Bumili ako ng cake sa Tous les Jours para kay Nishan. Gusto ko lang talaga makabawi. Ilang araw na akong nakashut down. Cellphone, Ipad, Facebook, Wattpad, Instagram except sa Twitter lahat yan nakalog-out. Hassle kasi kapag binubuksan ko yan e pasukan na.
"Good Evening Tita." Nakakailang lang. Ang sama sama kong bata malalaman niyo mamaya. Family Friend kasi namin e. Minsan nga pagwala akong klase, tambay ako dito pero hindi na ngayon.
"Oh, you're here pala. Nishan is upstairs. You can go." Kita niyo na. Ang bait sakin ni Tita Joane tas ako.. sobrang naguguilty ako.
Umakyat ako sa rooftop at nandun siya.
"Hi Bestfriend!" pilit kong bati sakanya. Nginitian niya lang ako at nagsignal na umupo ako sa tabi niya.
"Lapit na birthday natin. May ibibigay ako sayo Friend." Maski ako nasasaktan sa salitang FRIEND.
Kinuha ko yung wishbone sa bulsa ng sweater ko.
"Magwish ka na. Dali." Umiling-iling lang siya. May problema ata?
"Bakit? Ano meron?" Nakatungo lang siya sa langit.
"Bestfriend! May problema ba?" Tumingin siya sakin.
"Oo."
"Ano yun, friend?"
"si Bestfriend." ak.. ako daw? Hahaha.
"Anong ginawa niya sayo?" Tumayo siya.
"Umuwi ka na lang."
"Ah. Sige. Mukhang pagod ka na ata. Magpahinga ka na lang." Nginitian ko siya at bumaba na. Nakakatuwa talaga umuulan pa.
BINABASA MO ANG
Tayo Na?
Short StoryPafriendzoned-friendzoned ka pang nalalaman. Gusto mo rin pala! (One Shot)