Diamantes 2008

48 3 0
                                    

01/17/2018

°•°•°•°

Diamantes 2008

Mahigit sampung taon na rin akong walang balita sa mga kaseksyon ko, kaya naman lubos akong naninibago sa nababasa ng mga mata ko ngayon. Nakasulat sa isang malaking tarpulin ang mga letra at numerong iyon na halatang pinagawa ng isa sa mga babaeng kaklase ko dahil sa taglay nitong disenyo. Ngayong araw ko sila muling makikita kaya naman mahahalata sa kasuotan ko pati na rin sa ayos ko na pinaghandaan ko ang araw na ito. Sa pamamagitan nito, gusto kong maipakita sa kanila na ang taas na ng narating ko.

Hindi ako sigurado kung lahat sila ay makakarating ngayon pero sana nandito ang mga taong ipinunta ko. Miss na miss ko na sila eh. Sabik na sabik na akong makita ang mga pagmumukha nila na walang kasing-kapal.

Humugot ako ng isang malalim na hininga para ihanda ang sarili ko sa nag-aabang na gyera. Sa pagpasok ko sa dati naming classroom na pagdadausan ng reunion namin, hindi maipagkakailang huminto sila sa mga ginagawa nila at tinutukan ang pagpasok ko na para bang inaabangan nila ang pagdating ko. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Masyado pang maaga para ro'n.

"Woah. Si Stacia na ba 'yan?"

Ay, hindi. Hindi ako 'to.

Ang tanga pa rin talaga ni Geron hanggang ngayon. Wala pa ring pinagbago mula sa itsura hanggang sa tinataglay na utak. Dati ang lakas ako niyang pagtripan na laging sanhi ng pagkakaaksidente ko pero ngayon, siya pa ang iika-ika sa paglakad.

Napapailing na naupo na lang ako sa isa sa mga upuan. Wala akong kasama sa mesa kaya kitang-kita ko kung paano magdagsaan ang ilan sa mga babaeng kaklase ko papunta sa pwesto ko. Mga babaeng pinunta ko ngayong araw. Napangiti ako ng palihim.

"Oy, Stacia! Musta na?"

Musta mo mukha mo.

Nginitian ko ng sobrang totoo ang babaeng labas na ang maitim na kaluluwa na naupo sa tabi ko. "Maayos naman," simple kong sagot. Siya si Roxie ang proxi naming kaklase, charot! Siya 'yong babaeng pasimuno sa panlalait sa akin. Bawat araw iba-iba rin ang mga ginagamit niyang salitang panlait na kung minsan nga mas naglalarawan sa sarili niya.

Panget! Mataba na payatot! Lampa! Kulot salot! Pango! Pandak!

Ilan lang 'yan sa mga itinawag niya sa 'kin pero lahat ng 'yan ay sobrang laki ng naging epekto sa buong pagkatao ko.

"Alam mo wala ka pa ring pinagbago, siguro single ka pa rin 'no?"

Oo, single na single. Hindi tulad mo double to triple dahil pati jowa ng iba pinapatos mo!

"Hindi. Meron na," sagot ko. Mukhang nashock naman ang higad na si Hilda dahil sa isinagot ko. Paano, alam niya kasing hindi ako marunong lumandi, hindi tulad niya. Kaya nga madalas 'yang magpost ng mga picture ko sa facebook na may caption na:

Wanted boyfriend for one day. Isang libo ang bayad with free kiss pa.

Nakakainis na nakakaiyak lalo na kapag naka-tag pa sa 'kin tapos sini-share pa nila sa mga friends nila.

"In fairness, mukhang ang laki na ng inasenso mo ah."

Napakalaki na talaga Fritz, hindi tulad mo, sobrang laki ng inasenso mo sa panganganak. Mukhang buntis ka na naman ngayon. Sino kayang ama?

"Agree ako kay Fritz! Tignan mo nga, ang ganda mo na! Hindi ka na tulad ng dati na mukhang unggoy!"

Hindi na talaga Pat dahil mukhang nalipat sa'yo ang sumpa. Actually, kamukha mo nga 'yong uranggutan na nakita ko sa zoo noong nakaraan.

"Hindi naman," kunwari nahihiya kong sabi. Pabebe muna tayo para hindi maging mayabang ang dating.

Si Fritz at Pat ang laging pasimuno no'n sa pagkulong sa akin sa classroom o minsan sa banyo. Dahil sa kanilang dalawa, nagkaroon ako ng phobia sa dilim dahil minsan inaabot ang pagkakakulong ko hanggang gabi. Paano ba naman, minsan nakakalimutan nilang may ikinulong sila!

"Kayo ba kamusta?" nakangiti kong tanong sa kanila kahit gustong-gusto ko na silang sabunutan at sapakin ng paulit-ulit hanggang sa humingi sila ng tawad sa mga ginawa nila sa 'kin.

Roxie, Hilda, Fritz at Pat. Silang apat ang pasimuno ng pambubully sa akin noon. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa alaala ko ang malulutong nilang tawa at mga panlalait na nakatatak pa rin sa buong pagkatao ko. Wala na nga atang planong lumayas eh.

Kwento sila nang kwento pero hindi naman talaga ako nakikinig. Hindi rin nagtagal, nagpaalam si Hilda na may pupuntahan na isang kaklase rin namin. Akala ko sa pagkakataong ito ay nagbago na siya kahit papaano pero hindi pa rin pala. Gaya ng dati, may isang malaki palang pasabog ang higad na 'yon na inihanda para sa akin ngayon.

"Dahil namiss ka namin Stacia, meron kaming surprise para sa'yo," sabi niya habang feel na feel na siya ang bida ngayong araw. Lahat ng atensyon ay napunta sa projector kung saan nagpiplay ang isang video na naglalaman ng mga epic pictures ko. Gusto ko silang bigyan ngayon ng tatlong star sa kamay dahil halatang pinagpaguran nilang itago at hanapin ang mga panget kong litrato. Tawa sila nang tawa pero ako ngayon ay nakayuko lang.

Nang matapos ang palabas, ako ang unang-una na pumalakpak with standing ovation pa. Natahimik sila at nakatututok lang ang mga paningin sa akin. Mukhang nagtataka sa ikinikilos ko.

"Ang galing niyo. Ang galing-galing niyo!" sarkastiko kong sabi. "Alam niyo, wala pa rin kayong pinagbago. Ako pa rin talaga ang paborito niyong laitin. Kung sabagay, inaasahan ko na rin na may gagawin kayo. Kayo pa! Expert kayo riyan eh, sa panlalait. Mga dakilang bully kayo eh! Para sa kaalaman ninyo, hindi na ako tulad ng dati. Kung inaasahan niyong hindi pa rin ako lalaban, na tatahimik lang ako at yuyuko gaya ng dati, pwes, asahan niyo ng hindi na mangyayari 'yon dahil ngayon, marunong na akong ipagtanggol ang sarili ko. Ang laki na ng ipinagbago ko. Umasenso na ako habang 'yong iba sa inyo ay nananatili pa ring tambay at malalandi hanggang ngayon. 'Wag na rin nating kalimutan ang katotohanan na pumanget kayo at ako naman ang gumanda ngayon. Mukha na kayong mga unggoy!" natatawa kong panlalait sa kanila. Walang sumubok na magsalita. Lahat ng mata ay nakatutok sa mukha ko na bakas ang paninindigan at pagmamalaki. "By the way, kailangan ko na palang umalis. Kailangan ko pa kasing imanage ang business KO. Bye!"

Tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng classroom na 'yon. Patuloy rin ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan eh. Masyado kong kinimkim lahat ng sama ng loob ko ng ilang taon at ngayong nailabas ko na, sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

Bullying.

Sobrang laki ng naging parte niyan sa buhay ko. Lahat ng panlalait naranasan ko na. Masakit pero marami kang matutunan. Matutunan mo kung paano maging matatag at magpakumbaba. Pero ang pinakaimportante, matutunan mo kung paano lumaban at hindi makuntento sa payuko-yuko lang at pananahimik. Ginamit ko sila bilang inspirasyon, hindi bilang isang distraksiyon o kahinaan. Kaya naman nahubog ng mabuti ang pagkatao ko sa kasalukuyan. Hindi na ako tulad ng dati na pwedeng api-apihin dahil ngayon, kaya ko ng lumaban.

°•°•°•°

A/N:

Connected 'to sa sinabi ko ro'n sa short story kong una entitled: "Hanggang Dito Na Lang." Isa rin kasi 'to sa mga ginawa ko bilang entry haha.

Credits nga pala kay Kate na taga- ABM K, 'yong cute na madaldal na singkit (katulad ko, charot! Haha.) Siya ang nagbigay ng ideya para sa plot ng story.

Diamantes 2008 (#2)Where stories live. Discover now