- nasasabik na matikman ang iyong halik -

740 28 154
                                    

UNIQUE'S POV

"Nik! Magimpake ka na ng gamit mo," malakas na tinig sa akin ni Kuya Jao. Siya na yung nagsilbing magulang namin sa banda. Sa totoo lang, kung wala siya, palpak siguro kami. Ito kasing si Kuya Zild lagi namang may lakad kasama si Ate Dandan. Nakakahiya din naman kasing makiusap. Lagi na lamang may date kung saan-saan. Edi sila na nga ang may forever.

"Oy, baby Nik!" Humiyaw nanaman si Blaster. Bitbit ang kaniyang gitara at tumatakbo ng mabilis patungo sa mini van ni Kuya Jao. Sana madapa siya. Mas katutuwaan ko pa.

"Bakit nanaman Blaster?" umirap ako. Lagi na lamang "baby" ang tawag sa'kin. Bakla ba 'to? Hindi na ako magtataka kung biglaan na lang siyang umamin. Porket ako yung bunso, baby agad? Kung tutuusin nga ay mas mature pa ako sa kanila eh. Pero wala namang nagrereklamo, ako lang talaga.

Binatukan ako ni Ter at tumitig sa 'kin, "Galit nanaman siya oh. Porket wala si Zild, ganiyan ka na." Ngumiti siya ng para bang nangaasar at nilagpasan ko na lamang siya ng tingin.

"Hindi mo alam ang pinagsasabi mo." Walang pagbabago sa tinig ng pagsasalita ko. Nakakasawa na ang mga biro ni Blaster. Lagi na lang tungkol kay Kuya Zild. Baka nga siya ang may gusto doon. Lagi na lamang siyang may padikit-dikit doon kahit katabi ni Zild si Dandan.

Nagpapansin na lang uli si Blaster. Hiyaw dito, hiyaw diyan. Alam ko na parang wala ang normal na Blaster kesa sa onstage na siya. Parang dalawang magkaibang tao.

"Dumali nanaman si Blaster, Nik," wika ni Kuya Badjao na parang may tono ng paumanhin sa kaniyang pagsasalita.

"Hayaan mo na. Ganiyan naman siya lagi," Sinabi ko habang nakatingin sa aking cellphone.

Sumulyap ako kay Blaster at pinagmasdan ang kilos niya. Kahit ganoon ang kilos niya, walang hassle sa kanya ang paglalagay ng kaniyang mabigat na gitara sa mataas na harang ng likod ng sasakyan. Naramdaman niya siguro ang tingin ko dahil tumingin rin siya sakin at gumuwa ng mukhang katawa-tawa at tumawa rin habang duling at humahalaklak ng parang biik. Para bang wala siyang pakialam sa sinasabi tungkol sa kaniya. Gagawin niya kahit ano para mapasaya ka lang. Meron din naman palang maganda kay Blaster.

Napangiti ako habang iniisip ko ito.

Inilagay ko na ang microphone ko sa likuran ng kotse. At naglakad papunta sa front seat ng sasakyan. Dali-dali ako dahil alam kong aagawan ako ni Ter dahil minsan lang kami maka"shotgun" dahil designated na ang harapan kay Kuya Zild. Habang inabot ko ang door handle biglaan na rin itong inabot ni Blaster na para bang pa-sadya na hindi. Napatingin na lamang ako sa kaniya at 'di rin naman maiwasang ngumiti. Hindi ko talaga inaasahan na para bang hinila ng multo ang bunganga ko para gawin ito. Tiningnan ko si Blaster sa mata na bigla na lamang kuminang na para bang maluha-luha. Ang kamay niya ay bigla na lamang pinawis at ang pisngi niya'y namula. Siya ang unang nagtanggal ng kamay niya mula sa handle at pansin ko ang pagbaba ng tingin niya habang umaakyat papasok ng van. Pinanood ko ang bawat kilos niya. Pero hindi nagtagal ay inalis ko na rin ang pagkakatingin ko sa kaniya.

'Baka may makakita pa,' sabi ko sa aking isipan. Bumalik ako sa tahimik kong sarili. Nawala na muli ang lahat. Minsan lamang ako magkaroon ng kuryente at pasadyang nagbrownout. Matagal na akong may palihim na nararamdaman kay Blaster pero itinago ko lamang dahil takot ako sa mga salita ng ibang tao. Naging klase na ako ng taong masyadong namromroblema sa tingin sa akin na iba kahit ibig sabihin nito ay hindi na ako maging ang totoo kong sarili. Kaya sa pagdaan ng mga taon ay nagtapang-tapangan na lamang ako.

Binuksan ko na ang pinto. Bumuka ang bibig ni Blaster pagkapasok ko pero bago pa man siya makaimik ay tinalikuran ko na agad siya. Kumirot ang puso ko dahil lagi na lamang napasasailalim si Blaster pero hindi parin ito naging sapat para mabago ang isipan ko.

Isang Pag-ibig [ BLASNIQUE ONESHOT ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon