Chapter 67: Chasing

90 0 0
                                    

At present...
(after na po ito nung flashback nila Aeries at Kiann. Yung Punishment 1-In God's Perfect Time. Insert lang po para di maguluhan! Enjoy reading😊😘😉 )

Nasa condo kami ni Kiann dahil dito nila napiling mag celebrate after ng awarding at fireworks.

Speaking of fireworks...

Para pa ring may fireworks sa buong system ko dahil sa ginawa ni Kiann kanina habang nanonood kami ng fireworks.

And imagine? Ni ha ni ho wala man lang siyang sinabi kahit ano after he did that!

(akala ko ba sabi mo sa P. O. V mo ok lang na panakip butas ka niya? Na gamitin ka niya habang wala si Emily? Tapos nagrereklamo ka ngayon. )

Ay grabe ate Author umeksena ka rin talaga eh noh?

(pinapaalala lang po yung sinabi mo kanina. Gusto mo irecall ko yung chapter? Hindi pa ganon kalayo yun. 😊)

Ihhh! Oo na nga! Natatandaan ko naman yun eh! Eh baka lang kasi... Alam mo na? Baka may sabihin din siya kahit papano?

Hay naku.. Assumerang palaka na nga lang yata talaga ko.

"Some penny for your thoughts? "

"Ay Assumerang palaka! " Hiyaw ko matapos magulaT sa tinig ni Kiann.

"Ano ka ba Kiann! Ginugulat mo ko eh!"

"Tss.. Masyado kasing malalim yang iniisip mo. Oh! (sabay abot ng san mig apple) maki join ka naman daw don sabi ng barkada. "

"huh? Oo naman, tumawag lang naman ako kila mommy to inform na malalate akong umuwi dahil sa celebration natin. "

"Just stay here tonight. "

"Huh? " Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Kiann. Gusto nya kong dito matulog sa condo nya? Okay lang ba siya?

"Tss.. Just kidding. I know that won't happen again. Let's go"

"Oy Aeries Xandria wag mo namang solohin si Kiann! Makijoin naman kayo rito! " sigaw ni Wendy na medyo tipsy na.

Pumasok naman na kami sa sala  ng condo ni Kiann, nasa veranda kasi ko kanina.

"Ayan! Iinom inom ang baba naman ng tolerance sa alak. " seRmon ko kay Wendy. Akala nya kasi na porket san mig apple lang yung iniinom namin ay wala ng tama kaya ayun! Tumungga ng tumungga.

Mga ilang oras din nagtagal yung celebration ng barkada hanggang sa mapagpasiyahan na naming umuwi.

Isasabay na sana ko ni Adrian dahil along the way naman ng kumontra si Kiann.

"We have our deal right? " pagreremind ni Kiann. HIndi naman na ko nahihiya na naririnig ng barkada yung pinag uusapan namin dahil alam nila yung tungkol sa deal namin ni Kiann sa pagsakay sa motor niya.

"Yeah. I didn't forget that. Pero nakakainom ka na baka may..

"Pero nakakainom na rin si Adrian. Pareho lang kaming magdadrive di ba? " nakikita ko nanaman yung galit na unti unting nabubuo sa mata ni Kiann. 

Kaya nagpasya na kong magpahatid sa kanya pero tinulungan ko munang magligpit ng kalat si Kiann bago kami umalis para na rin makapagpahinga siya kahit sandali.

"I know what you're thinking. " Kiann break the silence.

"Huh? Ano nanaman yun? "

"You think I'm drunk don't you? "

Napatawa naman ako sa sinabi ni Kiann. Alam ko naman kasing hindi sya lasing.

"Haha! Alam kong nakakainom ka pero hindi lasing. Magkaiba yun. Ang nakakainom nasa huwisyo pa at alam ang ginagawa, pero ang taong lasing wala ng kilala, wala sa huwisyo at masaklap madalas tulog pa. " mahaba kong litanya.

Nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Kiann na may kasama pang pagtango tango.

"Good. Good. Eh ikaw ba? Nakakainom lang o lasing na? "

"Haha kiann! Pinapatawa mo ko. Naka 3bottles lang ako no. Nakakainom lang ako. I'm sure. Hindi malakas ang tolerance ko sa beer pero I'm sure na hindi ako lasing. " mahaba kong litanya.

"I know.. And you're not even tipsy. HIndi katulad nila wendy at Nikka. Lasing na yung dalawang yun. " Kiann said as he sat on the couch.

"Korak! Grabe yung dalawang yun akala mo mauubusan ng alak. "

"Ikaw naman akala mo mauubusan ng pulutan. LAkas mo mamulutan grabe!" tatawa tawang wika ni Kiann.

Nahampas ko naman siya sa braso nang maupo ako sa tabi nya matapos kong maligpit yung kalat Sa lamesa.

"Grabe ka sakin! Hmppfff! " wika ko sabay pout.

"You know what? I really love it when you're pouting. It makes me wanna kiss you." sabi ni Kiann habang palapit ng palapit yung mukha nya sakin.

KInabahan ako sa gagawin nya, pero nakita ko yung pasimpleng smiLe nya kaya nabuking ko na ginugood time nya lang ako. Nahagip ng kamay ko yung throw pillow at inginudngod ko sa mukha nya.

"arayyy! Ikaw talaga! "sabi nya sakin ako naman sabay takbo.

"Hahaha! "halakhak ko.

"Yari k sakin pag naabutan kita Aeries. MAsakit yun huh! " banta ni Kiann habang hinahabol ako pero tawa din naman ng taWa.

Nakakita ako ng bukas na room kaya doon ako pumasok, huli na ng mapansin kong room pala ni Kiann itong napasukan ko.

"Ahah! Checkmate! " pilyong ngiti ni Kiann.

Sinubukan ko namang hindi magpahuli sa kanya sa pamamagitan ng paglito at pagkausap sa kanya.

"O-oy Kiann! Hindi ko sinasadya yun noh! IKaw kasi! " salita ko habang paroot parito ang direksyon ko.

Sige naman ang sunod sakin ni Kiann kahit sang direksyon ako magpunta. Pero hindi pa rin siya lumalapit sakin.

"Anong ako? WAla pa naman akong ginagawa sayo. " patol ni Kiann sa kunyari panglilibang sa kanya ng dalaga.

"loko loko ka kasi! KUng ano ano sinasabi mo! "

"Wala kong natatandaang masamang sinabi ko... " Tila pakantang sagot ni Kiann.

"yung ano.. YUng sinabi mo kanina. YUn masama yun.. " napansin ni Kiann na medyo namumula na ang dalaga sa tinatakbo ng diskusyon nila.

"Alin yun? PArang wala kong matandaan. " nangingiting wika nito.

"Yung ano.. YUng sabi mon about sa pag pout ko. "

"Ano nga yun? "

"ihhh! YUng gusto mo kong ikiss! LOko loko ka! " napipikon ng usal ng dalaga.

Tumayo naman ng tuwid si Kiann tsaka nagsalita.

"wala naman akong ginawa ah? WAla pa naman akong gingawa. " seryosong turan ng binata na nakapagpaseryoso din sa dalaga.

"Yan ang hirap eh. WAla pa nga kong nauumpisahan, sinasaktan mo na ko agad. HIndi pa man ako nakakalaban talo na agad ako. " makahulugang turan ng binata na ikinayuko ni Aeries.




Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now