Sana Hindi Na lang

260 3 0
                                    

Ipaglaban mo naman ako,
Alang alang sa salitang tayo.
Iparamdam mo namang mahal mo ko,
Kahit di ko marinig yung salitang I love you mo.

Ang sikip na ng dibdib ko,
Kunti na lang sasabog ba 'to.
Bakit mo pa ko hinila sa mundo mo,
Kung araw-araw sa lungkot papatayin mo lang ako?

Di ko masabing sana di na lang,
Pero ang puso ko sobrang tapang.
Kaya niyang panindigan ang nararamdaman niya,
Kahit buong mundo tumutol sa kanya.

Sana di na lang ako,
Kasi sobra kong mapagmahal na tao.
Sana di na lang ako,
Kasi ang alam ko lang umibig ng totoo.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon