Don't say Goodbye (One Shot)

2 0 0
                                    

"Love alis lang ako ha, punta lang ako sa grocery, paubos na kasi yung egg natin and ham" sabi ni maki ng naka ngiti.

"Sige love luto lang ako dito ng breakfast natin, bilan mo na din ako ng oil and fries para for sure na di tayo mauubusan, alam mo naman diba na malakas ako sa fries! Haha" nakangiti ko ding sabi sakanya.

"Okay sige po love" Lumapit sya saakin at hinalikan ang noo ko. Kumawala din sya at lalabas na ng bahay.

"Ingat love" pahabol ko.

He never say goodbye, or even a word 'bye', ang ayaw namin sa lahat is yung word na yun.

Nung una di ko alam kung ano dahilan, lagi pa nga sya nagagalit kapag sinasabi ko yun sa mga kaibigan ko, but in the end, ang dahilan non is feeling nya kapag sinabi ang word na yun ang ibig sabihin ay paalam na, ito na ang huling pag kikita nyo, ganon, sa umpisa parang ang oa naman. Kasi word lang naman yun ee, wala namang mangyayaring mali!? Pero habang tumatagal, nakakaramdam na din ako ng takot, na someday when you say goodbye, they will never come back...

............

Nov 12,

"Love nasan kana?" Tanong ko sa kabilang linya kung saan kausap ko si maki.

"Malapit na love,medyo na traffic lang, may accident kasing naganap kanina ee, grabe love, yung black car yuping yupi, paano ba naman kasi love yung track sobrang bilis mag maneho, muntik na nga akong mahagip ee, buti nakaiwas ako, kaso yung isang sasakyan naman yung nabungo ng track, ewan ba pero tila sinagip ako nung sasakyan na yun, kasi imbes na ako yung mahagip, sya yung himinto para di ako matamaan ng track, grabe yung ng yari doon kanina, nakakaawa nga yung naka sakay doon, namatay na daw, pero bat kaya nya ginawa yun noh? Tila sya super hero na ewan, nag sacrifice ata! Pero love kung di nya ginawa yun, di lang ako ang mabubungo ng track, pati na rin yung mga bata sa bus, kaya laking pasasalamat nung mga bata, pero iyak sila ng iyak kasi nag sacrifice yung nakasakay sa black car. Buti nalang talaga love nakaligtas din ako, kung hindi nakuuuu!! Baka di mo na ako makita, hhahaha, baka wala ka ng love." Mahaba nyang paliwanag, at tila natutuwa pa sa huling nasabi nya, alam nya talaga kahinaan ko...

"Nakuuu love!! Tumigil ka nga jaan, hoy ikaw, kapag may ng yaring masama sayo mababaliw ako, nakooo! Ako na ang mawala wag lang ikaw!! Nako lovee buti naman walang ng yaring masama sayo, pero nakakaawa naman yung taong yun, para sa buhay ng maraming tao, sya mismo nag sacrifice ng buhay nya, nako mag pray tayo para sakanya" malungkot kong sabi sa kabilang linya.

"Ay love nasan kana pala? Nag mamaneho ka parin ba? Nako diba sabi ko sayo wag kan-" naputol ang sasabihin nya dahil sa sumabat ako.

"Hoy kanina pa kaya ako dito sa mall mahigit 10 mins na akong nandito noh, nakuuu! Late ka nanaman" inis na sabi ko but with love naman haha.

"Nakuuu! Ito na nga po eee malapit na po boss love, park nalang ako then puntahan na kita jaan, wag na ma stress anniversary natin ee tapos stress ka jaan? Hahaha"

"Nakooo ikaw nga ang nag mamaneho jaan ng may kausap ee, diba sabi ko tumigil ka sa kakaganyan mo, nako madaming na aacidente dahil jaan. Nakuu malilintikan ka talaga sakin" sabi ko na may pag kainis nanaman.

"Ito na nga po eee diba, nasa parking lot na, nandito ako sa 3rd floor, nakakita na ako ng bakante, sige na boss, baba ko na toh" sabi nya sa kabilang linya.

"Okay okay! Ingat love"

"Yes love, ingat din, bye"

"Goodbye"

Binaba na ni love yung phone kaya pinatay ko na din.

Ito na ata ang pinaka masaya sa lahat, mag 3 years na din kami ngayon taon na ito, at anniversary namin, lulubusin ko itong araw na ito na sya lang ang kasama, ano kaya gagawin namin? Hahaha na eexcite na ako.

Nakatingin ako sa parking lot, ng maaninag ko ang sasakyan ni maki nag madali akong lumabas ng mall at nakangiting sinalubong si maki, pero bat ganon, di sya lumabas ng sasakyan nya, naka park lang ito at may kausap sa cellphone, maya maya ay nakita kong mabilis humarurot ang kanyang itim na sasakyan, sinubukan ko itong tawagin ng ilang beses sa pangalan nya pero ni hindi sya luminngon saakin, tila itong nag lahong parang bula sa sobrang bilis ng pangyayari.

Anong ng yari? Bakit sya umalis ng hindi ako nililingon? Bakit parang, parang may mali!

Nag madali akong sumakay ng taxi, tila may mali, bakit parang iba ang kutob ko, biglang naisip ko ang accident na sinabi sakin ni maki, hindi kaya?!!

"Manong pwede po bang pakibilisan!" Nanginginig na sabi ko sa driver, natatakot na ako, bakit tila may mali, iba ang kutob ko, parang may hindi tama. "Manong pwede ba pakibilisan, naririnig mo ba ako?!" Namalayan ko nalamang na lumuluha na pala ako.

"Please dont say goodbye" ang nasabi ko nalamang habang di mapigilan ang umaagos na luha sa aaking mata.

Naramdaman kong tumigil ang taxi, "kainis naman na traffic ito oh" sabi nung driver, nakita kong ang daming sasakyan na naka hinto din dito, mabilis naman akong lumabas ng taxi, at tumakbo ng mabilis sa aking makakaya.

"Please, please dont say goodbye."
Paulit ulit kong bulong sa sarili ko, habang tumatakbo.

Namalayan ko nalamang na nandito na pala ako sa accidenteng sinasabi ni maki kanina, maraming tao ang nakapaligid lalo na ang mga pulis, lumapit pa ako ng kaonti para makita ang kabuuang ng yari, ngunit hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Yung itim na sasakyan, hindi ako maaring mag kamali, alam ko ang itim na sasakyan na iyun.

Mas lalong bumuhos ang luha ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, bakit? Anong ng yari? Bakit wala akong maalala?

Please tell me hindi ito totoo! Panaginip lang toh right?!?

But i realize, nakita ko nalamang ang sarili kong naka ngiti na pala habang patuloy paring bumubuhos ang aking luha, hahaha nababaliw na talaga ako, doon onti onti ko na naaalala ang lahat.

Dahan dahan akong nag lakad papalapit sa taong nakahiga at wala ng malay.

"Kala ko ba walang iwanan, anong ginagawa mo jaan? Bat ka naka higa jaan?, diba kausap lang kita kanina? Diba nga mag kikita pa tayo sa mall? Diba nga mag cecelebrate pa tayo? Diba sabi ko, diba sabi ko dont say goodbye!?" Umiiyak at ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya "bakit ba ang hilig mong mag sacrifice para sa ibang tao? Ang unfair mo naman, bakit handa kang mawala wag lang yung taong mahal mo? Bakit? Bakit mo ginawa yun" ang mga tanong nya na hindi ko kayang sagutin.

"Di ko masasagot ang mga tanong mo" bulong ko sakanya "kasi alam kong di mo ako naririnig." Pinipigilan ko ang sarili na lumuha ngunit hindi ko kaya.

"Please dont leave me madi, please dont say goodbye, please!" Sunod sunod nyang sabi kasabay ng pag agos ng kanyang luha.

Lumapit ako sakanya at humalik sa kanyang noo. "i'm sorry maki, goodbye my love"

............

"Please dont say goodbye"
"Bakit ka nag papaalam? Aalis kana ba? Babalik ka paba?"

Goodbye? Yan yung word na sobrang nakakatakot, kasi di mo alam na kapag nag paalam sya, di na pala sya babalik.
Akala mo bibili lang sya sa grocery, or papasok sa school, o kaya uuwi na, ganon!

Pero paano kung yun na pala ang huling word na maririnig mo galing sa taong mahal mo???

Dont say goodbye kung hindi mo pa kayang iwan ang taong mahal mo, dont say goodbye kung hindi ka pang handa na mawala sya sayo, and dont wast your time dahil sa bawat oras at panahon ay mahalaga, lalo na kung hindi mo alam kung kaylan ka mawawala at iiwanan ang na lahat.

The End

Thank you sa pag babasa!!! Hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't say Goodbye (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon