pagsasalaysay

76 24 3
                                    

Ty berimats sa book cover CharmingTan
Yieeeee nagupdate sa wakas! So walang character to. Point of view lang ito nng shungang prend ko. Charot! Basta enjoy!!

Shout out sa mga kaklase Kong nagbasa HAHAHA labyah ol!
~~~~~~~~~~~~~~~

Pag mag nababasa o nakikita akong may umaamin o naglalabas ng nararamdaman nila sa taong gusto nila, naiiyak nalang ako ng di oras.

parang andoon ako sa sitwasyon.

Parang andoon ako sa sitwasyong nasasaktan ung nararamdaman ng umaamin.

Parang andoon ako sa sitwasyong, kahit di nya sabihing "ayaw ko sayo. Sorry", ramdam ko/mo na nirereject ka.

Parang andoon ako sa sitwasyong, sinaktan niya ang damdamin ng umaamin.

•_••_••_••_•
Isang taon na ang nakalipas, isang taon na nung umamin ako sa taong gusto ko. Nagsinungaling akong paghanga lang ang nararamdaman ko.

Kahit na nung panahon na yun, nahulog na ko sakanya.

Close ko siya. Trato ko sa kanya at best friend, kahit ang trato nya lamang sakin at 'kaibigan' lang. Madalas kaming nagkwekwentuhan about sa talambuhay namin. (Talambuhay tologo?). Kahit mga naging crush nya at karamihan kabisado ko.  Nagkwento nya nga na gusto nyang kunin na kurso at tungkol sa sports.

Nung unang pagkakakilala ko sa kanya, naiimbyerna talaga ako. Ung tipong kakasimula palang ng araw mo, siya na nakapagpairita sayo.
Sa mukha niya, sa galaw, sa buhay niya. Ung maiinis ka palang sa sobrang yabang nya. Mapapamura ka nalang ng (wadapak!). May pagka 'badboy' siya pero di mo alam kung badboy ba o abno.

Tapos maraming nagkakagusto sa kanya? Bakit? Paano? Kailan? Bakit siya? Di naman matino PSH.

Pero nung dumadalas na kaming seatmates, mas nakikilala ko siya ng matino. (Mga 2%).

Isang taon na kaming magkakilala, minsan maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa. Minsan nga lang brutal. Never siyang naging sweet sakin. Dahil ganon ang personality nya sa tropa nya talaga.

Umabot na ng dalawang taon. Sa  dalawang taon na yun, di ko malaman ang nararamdaman ko sa kanya. Kung hiahangaan ko na ba siya o Hindi. Basta sinabi ko sa sarili ko...

"Bawal. Paano nalang kung mapunta yang nararamdaman mo sa pagkagusto? Tapos pagkamahal? Then di ka niya sasaluhin? Edi nasaktan ka pa. Kapit ka muna"

Hinayaan ko munang tuklasin ang sarili Kong nararamdaman. Ako kasi ung tipo na Hindi kinikimkim ung nararamdaman. Kasi ang paniniwala ko in the future, sasabog nalang ito tapos masasaktan ka lang more than your life. Charot!

Habang tumatagal, parang ramdam na ramdam ko na pahulog na ko sa kanya.

Kinuwento nya nalang saamin na may gusto siya sa aming kaklase. Kasi maganda raw siya, mabait, responsable, blablablah. In short, nasakanya na raw ang lahat

Oo alam ko karamihan nang meron siya ay wala ako. Oo alam ko hung panahon na yun, may gusto siyang iba. Oo alam ko nung panahon na yun umaasa siya sa iba. Oo alam ko nung panahon na yun, di niya ko mamahalin.

Pero ayun, hulog na e. Ung tipong kung sa iba kumapit ka. Sa kanya isang daliri nalang ung nakakapit, bumitaw pa.

May isang subject na magkagrupo kami. Kailangan raw gumawa ng chuchu eklavu. Basta may ilalagari daw! Di kasi ako makapagkonsintreyt. Puro siya hila ng sapatos, kuha ng panyo, puro joke, puro kalokohan.

Nung sunod ko na sa paglalagari, Hindi ko mahiwa! So inutusan siya ng leader namin na tulungan ako. Ung paghawak nya sa kamay ko para iguide, ung halos yumakap na siya sakin, sa ganong galaw lang, kinikilig na ako.

Lumipas na ng ilang araw, mas lalo nang lumalalim ung nararamdaman ko.

Kahit intrams, sa apat na laro niya, wala akong pinalagpas. Mapa volleyball, basketball, table tennis, at kahit badminton.

Minsan sa mga simpleng pagusap nya sa babae, nagseselos ako. Magpatali ng apron kahit may kamay siya, makipagusap sa babae na pwede namang ako nalang. Di ko alam kung bat yun yung nafefeel ko.

Ang plano ko at sa huling araw nalang ng klase aamin. Pero nung nakita Kong seryoso siya at kaming dalawa lang ung naguusap, I think yun na ung perfect time.

"Ahmm ano uhmm---" ako
"Bakit?" Siya
"May sasabihin sana ako sayo. Sana wag mong seryosohin mga 50%" sabi ko. Kinakabahan ako e.

"Ano yun?"siya
"Kasi ano uhmm.. Ung isang kagrupo natin nagkakacrush sayo" sabi ko. Para mapahaba ung convo duhh! Berigud!
"Alam ko. Yung totoo kasi! Bahala ka di ko sasabihin ung mga sinabi ko sakanya" sabay turo sa kaklase namin
"Sige na nga!" Sabi ko

Ok eto na

1.....
2.....
3.....
Lezdudez!

"Kasi naging crush kita dati. Di ko naman mapigilan e." Mabilis na sabi ko. Sinabi ko lang na paghanga imbes na sinabi Kong 'oo mahal kita. Mahal na kita. And I'm so stupid to make a biggest mistake of falling in love with my best friend!' Charot!

"Owww" sabi nya
"Natatakot kasi ako dati na kapag nalaman mo ung nararamdaman ko sa iba, baka maging awkward tayo, baka di mo na ako kausapin, baka magbago na ung pakikitungk natin sa isa't isa." Sabi ko
"Wala namang magbabago e. Ok lang naman haha" sabi niya
"Sure?"
"Oo naman" sabi nya

Makaraan ng ilang oras, Hindi na kami nagpansinan.

Akala ko ba walang magbabago?

Nagtapos na ang school year.

Habang bakasyon, hirap na hirap akong magmove on. Sa loob ng limang buwan, gabi gabi umiiyak ako.

Bat ganon, simple lang naman ung dapat maramdaman ko ah.

Sa loob ng limang buwan, pag nakikita ko siya, umiiwas ako. Pag kakausapin ko siya, sa noo nya lang ako nakatingin. Kapag pinaguusapan namin siya, di ko mabanggit pangalan nya. Yung huhugot ka nalang bigla tas iiyak. Ung mga kaibigan ko halos libangin ako, ireto sa iba, at kung ano ano pang kaekekkan.

Maraming nakawitness kung gaano ako kahirap magmove on.

Hindi ko naman kasi pwedeng hilingin na lumipat siya ng school dahil walking distance lang. Kung pwede lang akong lumipat e.

Pero nung nakamove on na ako, narealize ko yun ng lumapit siya.

Ung parang titigil ung mundo mo tas sasabihin na "ok na ako, nakamove on na ako. Wala nang kilig factor. Wala nang spark. Wala nang iniiyakan pag gabi. Wala nang inaasahan."

Ansaya lang kasi lumipas na ung isang taon. Parang last year lang umamin ako. Parang last year lang ang awkward namin. Parang last year lang kinikilig ako. Parang last year lang siya bukambibig ko. Parang last year lang umiyak ako dahil sa kaya e.

At ngayon, ang saya ko na dahil ung mga kaibigan ko yung naging andyan para sakin. Kahit alam kong naiimbyerna Marie na sila sa mga pinagsasasabi ko, andyan parin sila para tulungan akong makapagmove on.

Thankful ako kasi nandyan padin sila.

~~~~~~~
March 14,2017

WORDS OF LOVE(short Stories/ Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon