Ang Malanding-Ugnayan (M.U.) ay hindi opisyal na relasyon, ginagawa lamang pampalipas-oras ng magkaugnay ang isa't isa. In short, ang M.U. ay isang relasyong hindi seryoso at walang patutunguhan.
Butiki sa Dingding ang tawag kapag ang magkarelasyon ay hindi magkasintahan ngunit may namamagitan sa kani lang pisikal.
Utot sa Ilong kapag sinasabi ng isa na mahal niya ang magkarelasyon ay hindi magkasintahan ngunit hindi naman totoo.
Sundot-Tutuli kapag may nobya o nobyo na ngunit lihim na may minamahal pang iba; o kapag ang taong nasa isang relasyon na ay may isa pang karelasyon o kalanding iba.
Ugok na Itlog ang tawag sa papalit-palit ng kasintahan: manloloko,babaero o lalakero
Eroplanong Papel na Lumilipad ang tawag sa mga paasa.
Nangyayari rin ang Agawan ng Silya---ang pag-aagawan sa iisang tao.
Ampalayang Kinayod ang hindi makalimot at mahal pa rin ang taong sinaktan sila.
Kulangot sa Ilalim ng Mesa ang may lihim na pagtingin sa kanilang matalik na kaibigan.
Buntot ni Pepe ang tawag sa taong hinahabol o ipinapaalam sa kanilang iniibig ang kanilang nadarama ngunit binabalewala lang sila nito.
At Lihim na Hardin ang itinatanggi sa sarili na nahulog na ang loob niya o umiibig na siya.
Mayroon ding bawal pang magkarelasyon dahil kailangan munang unahing ang pag-aaral at makatapos ng kolehiyo.Ang tawag sa kanila ay Libro sa Kisame.
Bahaghari sa Mata ang may lihim na pagtingin sa isang taong hindi sila kilala o pinapansin. Sila ay naduduwag lapitan ang kanilang iniibig,.hindi nila maipaalam ang kanilang nararamdaman. Ang tanging kaya lang nilang gawin ay titignan ito mula sa malayo. Kilala rin sila bilang torpe.
Ang huli ay ang Bulaklak sa Desierto. Sila ang mga wala pang nagiging kasintahan.
Isa sa mga Bulaklak sa Desierto si Rafflesia Magalintang a.k.a Rapy. Siya ay hindi katangkaran. Mahba ang kanyang buhok ngunit lagi iyong nakapusod. Bilugan ang kanyang mga mata at makapal ang mga pilik. Maluluwag na T-shirt at mahahabang pang-ibaba ang kanyang madalas suotin, parang lalaki siya kung kumilos. Iyon ang nakikita niyang paraan upang hindi lokohin o bolahin ng mga lalaki. Babaero ang tayay niya, xahilan para maging ilag siya sa opposite sex. Wala rin siyang tiwala sa sinasabi ng mga ito.
Ang paniwala ni Rapy, wala nang lalaking matino sa kanyang henerasyon dahil uso na ang flirting, open-relationship at It's complicated. Para sa kanya, hindi totoong nararamdaman ang love sa puso. Dikta iyon ng utak. Madali para sa iba ang sabihing mahal nila ang isang tao pero bukas-makalawa, iba na ang mahal nito.
Habang naglalakad si Rapy palabas ng gate ng kanyang paaralang Academia De Manila, may gumulong na mansanas sa kanyang paanan. Napatingin ang dalaga sa direksyong pinanggalingan ng prutas. Nasira pala ang lalagyan ng mga mansanas ng isang tinderang nasa gilid ng kalsada. Pinulot niya ang prutas sa lumapit sa tindera upang ibalik iyon. Napangiti ang tindera at napatingin sa likurang direksyon ni Rapy.
Lumingon si Rapy upang malaman kung sino ang tinitingnan ng tindera."May hindi ka napansin," sabi ng tindera.
Kalalabas lang ni Knight Alcantara mula sa gate ng academy. Hindi kaguwapuhan ang binata, ngunit may kakaibang malakas na karisma. Habulin ito ng mga babae, sikat at certified malandi.
Matangkad at medyo maputi ang kutis nito. Hindi kalakihan ang hubog ng katawan, pero panalo ang mapang-akit na ngiti.Bahagyang nasipa ng paa ni Knight ang isang mansanas. Pinulot nito iyon, inamoy at napangiti marahil sa bango ng prutas. Ipinunas nito ang mansanas sa suot na polo bago iyon kinagatan, pagkatapos ay tuluyan na itong naglakad palayo sa gate ng academy.
Napangiti muli si Rapy sa tindera.
Hinawakan ng mga kamay ng tindera ang kamay niya na may hawak na mansanas. Napangiti ang tindera a sinabing, "Isa kang mahalimuyak na bulaklak. Hindi mo lang napapansin, pero may nakamasid sa 'yo Mula sa malayo."
Sabi ko na, ako ang rafflesia na Hindi mabaho.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Annyeong readers🤗🤗
This is my First Tagalog story....
Be nice🤣Study before Luv Lifeu🤣🤣