Chapter 8

35 1 0
                                    

- Eros's P. O.V -

Sa wakas nahanap ko na rin ang tamang babae para sa kaibigan ko. At bingo! Bestfriend pa ni Via.

I remember last night. The way he looked at Karylle the bestfriend of my girl. Shoot! my spark! Hahaha

Kaya napapangiti na lang ako.

"Kailangan ko na yatang ipunta ka sa mental hospital" napalingon ako sa nagsalita.

Tangina! may kasama pala ako. At anong sinabi nya. Mental Hospital? ano ako baliw!?

"Sa daan ka tumingin. Mamaya di na ako makarating sa boutique ko at morgue na ang tuloy ko" masungit na sabi nya.

Langya! oo! meron ba ngayon to.

"Meron ka ba ngayon ah. bakit ang sungit mo" sabi ko. sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Bastos! magdrive ka na nga lang"

Sungit talaga. Hay naku bipolar na babae. Pabago bago ng mood.

Minsan sweet. Minsan caring. Minsan sadista. Minsan masungit. Minsan mataray.

Ay ewan. Pasalamat ka mahal kita.

*Wink*

- Patricia's P.O.V -

Kinakabahan ako. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba sa party kahapon. Dahil nakita nya akong nandun sa party. Eh hindi ko nga sya napansin. Atsaka di ko naman sya narecognize na sya pala yung kasama ni Eros na jowa ng bff ko.

Kase nga. Ang gwapo nya sa suot nyang suit kagabi. As in mas lalo syang gumwapo. Nakakadagdag appeal ang pagkunot ng noo nya.
Ano ba 'tong iniisip ko.

"Good morning sir"

Napalingon ako sa likod ko.

Patay! Nandyan na si Sir Vince!. Buti na lang di nya ako napansin.

Kaya napatalikod ako ulit. At unti unting naglakad.

Hanggang sa nakarating na ako sa elevator.

Bago pa man magsara ang pinto ng elevator. May humarang dito.

Nanlaki ang mata ko ng si Sir Vince pala yun. Diretso lang syang naglakad papasok sa loob ng elevator.

Nagpagilid naman ako.

"Good mor-- morning sir" nauutal na bati ko sa kanya. Pero wala akong natanggap na sagot.

Sanay na ako. Araw araw naman eh.

Tumungo na lng ako. At tinignan ang reflection nya sa pinto ng elevator. Para kasing salamin eh.

Nakakunot noo na naman sya. Pero parang gusto ko ang ganyang feature ni Sir Vince.

Nanlaki ang mata ko ng tumingin din sya sa reflection ko sa pinto ng elevator.

Napansin nya akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya tuloy.

"Sorry sir" hinging paumanhin ko.

Huminto na ang elevator at lumabas na si Sir Vince.

Tsaka lumabas na rin ako. Mabilis akong nagtungo sa desk ko. di pa ako nakakaupo......

"Miss Del Rosario. come in my office" maotoridad na utos nya.

Tsaka sya pumasok sa office nya.

Kaya mabilis kong kinuha ang tablet ko na naglalaman ng schedules ng meeting nya at nagmamadaling pumunta sa office nya.

Inayos ko muna ang sarili ko at kumatok. Nakatatlong katok ako ng nagsalita sya.

Kaya agad kong pinihit ang seradura ng pinto.

WANTED PERFECT girl for boss sungit                    (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon