Pupungas pungas kong minulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng ilang mga ingay at tawanan.
Nag inat ako tsaka hinawakan ang medyo nangangawit kong balakang.
"Oh gising ka na pala sleeping beauty." Rinig kong bati sakin ni Kian kaya naman lumingon ako para ngitian siya.
"I didn't know na nakatulog din pala ko... Sorry. "
"What for? Wala namang problema kung nakatulog ka, lahat naman tayo natulog eh. " nakangiting turan nito habang nagpipintura ng kahoy.
"Hey sleepy head! Would you mind doing these? " nakakalokong utos ni nikka kay Aeries habang inilalapag ang mga pictures na babalutan para idagdag sa booth nila.
Lihim namang inirapan ni Aeries si nikka dahil alam niyang sinadyang iutos sa kanya iYon ng kaibigan para hindi na ito umalis ng pwesto at magkasarilinan sila ni Kiann na ngayon ay abalang nagpipintura ng ilan pang ipandedesenyo sa booth nila.
Ilang oras na ring gumagawa si Aeries nang nakaupo kaya naman tumayo siya at nag unat unat.
"Haaaaayyyyyy... "
Naaamazed namang tinignan siya ni Kiann na siya namang nakapagpaconscious kay Aeries.
"What? " Aeries asked Kiann with a glare.
Umiling naman si Kiann habang nakangiti at pinagpatuloy ang ginagawa nito.
Hinampas naman ni Aeries sa braso si Kiann para kunin ang atensyon nito.
Gulat naman siyan nilingon ng binata. "What was that for? "
"Yes! What was that for? " nakataas ang kilay na tanong ni Aeries na may paghalukipkip pa.
Tinignan naman siya ni Kiann na animo hindi makapaniwala sa ginawa ng dalaga.
Muli siyang umiling at ngumiti nang hindi pa rin sinasagot ang tanong ng dalaga.
"Kiann huh! Hindi ka nakakatuwa! Pinagmumukha mo kong tanga! " galit na turan ni Aeries sabay salampak sa upuan.
Nilingon naman siya ng binata at ginantihan naman niya ito ng isang death glare.
"Tss... I am just wondering ... How come you still look gorgeous and beautiful while yawning and stretching lazily at the same time? " Kiann stated while looking intently at Aeries.
Bigla namang nag init ang pisngi ni Aeries sa tinuran ng kaharap. Yumuko na lang siya para itago ang pamumula ng pisngi nito.
"Kung ano anong sinasabi mo! Ayusin mo na nga lang yang ginagawa mo! " sagot ng dalaga at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Kita naman nya sa peripheral vision niya ang nakangiting mukha ng binata habang nakangiti sa kanya.
Kahit naiilang ay nagpatuloy na lang siya sa ginagawa. Maya maya ay nakita niyang tumayo ito para ibigay sa mga kasamahan ang mga natapos na nitong pinturahan.
Masayang masaya ang magbabarkada matapos makita ang resulta ng kanilang pinaghirapan.
Natapos nila sa tamang oras ang booth at nakikini kinita nila na isa ang booth nila sa pinakamaganda sa araw ng Foundation Day ng University nila.
Napagpasiyahan ng magkakaibigan na magpadeliver na lang sa hide out ng kakainin dahil ramdam nila ang pagod matapos ang mga ginawa nila.
Mga ilang oras pa matapos nilang makakain ay napagdesisyuan na nilang maghiwa hiwalay at umuwi na sa kaniya kaniyang bahay.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...