Apat na araw, apat na gabi. Sa loob ng silid pinagninilayan ang isusulat sa isang blankong papel na naghihintay sa mesa. Nahihirapan simulan ang isang paksang kadalasan namang pinag-uusapan. Naghahanap ng saktong depinisyon at nagtanong kani-kanino.
Pag-ibig. Walang saktong depinisyon. Isang salitang mabibigyan mo ng maraming kahulugan. Sa milyon-milyong depinisyon na naisagot saiyo ay wala pa rin, hindi pa rin alam kung ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan nito. Iba-ibang tao, iba-iba ring kahulugan ng pag-ibig. Kung pwede nga lang ay tanungin mismo si pag-ibig kung sino o ano nga ba siya.
Pinagisip-isip ko, sa maraming sagot sa iisang katanungan ko ay hindi pa rin ito sapat. Hindi ito sapat sa akin dahil tulad ng iba, iba rin ang kahulugan nito sa akin dahil. Masasagot ko rin ang aking tanong ng libong kasagutan ngunit hindi pa iyon ang pinaka-kahulugan ng pag-ibig sa akin. Ang depinisyon ng pag-ibig sa akin ay isa lang.
Ang pag-ibig para sa akin ay ang aking pamilya. Dahil sabi nga nila, "Without love, I am nothing." Kapag wala ang aking pamilya, ang aking depinisyon ng pag-ibig, wala ako sa mundong kinagagalawan ko ngayon. Ang pag-ibig ay nagbibigay ng kasiyahan at ang aking pamilya ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan, lakas ng loob at higit sa lahat ay pagmamahal. Sila ang nagsisilbing proteksyon o pundasyon ko sa kung ano mang problemang dumaraan sa aking buhay. "Ang pag-ibig ay parang bilog, ito ay walang dulo dahil ang pag-ibig ay walang hanggan at magpakailanman." Ang aking pamilya ay laging nandyan at kaagapay ko sa kung ano man ang mangyari kahit iwan man ako ng lahat ng tao nandyan at nandyan ang pamilya dahil ang pagmamahal galing sa pamilya ay magpakailanman at hindi kailan man nauubos.
Sa mga sagot na nakuha ko sa iba at sa mga kasagutan na naibigay ko rin nakabuo ako ng pinakadepisyon. Isang depinisyon. Ang aking pamilya ang aking pag-ibig.