Lihim na Hapdi

262 3 0
                                    


Sa bawat ngiting nasusulyap sayo
Ay isang Magandang araw sa buhay ko
Nadadala ng mga Salitang galing sayo
pawang tatalon-talon sa Kaba ng puso

Di malimot mga unang Senaryo
Mga sandaling Sakin ay nagpabago
Paghanga nga di ba kung iisipin
Isang lihim na dapat maingat na dalhin

Langit Ko ang makita kang masaya
Lumulutang sa tindi ng Nadarama
Di Maalis sa isip kaya'y gulong gulo
Pangala'y nakapaskil sa wasak kong  puso

Dapat bang ngumiti dahil nandyan ka?
Dapat bang sabihing sakin ay mahal ka?
Marahil Hindi dahil NaraRamdaman ko
Sayong isip hindi ako ang tumatakbo

Sarili ko Di maintindihan bakit Ganto?
Bakit sayo pa kailangan magkagusto
Di Naman sa ako ay Nagrereklamo
Maaari bang Hindi nalang "Totoo"?

Pagod na nga ako kakatanong
Sa mga tanong Ako ay nakakulong
Sayo ba ako ay may'rong halaga?
Kahit Hindi Tulad ng aking pagsinta?

Kailangan bang hintayin na lumipas?
Itong sakit  na di pa kumukupas
Ayoko ng Isipin ang Mga kasalunghat Nito
Pagod nakong isipin na may halaga ako sayo

Tadhana'y nagbiro saating dalawa
Pati ako ay nahulog at nadala
Pinaranas ang Halaga ko ng walang hiyaan
At walang lalampas sa salitang KAIBIGAN

Sigurado ako masaya ka sa kanya
basa ko sayong mga mata
Marahil ako ay dapat magparaya
Isang desisyon na tanging magagawa

Oo na panalo ka na Irog kong payat
Minahal kita pero sukli ko  ay sugat
Kailangang Kalimutan na siya
Magmahal ng hihigit sa kanya

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon