"Kendall Abalos! Naaprubahan na ang parol mo! Makakalaya ka na,ihanda mo na ang mga gamit mo." Isang araw ay sigaw ng isang pulis sa selda namin. Sakto dalawang linggo matapos kong matanggap ang balita na pwede akong makalaya.
"Bata! Sa wakas ay malaya ka na!" ani Kuya Gardo ng lumapit sa akin. Ngiti lang ang naisagot ko dahil abala ako sa pag iimpake ng mga damit at konting gamit na naipon ko dito sa loob.
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Halos maiyak ako. Sa wakas! Salamat sa Diyos at hindi ako inabot ng taon dito sa loob.
"Maraming salamat kuya Gardo sa lahat lahat." ani ko ng matapos at niyakap sya. Wala akong pakialam kahit nakatingin ang mga kasama namin sa amin. Taos puso ang pagpapasalamat ko.
"Wala yon. May pabor lang sana ako." anito ng bumitaw na kami sa yakap.
"Ano iyon?"
"Puntahan mo naman ang pamilya ko. At ibigay mo itong sulat. Matagal ko na iyang sinulat,at alam kong ikaw lang makakapag abot nyan sa kanila." at iniabot nya ang sulat,maingat ko itong ipinasok sa bag ko.
"Makaka asa ka kuya. Tutulong ako para makalaya ka. Papanig sa atin ang batas." ani ko at muli syang niyakap ng mahigpit.
Hindi ko lubos akalain na makakahanap ako ng tulad nya sa kakaibang sitwasyon. Maaaring nagsimula kami sa mali ngunit sa tingin ko naman ay naitama namin iyon,mas naging matimbang ang pagkakaibigan namin kesa sa tawag ng laman.
"Ken." sabi ng boses sa likod ko. Kilala ko syempre,kaya ng humarap ako sa kanya ay ganon na lamang ang gulat ko ng yakapin nya ako. Hindi agad ako nakakibo.
"D-delo?"
"Patawarin mo ako. Sana dumating ang araw na mapatawad mo ako. Alam kong hindi pa ngayon pero maghihintay ako. Araw araw akong maghihintay,pag dinalaw mo ako dito,ibig sabihin napatawad mo na ako." litanya nya sa pagitan ng paghikbi.
Napapikit ako. Nanghihinayang ako sa magandang samahan namin noon. May mga pag ibig talaga na hindi nakaka buti kung puro puso ang papairalin.
"Hindi ko alam Delo."
"Sobrang minahal lang talaga kita. I was consumed by that love,hindi na ako nakapag isip ng tama."
"Tama na Delo." pigil ang paghikbing sabi ko. Nasasaktan akong makita syang ganito,pero kailangan nyang pagbayaran ang ginawa nya. "Nakapag usap na tayo. Tama na yon,lets just move on." dagdag ko at agad kumalas sa yakap. Agad din akong tumalikod.
Bakit ba ako nasasaktan? Siguro dahil nga sa nanghihinayang ako. His love for me is just above the law. Ang pag ibig sa kaparehong kasarian ay bawal. Pero hindi ko din sya masisisi,kasi ganon din ako kay Chrollo.
"Mag iingat ka sa labas ah?" dinig kong sabi ni Delo. Huminga ako ng malalim at isa-isang nagpaalam sa mga kasama ko sa selda. Hanggang sa makalabas na ako.
Ito na ang huling paglalakad ko sa pasilyong ito. Ito na ang huling tingin ko sa mga rehas na bakal.
Bago ako tuluyang makalabas ay nagtungo muna ako sa office ng pinaka head,hindi ko alam kung anong tawag sa kanya,chief siguro dahil sya ang pinaka mataas dito.
"Congratulations Kendall. Hindi bulag ang batas sa Pilipinas,mahabang proseso ito at may tamang panahon. Sana ay magkita pa tayo,ngunit hindi na dito." anito,ngumiti at inilahad ang kamay.
"Maraming salamat po. Aasahan ko po na magkikita pa tayo sa labas." nakangiti ko ding sagot at tinanggap ang pakikipag kamay nito.
"Malaya ka na. Nasa labas na ang sundo mo. Ang umasikaso sa kaso mo." aniya. Tumango ako at muling nagpasalamat saka naglakad palabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
General FictionBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...