mga alapaap,
Na lilitaw na parang isang nagliliwanag na alitaptap.

Baka Sakali?Where stories live. Discover now