Aia's POV
Pinaliwanag naman sa akin ni RD na group project nga lang daw kung bakit magkasama sila ni Angeline. Hwag na daw akong magselos kasi ako lang daw ang love niya forever and ever!!!
(Masarap ba 'yung ice cream kanina, hon?) ice cream? Pinagsasabi nito? Nagpadeliver ba siya?
"May pinadeliver ka ba hon?"
(Eng-eng! Eh di ba, nag-ice cream kayo kanina ni Prince Jake mo? Hindi ka pa nagpaalam sa akin!) waaaaah!!! Paano niya nalaman? Mukhang selos pa siya!
"Honey! Sasabihin ko na talaga sa'yo kaninang lunch break, ang kaso nagmamadali ka! Tapos itetext sana kita ang kaso naman lowbat na akoooo!!! Sorry na hon!!!"
(Tsk!)
"Uy! Sorry na!"
(Sige na Aia, inaantok na ako. Bukas na lang ulit! Bye!) tapos nawala na siya sa linya! huhu.. galit yata siya! Ay hindi lang 'yata' kasi Aia lang ang tinawag niya sa akin!!!
Birthday pa naman niya bukas!!!
Tinawagan ko pa siya ulit, ang kaso nakapatay na yata yung phone niya!
--
Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Kat sa school. Si RD naman di ako tinetext. Mukhang galit siya! Birthday pa naman niya ngayon! Pero nahihiya ako na unang mag-approach sa kanya. Super suplado kasi nun!
"Alam mo walang mangyayari sa inyo Aia. Itext mo na siya ng sorry at happy birthday, tapos!"
"Nakakahiya Kat!"
"Hay, ewan!.. oh ayan na si Prof, umayos ka!"
Nagsimula ang klase na walang laman ang utak ko kung paano mag-sosorry kay RD. Idagdag pa yung gagawin kong preparation mamaya as birthday gift ko sa kanya.
Pagdating ng tanghali, nagpaalam ako kay Kat na aasikasuhin ko pa 'yung surprise ko kay RD.
"Go, Aia girl! I-seduce mo siya!"
"Waaah! Baliw!"
Paglabas ng campus, napansin ko na medyo malulam ang langit. Nagmadali na lang ako pumara ng taxi papunta sa condominium ni RD.
Opo, sa condo po niya. Aakitin ko po kasi siya since 'yung no.5 yung napili ko! Kidding aside! :)
Last Sunday, tinawagan ko na si tita about sa surprise ko kay RD. All out support naman siya, at ibinigay niya sa akin ang passcode ng unit ni RD. Mamaya pa namang mga 7pm yung uwi niya.
Pagpasok ko sa loob ginawa ko kaagad yung dapat kong gawin. Nagluto ako ng dinner, na ni-search ko pa sa internet.
After nun,dali-dali akong umakyat ng rooftop para gawin na ang balak ko! hihi...
Nilatag ko na yang blanket sa sahig, may mga pillow din akong dala para gamitin namin mamaya.
Habang inaayos, naramdaman ko na may pumapatak. Nung una, paisa-isa lang. Hanggang lumalaki na yung butil ng tubig at lumakas na siya. Waaaah! Umuulan!
Rainy season nga pala ngayong August!
Eh mag-i-star gazing kami ngayon! huhuhu... :'(
---
RD's POV
Ang lakas ng ulan sa labas! Birthday na birthday ko, mukhang may bagyo pa!
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Fiksi RemajaIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...