Special Chapter 4 (Mimi, the Bestfriend)

75 0 0
                                    

Halos o siguro mahigit isang buwan ang dumaan simula nung nanligaw sa akin si Macky "my boy" haha siguro masasabi ko rin na napamahal na ako sa kaniya at hinihiling ko na siya rin ay ganoon sa akin. 

Marahil yun naman ay isang mahalagang bagay sa mga nag-iibigan hindi ba? Yung tipong mahal ka niya at mahal mo rin siya, ika nga nila, "give and take" pero mas okay pag "give and takex2" para ramdam mo talaga kasi mahirap na pag "givex2 and take" kasi ikaw ang dehado pero kung living free ka naman eh di "give and give ka tas take and take" para po MASAYA.

[May 2009]

2 weeks before the month ends, handa na kong sagutin si pogi siguro talagang sa panahong ito mahal na mahal ko na talaga siya, ganoon eh wala tayong magagawa. 

Patuloy pa rin kami sa ginagawa namin dati, punta siya sa bahay namin may dala siyang kung ano-ano (suhol ata) pero medyo nag lie low siya ng kaunti sa ganoon (haha baka ubos na ang pera, kawawa naman si Macky boy ko) pero ayos lang sa akin tapos ako naman lagi siyang kasama pero pag malalayo na yung laban nila pag dumadayo sila sa iba't ibang lugar siyempre di muna ako sumasama baka kasi magsawa sa akin eh. (you know!)

Naghihintay na lang ako na tanungin niya ako ng "Will You Be My Girlfriend?" hay! antagal lang kasi eh. 

Isang araw nahuli akong magsabi sa kaniya na sasama ako sa pagpractice nila ng basketball kasi nagpaload pa ako nun eh nag text na siya "Kulit, di ka ata sasama mauna na kami ah, dun lang kami sa court ng subdivision namin. I 4 You" sabi niya sa text, eh tinamad pa kong tumayo sa kama kaya naghintay muna ako ng ilang minutes tas saka tumayo at nagpaload na.

Siguro almost one hour bago nakapagprepare ng buong sarili tapos dumiretso na ako dun sa kanila, like he said, kaya naman dumaan muna ako sa house nila at nakita ko yung yaya niya sabi kanina pa raw wala. Pumunta na agad ako ng court.

[Pagdating sa Court]

Nakita ko yung mga babae sa place ng mga gamit nila, una tinignan ko muna baka kasi chiks eh haha, ilang minutes akong nakatayo at hinihintay na mag break muna. Antagal kaya umupo ako after 10 minutes, di niya ako napansin pero okay lang. 

Lalapit na sana ako ng biglang sumigaw yung coach na water break daw muna for 3 minutes kaya naman dumiretso ako agad sa kanila, nagulat na lang ako ng yung isang babae lumapit sa kaniya at pinunasan siya ng towel. (Kalma lang) sabi ko sa sarili ko, pero inabutan pa ng tubig (ano to?!) kaya naman lumapit lang ako at tumingin sa kaniya, nagpakita lang siya ng nagtatanong na mukha. 

Tinignan ko rin yung babae, "Nako pre" sabi nung isa "Yari!" sabi ata nung kuya ni Erol kung di ako nagkakamali tas nagtawanan yung iba. "Ano?" sabi ko "Ha?" sabi sa akin ni Macky "Bakit Ate?" sabi nung babae. "Wala" sabi ko sabay lakad paalis..

"Okay na, back to work. Come on guys!" sabi ng coach nila "Kulit!" sabi niya pero di ako tumingin. "Mimi!" sigaw niya ulit titingin sana ako (pero naisip ko, bahala ka diyan!) nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. (Okay, calm. Calm down..) 

[5pm]

Pagkadaan ko dun dumiretso muna akong SM, naisipan kong bilhan si Pam ng doughnut para naman may magawa ayoko pa kasing umuwi sa bahay eh baka maisip ko lang siya (nakakainis pala yung ganito) sabi ko isip ko (ginusto mo yan eh!) sabi ko pa sa isip ko, napangiti na lang ako na naiinis (abay gago kang utak ka ah, shutup!) hahaha

Siguro almost 6pm na ng makauwi ako, naisipan ko rin kasing bumili ng ilang gamit para sa pasukan. Paliko pa lang ako sa street namin naaninag ko na agad siya, kinakabahan na naiinis ang nararamdaman ko pero nagpatuloy ako sa paglalakad (di ko siya papansinin)

"Kulit.." sabi niyang mahina sabay hawak sa balikat ko nung nasa gate na ako pero binuksan ko lang yung gate at pumasok sa loob. Di na ako tumingin pa sa kaniya.

Pagpasok ko sa loob nakita ko agad si Pam na nanonood sa sala "Ah!" sabi niya sa akin sabay kuha ng dala ko, natawa na lang si Ate. "Oh anak" sabi ni Mama na nagluluto na ng hapunan siguro, nagmano ako. "Nakita mo ba si Macky?" sabi ni Mama "Kanina pa andiyan yan ah, ayaw ngang pumasok eh nakita namin ni Pam mga alas 4pm nung naglaro si Pam sa labas" sabi naman ni Ate. "Ha? Teka nga" sabi ko sabay lakad ng mabilis palabas ng bahay.

