Kultura nating Pinoy

57 0 0
                                    

Ako ay tutula,
Tula na hindi gaano kahaba.
Tiyak ika'y mapapahanga,
Ating pakinggan, Tula ng ating kultura.

Kultura nating mga Pilipino,
Sumasalamin sa ating pagkatao.
Kultura ng mga ninuno,
Ano nga ba ang mga ito.

Simulan natin sa piyesta,
Piyesta na kay ubod ng saya.
Saya na nakakapagpaisa,
Sa bawat bayan maging sa buong bansa.

Mapa-Sinukuan o Panagbenga,
O kaya'y Ati-atihan.
Makulay at kahanga-hanga,
Mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Isa pa sa ating mga talento,
Ang pag-akyat sa entablado.
Ang pagsasadula o pag-akto,
Ng mga Pilipino sa teatro.

Talento ng mga Pilipino,
Kahit ang pagtula ay isa rin dito.
Kapag umakyat sa entablado,
Ika'y hindi dapat kabado.

Ang susi sa pagtamasa,
Ng mga pangarap ay pagkakaisa.
Kaya mga kabataan ay magkaisa,
Ating patuloy na ipasa.

Kaya tayong bagong henerasyon,
Magsimula tayo ngayon,
Mga kultura'y maiahon,
Upang ang mga ito'y hindi mabaon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kultura nating PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon