Chapter 47 - Forgiveness

1.9K 39 2
                                    

RD's POV

Kinabukasan bumalik na din kami ni Aia sa Pilipinas dahil may pasok pa kami. Ang kulit, aalis ng bansa eh may pasok pa! Sabi ko na lang sa kanya sa honeymoon na lang namin kami babalik dun, nakatikim ako ng malakas na hampas sa braso. tss!

"Honey, ano dito una kong susuutin?" napalingon ako kay Aia na may hawak na dalawang cocktail dress. Nandito kasi kami ngayon sa boutique ng designer na ni-hire ni tito para sa debut ni Aia next week.

"The aqua blue on your left hand will look good on you, at sigurado ako doon." all shades of blue ang motif ng party. Tumango lang siya at pumasok na sa fitting room. Habang naghihintay sa kanya naka-receive ako ng txt galing kay Angeline. Pinapupunta niya ako sa isang restaurant na malapit lang naman sa unit ko. Gusto daw niya ako makausap. Tinext ko sa kanya kung ano oras ako available, simula kasi mangyari yung issue never ko pa siyang nakakausap.

"Honey, look! Bagay ba?" napatingin ako kay Aia na nakasuot na yung dress na pinili ko para sa kanya habang inaayos nung isang staff yung lace sa likod nun.

"You look gorgeous on that dress." lumapit ako sa kanya at hinapit yung bewang niya palapit sa akin. Medyo tinulak pa niya ako palayo sa kanya.

"Ano ba nakakahiya kay ate oh? Alam mo ba apat yung susuutin ko? 2 cocktail and 2 long gown. Yung tatlo kanina yung nakita mo, yung isa secret! hihi..." yumakap siya sa akin at isiniksik yung ulo sa dibdib ko. "I'm excited!"

"Me too. uhm.. Aia?"

"Yes?"

"Let's meet Angeline later." nakita ko naman na kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "You know naman na--"

"Okay, gusto ko siyang makita and congratulate her!"

"You sure?"

"Yeah!" I just kissed the top of her head and hugged her tight.

--

6pm kami nakipagkita kay Angeline dito sa isang fine dining restaurant. Nauna pa kami actually kasi nagpa-check up pa daw si Anj.

"Mahirap kayang magbuntis?" narinig kong bulong ni Aia habang kinakain yung food niya. Umorder na siya kaagad kahit pa sinabi ko na hintayin na namin si Anj.

"Gusto mo na bang maging mommy?"I playfully asked her.

"Waaah, baliw ka ba? Ayaw ko pa noh?"I chuckled when I saw how she blushed.

"Eh bakit curious ka kung mahirap bang magbuntis?"

"Ah-eh.. kasi naku-curious ako para kay Angeline! Tama! Kasi ang bata pa niya..hehe!" natawa naman ako sa reaction niya.

"Well, based sa mga pag-aaral, mas madali daw ang pagbubuntis ng mga younger women kaysa sa mga may edad na nung nag-baby."

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon