A/N: Padadaliin ko na peeps ah? Pero hindi naman masyadong fast foward, kaso yung days ba medyo mabilis ng lumipas! Hihi. Cheers! :'>
--
Danreb Olivar's P.O.V
Isang linggo nalang bago ang mini-concert ng banda namin sa school kung saan ako nag aral dati.
Don namin kakantahin ang lahat ng mga kantang ginawa namin.
3 years and 9 months na ngayon ng wala si Freya..
Kaya naman ako, ito medyo nakabangon na.
Hindi ko naman siya kakalimutan at di ko din ibabaon sa lupa yung feelings ko para sakanya kaso ang kaibihan lang ngayon e..
Sa pamilya ko na binubuhos ang pagmamahal na nung una ay kay Freya lang..
Tama..
Tama kayo ng basa, sa pamilya kong binuo..
Ito naman yung gusto ko diba? Yung normal na buhay. Na pangarap din ng iilan.
Ikinuwento ko na rin sa asawa ko yung tungkol sa past ko...
Flashback--
Nasa sofa kami ngayon habang natutulog sa braso ko ang anak namin, 4 months na ito at lahat ng katangian niya ay nakuha niya sakin, mapa-ilong, labi, mata, cheeks, hugis ng mukha.
Alam na alam kong lahi ko ito.
Tnga nalang ang magaakalang hindi sakin 'to.
Habang nakaupo e nag-uusap lang kami ng asawa ko ng mauwi sa past ko yung usapan.
Nag-open-up ako tungkol sa mga naka-fling ko dati pero ng tanungin niya kung sino daw yung Freya..
Kinabahan man sa tanong niya e sinagot ko nalang.
Nagkwento ako sakanya habang natingin lang sa mga mata niya para malaman ko ang kanyang reaksyon sa mga kinu-kwento ko.
Ngunit hanggang sa matapos ay walang nagbago sa ekspresyon niya..
Ay meron pala..
Yun ay ang tuwa na parang naiiyak...
Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak habang tumatawa.
Ang sinabi niya lang is natuwa daw siya sa naging relasyon ko with Freya dahil bihira daw yun mangyari at naiyak siya dahil sa saklap ng sinapit namin.
Pero nabigla ako nung sa susunod niyang tinanong..
'Kung hindi kaya nangyari sainyo yun? Magkikita at magiging tayo kaya?' tanong niya na ikinabigla ko.
Natagalan ako sa pagsagot dahil inisip ko pa yung isasagot ko.
'Mahirap ata yun? Dahil alam mo namang mahal na mahal ko si Freya non, kaya kahit ganon ang nangyari, thankful parin ako kasi dumating ka, kayo ni Dave sa buhay ko..
Para bigyan kulang ang noo'y madilim na mundo..
Para maging rason ko para patuloy na umahon..
Para maging dahilan ko para magsumikap..
Kayo yun, kayo ng anak natin ang nagbigay ng pagbabago sakin.
Kaya salamat... Salamat dahil nandyan kayo sa mga araw na walang akong makaramay... Mga araw na wala akong masandigan... At mapagkuwanan ng lakas para lumaban... Thankyou!' mahaba kong paliwanag habang hindi ko na mapigilan ang umiyak.
Umayos siya ng upo sa tabi ko at inalalayan ang ulo ko papunta sa balikat niya at hinimas ang braso ko para patahanin ako.
'It's okay. Were thankful too dahil dumating ka samin ni Dave. Salamat ng marami, honey.' sabi niya at hinalikan ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Teen FictionMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...