Pinagtagpo pero hindi TinadhanaWalang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihinatnan.
Pag-ibig, naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
Pag-ibig, madaming tao ang nagpapakabaliw dahil sa salita na to. Mga taong nagsasakripisyo, nasasaktan, nalulungkot at higit sa lahat sumasaya. Isang salita na nakakapag-pabago satin.
Isa ako sa nabiktima ng salitang pag-ibig. Totoo pala na kapag nagmahal ka, gagawin mo lahat para sa tao na yun. Isa akong kabataan na nabulag sa salitang pagmamahal. Tulad ng iba, maagang pumasok sa isang relasyon kahit hindi pa nasa tamang edad. Hindi ko pinagsisihan yung pinasok ko kasi alam ko na ginusto at sumaya ko dito...
Una kitang nakita sa plaza, naglalaro ka.. Bata pa tayo nun, parehas walang alam sa mundo. Hindi ko akalain na yung bata pala nun papasok sa buhay ko.. Magiging ganto kaimportante sa mundo. Naging maging kaibigan tayo, umikot tayo sa iisang barkadahan.. hanggang sa maging crush mo na ko, iniwasan kita nun kasi bata pa tayo.. Natatakot ako sa mga magulang ko.. Una tayong nag-usap sa perya, " Gusto ko maging Electrical Engineer gusto ko gayahin Papa ko"... natatandaan ko pa yung sinabi mo na yan, alam ko na sa unang pag-uusap palang natin alam kong ikaw na.. Ikaw na yung makakasama ko.. ikaw yung unang bumihag sa puso ko.. palagi tayong nagsisimbang-gabi kasama ang buong tropa.. alam kong lumalalim na tong nararamdana ko. Isang araw tinanong mo ko, magkatabi tayong nagduduyan sa plaza kung saan una tayong nagkita. "Pwede ba kong manligaw... Sinabi kong hindi ko alam kasi natatakot ako, masyado pa tayong bata.. Kinabukasan nun pinatawag ako ng Lolo ko dahil nalaman na nakikipagligawan na ko, pinagalitan ako, kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ako mag-papaligaw kung kani-kanino.. Lumipas yung mga buwan, nalaman ko na nagkaroon ka ng iba't ibang babae.. Pero hindi ko ininda yun dahil alam ko naman na wala lang sakin yun.
Tatlong taon ang nakaraan, hindi ko inaasahan na magkikita pa tayo nun. Alam kong nasa iisang lugar lang tayo pero bihira kita makita.. Nagkita tayo sa prusisyon, nagpalitan tayo ng number.. Nagumpisa ulit lahat nung gabi nun. Hanggang sa araw-araw na tayong nagkakausap, lumilibot paminsan-minsan.. hindi ko inaasahan na paglipas ng tatlong taon makakausap ulit kita ng ganon. Nahulog na, nahulog na tayong dalawa. Nagkaroon ng tayo. Ikaw yung tao na ibibigay lahat para sa taong mahal niya, ikaw yung nagpabago sa buhay ko. Naging masaya tayo.. yung saya nun na sayo ko lang naramdaman.
Dumating sa punto na kailangan nating magkalayo.. kinailangan mong lumipat sa Maynila para dun ipagpa-tuloy yung pag-aaral mo dahil na rin sa problema sa pamilya.. Alam nating hindi madali, hindi ganon kadali dahil malayo tayo sa isa't isa. Dumating sa punto na nawalan tayo ng komunikasyon.. Nagkaroon ka ng mga barkada at tuluyan ng nawala yung loob mo sakin. Nasanay ako, nasanay ako ng wala ka.. naintindihan ko, inintindi ko kasi mahal kita.. hanggang sa nakilala mo yung bestfriend mo simula nung bata ka pa.. Nawalan ka ng oras sakin.. hanggang sa pati ikaw nawala na. Iniwan mo ko para sa kaibigan mo.. dahil kailangan ka niya kasi may sakit siya. Madami tayong naging problema kaya pagsuko ang naging solusyon.. Pero hindi natin hinayaan na matapos ng ganon ganon lang kaya binalikan mo ako. Naging okay tayo, bumalik sa dati.. bumalik sa pagiging masaya. Pero minsan nag-aaway, alam ko naman na hindi yun maiiwasan.
Sobrang saya ko nung nalaman ko na babalik ka na dito.. babalikan muna ulit ako, magkakasama na ulit tayo.. Araw-araw tayong magkasama, siguro dahil sabik tayo sa isa't-isa.
Gabi-gabi tayo nagpupunta sa perya, siguro lahat na ng rides nasakyan na natin.. Hindi ako sumasakay ng octopus dahil natatakot ako, pero dahil ikaw yung kasama ko sumakay ako kasi alam ko naman na ligtas ako basta kasama kita.. Palagi din tayong tumatambay sa kahit saan. Natatadaan ko pa nung sinabi ng Mama mo na ayaw na natin maghiwalay kasi araw gabi magkasama tayo.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo pero hindi Tinadhana
Short StoryAng kwento na ito ay pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.