Pagkalabas ko nakita ko si Macky na nakayuko lang at nakaupo sa gilid ng bahay. Binuksan ko yung pintuan, tumingin agad siya sa akin. "Kulit" sabi niya, mahina ang boses, malalim, (ang gwapo haha)

"Oh?" sabi ko sa kaniyapero tahimik lang siya na nakatingin sa akin. Masama ang tingin ko sa kaniya pero nabigla ako ng yakapin niya ako. Pakiramdam ko ang tagal ng pagkakayakap niya sa akin, kaya niyakap ko na rin siya (Gusto din haha)

Pagkayakap niya sa akin hinawakan niya yung kamay ko sabay hinila ako “Bakit?” pero di siya sumagot kaya hinayaan ko na lang siya.

Umabot kami sa sakayan ng tricycle tapos parang may sineniyasan siya at pinasakay niya ako saka siya sumakay. “Kuya alam na” sabi niya “Ha?” sabi ko pero di pa rin siya sumasagot.

Nagsimula nang umandar yung tricycle, ambagal naman sabi ko kasi grabe sobrang bagal talaga ng takbo tapos may nakita akong mga tao may hawak na mga cartolina ata o banner. 

“I” nakalagay sa isang banner “DON’T” sa isa pa “CARE” nakalagay pa sa isa hanggang sa tuloy tuloy na “Ano to?” sabi ko pero nakatingin din siya dun “IF” “THIS” “FEELING” “WILL” “CHANGE” “BUT” “NOW” “ALL” “I” “KNOW” “IS” “THAT” tapos wala nang sumunod. 

Tumigil yung tricycle tapos bumaba siya “Anong meron?” sabi ko pero kinakabahan na ako nun. Pagkababa ko nagdikit dikit yung mga tao na may hawak ng banner tapos yung may mga hawak ng “I” binaliktad yung hawak nila ang nakalagay na ay “HE” tapos yung “DON’T” nagging “DOESN’T” at may lumapit na babae na parang kilala ko pero hindi na may hawak na “S” at dumikit dun sa “KNOW” naman kaya binasa ko ulit: “HE DOESN’T CARE IF THIS FEELING WILL CHANGE BUT ALL HE KNOWS IS THAT” 

Bigla na lang nagsalita yung mga taong nakahawak ng banner at sinabi yung nakalagay sa mga hawak nila tapos tumingin na sa akin si Macky at niyakap ako sabay bumulong “I DON’T CARE IF THIS FEELING WILL CHANGE BUT ALL I KNOWS IS THAT” tapos bigla siya kumawala sa pagkakayap sa akin at may kinuha sa bulsa niya “I love you” sabi niya, pero nakatingin lang ako “I love you, I Love you so much” sabi niya sa akin. 

Tulala lang ako “Siguro akala mo niloloko lang kita, na di ko to seseryosohin pero sana malaman mo na di lang kita gusto. Mahal kita!” pagkasabi niya nun lumapit siya at isinuot sa akin yung necklace na may nakalagay na “I” tapos heart shape then “MIMI” pagkasuot niya nun naiyak ako sabay takbo palayo.

(Ang tanga ko) sabi ko sa isip ko sabay para sa tricycle. Hinabol ako ni Macky pero antanga ko ata (ako na tumakbo at nagpahabol). Niyakap niya lang ako sabay sabing “Bakit?” pero ilang Segundo ang dumaan at di ako nagsalita pero di ko na kinaya at napalitan din akong magsalita. 

"Paano yung babae na kasama mo kanina?" sabi ko sabay naiiyak pa rin "Ha? Sino?" sabi niya "Yung nagpupunas ng pawis mo tapos binigyan ka pa ng tubig" sabi ko na medyo humihina na ang iyak, antagal niyang sumagot "Teka nga, ang kulit mo talaga. Kaya mahal na mahal kita eh" sabi niya sabay hawak sa kamay ko "Ewan ko sayo" sigaw ko.

Tumakbo ulit ako pero nakita ko na lang sina mama at papa pati ate at si Pam may hawak ding banner si Pam may dalang flowers at nagulat ako nung kasama niya yung babae na may hawak ng “S” na banner at nasa likod niya “Yan!” “Siya!” sabi ko sabay turo sa babae “Baby girl!” sabi ni Macky “Gago ka sabay takbo sa kabilang direksyon “Ano ka ba!” sabi ni Macky sabay hila sa akin at nag smack sa akin, pinilit niya akong ilapit sa kaniya “Kapatid ko yan” mahinang sabi niya sa akin “Ate sorry kanina” sigaw nung babae.

“Hoy lukaret!” sabi ni ate tapos si Pam lumapit sa akin sabay bigay ng flowers “Kulit..” sabi ni Macky pagkaabot sa akin ng flowers “WILL” “YOU” “BE” “MY” “GIRLFRIEND” tinuro ni Macky yung hawak nila papa na banner na kakabaligtad lang nila.

“Miranda Asistio Del Rey, Will you be my girlfriend?” sabi niya sa akin nakatingi lang ako sa kaniya “Oo” sabi ko sabay palo sa kaniya, napangiti na lang siya sabay nagyakap kami. 

Nakita ko siyang sumenyas kila papa na okay daw. “Oh tama na yan, nakarami na!” sabi ni Papa sabay nagtawanan kami at lumapit yung mga taong may hawak ng banner kanina. 

May 13, 2009

Magkaholding hands pa rin kami nun, ansaya pala! (Hhhaaayyyy LOVE!)

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon