Special Chapter 5 (Mimi, the Bestfriend)

62 0 0
                                    

Parang tanga lang ang pag-propose sa akin ni Macky boy pero okay lang. I'm happy, surprised and contented, siguro ganoon talaga no? Di maiiwasan na magselos ka lalo na kung mahal mo talaga ang isang tao.

Im 15 years old na, and an incoming sophomore.

Naalala ko tuloy yung nangyari nung party sa school namin nung sinampal ko si Kim, nakakainis kasi kung di ko ginawa yun edi nasaktan na ang bestfriend ko. 

Sa tingin ko yung love story ni Justin at Alexa ay isa sa pinaka nakakalungkot, paano ba naman, kahit di sabihin ni Justin eh alam ko na mahal niya, mahal na mahal si Alexa at eto naman bestfriend ko alam ko na mahal na mahal din niya si Justin.

Well let's go back to my story na nga po muna..

[June 2009]

Pasukan na naman at bagong kabanata na naman eto sa buhay hayskul ko. 

Unang araw ng pasukan

Sinundo ako ni Macky, at astig ha naka kotse si pogi. 4th year na siya ngayon, that means graduating na siya at next year eh iiwan niya na ako, or lets say na magkakalayo lang kami kasi sino ba namang nagmamahalan ang gustong maghiwalay.

Gaya siguro ng iba na nagkakaroon ng girlfriend at boyfriend, di maiiwasan ang magduda at minsan talaga, ay magselos. 

Di naman sa mayabang ako pero etong si Macky eh gwapo, matangkad siguro mga 5'11 at medyo moreno pero di naman masyado, matangos ang ilong, maporma, mabango haha at higit sa lahat, nakakainis lang eh habulin ng mga babae, varsity kasi.

Gaya nung last year, naging exciting ang first month ng pasok pero nakakapikon siguro na etong grupo nila Kim eh umeepal na naman, siguro natural lang sa kanila na maging ganoon. Paano ba naman?! Kapag nakakasalubong ko sila humaharang sila, buti na lang at lagi akong may kasama kundi baka binugbog ko na to, kung di lang sayang ang scholarship eh.

One day sa CR

"Sarap ng buhay mo ngayon ah.." maangas na sabi sa akin ni Kim, "Living free ka ah" sabi nung isa "Shut up! Alalay ka lang nito oh" sabi ko sabay turo kay Kim tapos bigla akong tinulak sa balikat pero hinayaan ko na lang siya at naglakad na palabas sa cr, nagulat na lang ako nung biglang hilain ng isa yung bag ko.

"Ay pu..." bigla kong hinampas sa kanila yung bag ko "Alam niyo ako, nagtitimpi lang ah. Alam niyo naman siguro ang ugali ko." sabi ko pero umirap lang si Kim "Pag ako nainis etong sapatos ko ihahampas ko sa inyo" sabi ko "Tara na nga girls" sabi ni Kim 

"May araw ka rin" sabi nung isa, nagayos na lang ulit ako ng sarili pagkaalis nila at tumuloy na sa klase

[July 2009]

"Kulit, darating pala si Mama galing states ah. Papakilala po kita" mahinang sabi ni Macky habang nakaupo kami sa hagdan papuntang lockers, uwian na nun. Eto, magkaholding hands.

"Ha? Nakakahiya pogi" sabi ko "Sige na po, please" sabi niya sabay pa cute sa akin. "Hay nako, sige na nga pperr" magsasalita pa sana ako nung bigla niya akong ninakawan ng halik, hahaha ganoon yun diba? Ninakawan ng halik pag di ka ready "Hoy!" sabi ko sabay hawak sa pisngi niya at  tinulak siyang konti pero niyakap niya lang ako.

"Kelan ba?" sabi ko, "Sa saturday na po" sabi niya sabay hawak ulit sa kamay ko "Pakilala kita ah" paalam niya ulit "Oo na nga, kundi ka lang pogi eh" sabi ko sabay halik niya sa kamay ko.

"Tara na nga" sabi ko sabay tayo, "Uwi na?" sabi niya sabay pa cute na naman na parang nalulungkot "Oo" sabi ko sabay ngiti at lakad "Amina na yang gamit mo ako na magdala" sabi niya nung nakahabol na siya sa akin habang naglalakad na ako "Sige, salamat pogi" sabi ko

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon