chapter 5

586 10 0
                                    

"Ohh!! Isabel andito kana pala!"

Malamang wala ako dun! Tanga tanga rin nito ni boyo eh!...

"Kanina pa boyo! Nakipag away na nga ako lahat lahat wala ka parin!"

"Ano pang hinihintay mo isabel?! Andito na ako sa harap mo?? Hindi kapa ba hihingi ng tawad!!"

Biglang saad ni andrea sakin.

"Ano bang klaseng patawad ang gusto mo andrea?!"

"Simpele lang!! Isabel gusto ko yung patawad na luluhod ka at hahalikan mo ang sapatos ko!"

Gago pala to eh!!! Ako papahalikin mo sa sapatos mo?? Hayy nako! Siguro pag tinubuan nako ng puting buhok saka ko hahalikan ang sapatos mo!!.

"Sige hahalikan ko ang sapatos mo basta ihahampas ko sayo pagkatapos kong halikan!"

"Ano!? Akala ko ba nag ka intindihan na tayo isabel!!?"

Sigaw ni boyo sakin. Ano bang akala nya sasakay ako sa trip nya?? Swerte nya nalang kung pumayag ako!.

"Nakalimutan mona agad boyo? Diba nga hindi ako marunong ng salitang tawad!!!!"

Nakita kong may tiningnan si boyo sa likod ko at tumango sya kaya napatingin ako sa likod ko at saktong pagtalikod ko--

Pakkk!!!!!

      EVERY THING WENT BLACK.

ALEXANDER'S POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa canteen ng mapansin kong andaming nag tatakbuhan kaya pinigil ko ang isang lalaking tumatakbo papunta sa canteen.

"Bro!! Anong meron??"

"Ah may nagaganap nanaman na away sa canteen."

"Okay sige thank you!"

Ano kayang ganap dun??makapunta na nga.

Nang makarating ako sa canteen pinilit kong ipag siksikan ang sarili ko para lang makita yung nasa gitna at ng makita ko na--

Pakkk!!!!!!

"I-isabel!!!!"

Tang ina sinong pumalo sakanya!! Tumakbo nako para saluhin sya.

Nakita kong may tumutulong dugo sa gilid ng noo nya kaya binuhat ko sya at akmang dadalhin kona sya sa clinic ng bigla akong harangin ng apat na lalaki kaya binaba ko muna si isabel sa sahig.

"Wala kang karapatang mangialam dito pare!"

Sigaw sakin ng lalaking tinatawag nilang boyo.

"Bakit kailangang humantong sa harasan!! Pare naman babae to eh!!!"

"Kasalanan nya yun pare! Kasi kung pumayag nalang sya hindi na mangyayare t---"

Pakk!!!!!

Sinapak ko sya dahil hindi kona natiis ang kagaguhan nya.

"Gago!!! Babae padin tong binangga mo!!"

Sinugod naman ako ng apat na lalake kaya sinapak ko ang unang sumugod sinuntok ko naman sa tiyan ang sumunod sabay sipa sa isa pang lalaki.... Nag tangka pa ang isa na susugod pero tumakbo na sya.

Binaling ko ang atensyon ko kay isabel at binuhat na sya papuntang clinic.

"Nurse!!"

Sigaw ko pagka dating sa clinic.

"Yes!??"

"She's bleeding..."

"Ano pong nang yare sa pasyente?"

"Nahampas sya ng kahoy."

"Okay sir. Sa labas nalang po tayo mag hintay."

Lumabas na ako at umupo sa tabi ng pinto sa clinic.

Ano nanaman bang ginawa ng ugok nato at ganito ang sinapit nya!?.

MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS.

Bumukas na ang pinto sa clinic agad naman akong tumayo para tanungin sa nurse kung anong kalagayan ni isabel sa loob.

"Kamusta?"

"Ahhmm.... Okay na sya ngayon kaso nga lang medyo malakas ang impact sakanya ng kahoy kaya baka bukas pa sya magising."

"Ah okay."

"Sa ngayon mas makabubuti kung ikaw na muna ang mag bantay sakanya."

"Okay."

Nang maka alis na ang nurse agad namang pumasok ang principal at ang adviser ni isabel.

"Anong nangyare?!"

Tanong ni ma'am.grace.

"May pumalo po ng kahoy sa ulo nya..."

"What!!!? At sino namang may gawa nito??!"

Sigaw ni principal jenifer.

"Si-si boyo po..."

-------------------------------------

CHANGESWhere stories live. Discover now