Chapter 66: In God's Perfect Time

76 0 0
                                    

Kianns P. O. V

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Kanina nang mahuli kami at ibinigay ang punishment pinilit ko ang sarili kong kontrolin ang lahat.

Akala ko masaya ng matatapos yung araw naming magkasama pero bigla na lang kaming nagtalo.

Umalis si Aeries sa field at nang sundan ko siya may kausap na siyang lalaki habang may bitbit na dalawang petite size na zagu.

Masaya silang nagkwekwentuhan at si Aeries may Paghampas hampas pa sa balikat nung lalaki. At si lalaki naman hinuhuli yung kamay ni Aeries na kunyari nasasaktan siya sa hampas nito.

Alam na alam ko yung ganong mga hokage moves eh para makahawak ng kamay. At kung makatingin siya kay Aeries, akala mo pag mamay ari nya. Maya maya pa parang nagpaalam na si Aeries sa kausap nya. Nagtagis ang mga bagang ko ng makita kong nagbeso beso pa sila. Ganon sila ka close?

Hindi ako nagpahalata kay Aeries na nakita ko sila nung lalaking magkausap. Seryoso lang ako pero hindi na ko nakapagpigil pa kaya nag tanong na ko kay Aeries. Sinabi nyang classmate nya lang ito sa isang subject.

Okay naniniwala na kong wala lang sa kanya yung lalaki pero alam kong trip siya nung lalaki!

Nag init lalo yung ulo ko nung nagsuggest siya about cheating sa punishment namin.

Ayaw nya na ba kong makasama? Ako ba talaga yung napapagod at nahihirapan? O siya? Dun sumagi sa isip ko yung Dennis na yun!

THat a*sh*le! Siguro may plano talaga silang dalawa ngayong araw naunsyami lang dahil sakin. Kaya siguro pilit siyang hinanap nung lalaki para malaman kung anong nangyari.

Sa isiping iyon, pakiramdam ko umakyat yung dugo ko sa ulo ko.

Sinabi ko kay Aeries that I'm letting her go tsaka ko tumalikod.

I stiffened when she grabbed my hand. She said sorry. And Oh God she said that I'm thinking about Emily.

I faced her and hugged her tightly. God! How can she be so naive? Bakit ba ang manhid manhid nya?

May sasabihin pa sana ko pero hinila na niya ko papunta sa open field para abangan ang fireworks nang bigla namang dumating ang buong tropa.

"ooppss! Punishment ends here.Congratulations!" nikka said.

Shoot! Tapos na? Pinaghiwalay na ni Erick yung kamay namin at tinanggal na yung tracking device na inilagay samin ni Joshua kanina.

Pagdating namin sa field saktong pagputok ng mga fireworks.

I looked at the sky then at the lady beside me. Hindi ko na nakontrol ang sarili kong hawakan ang mga kamay nya. Intertwining mine. Saka ako pumikit at ninamnam ang momentum na kasama siya.

Siguro lahat kayo nagtatanong...

Alam ko lahat kayo naguguluhan..

Nag iisip kung ano ba talagang plano ko sa kanilang dalawa.

Sa dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko.

Oo.. Dalawa sila..

DAlawa silang mahalaga sakin at hindi mag aalangang makipagpatayan oras na salingin sila. 

Dalawang babaeng bumubuo sa pagkatao ko.

Isa man ang mawala sa kanila'y ikamaMatay ko...

Magulo ba?

Oo..  magulo talaga! Pero sa tamang panahon, lahat ng mga tanong ay masasagot.

Ang tanong mo at tanong ko ay masasagot.

Pero isa ito sa mga bibitawan kong salita para sa lahat...

Maybe I'm unpredictable but my heart and mind belongs only to one girl. I know, at the right time....

Everything will become right...

Everything will be solved...

Everything will be perfect...

For the two of us...

For the three of us...

In God's Perfect time...

Magulo po ba? Well... Opo magulo po si Kiann...

Abangan po natin kung ano ba talagang balak ni Kiann kay Emily at Aeries...

Sino ba talaga sila sa kanila ang mahal niya.

Ano ba talaga sila Emily at Aeries sa buhay nya.

Well...

Nalalapit na po ang pagtatapos ng LYU...

San kaya hahantong ang pag iibigang AerKiann?

Just keep on reading guys! 😊😘

Love you all! 😘😘😘

Vomments pleaSe! 😉

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now