Chapter 6
Park
"Shar?" Napatingin ako at laking gulat ko na makita si Donny malapit sa swing. "Oh, anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko, kasi akala ko nasa school siya.
"Wala naman, nagpapahangin lang kaso napansin ko na may isang babaeng nagmumuni at mukhang may problema." Sabay umupo siya sa isa pang swing.
Tumingin siya sa akin, "May problema ba?" Tinignan ko lang siya sa mga mata niya, at nakita ko kung gaano ka sincere siya nagtatanong. "Wala naman, mukha ba akong may problema?" Pilit kong ngiti.
Tinitigan niya ako ng maigi sa mga mata ko "Ayon sa mga magaganda mong mata, malungkot ka. May problema ka. Kung ayaw mong sabihin or ishare okay lang naman, ang importante mapangiti kita." Sabay nag wacky faces siya. HAHAHA bat ganon? Nagpapapanget siya, pero walang talab. Ang pogi padin hayszz. "Tigil mo na nga yan! Ang panget mo uy! HAHA!" Napangiti naman ako, kasi effort na effort siya.
Bigla siyang tumayo "Tara? Gusto mo pa ba ng ice cream?" Yaya niya. "Sige tara." Tumayo nadin ako. Habang naglalakad kami, nakikita ko kung bakit ang daming patay na patay sa lalaking to. Kitang kita mo yung, simple lang siya kahit ang taas taas niya. Isipin mo naman, may itsura na, talented pa, matalino pa at iba pa. Nesekenye ne eng lehet!
"Anong flavor gusto mo? Libre ko na." Alok niya. "Chocolate na lang. Yun oh! Salamat panget!" Asar ko sa kanya, dahil pa don sa wacky faces niya. "Anong tawag mo sa akin? Hala sige! Ikaw magbayad ng iyo." May paalis alis pa yung mokong.
"Hoy! Bumalik ka dito!" Tawag ko don. "Ayoko, panget pala ako e. Bahala ka dyan!" Aba hindi padin siya bumabalik. "Edi wag! Sinong tinakot mo?" Sigaw ko pabalik.
Babayaran ko na sana yung ice cream ng, "Ito naman, nagpapabebe lang e. Ito po bayad kuya." Sabay abot ng pera. "Di bagay sayo, uy." Asar ko pa ulit dito. "Sige, kung dyan ka masaya ituloy mo lang." Madrama niyang sabi. Hindi ko na napigilan, tumawa na ako ng malakas. "Uy, hindi talaga bagay!" Tawang tawa kong sabi.
Tawa padin ako ng tawa ng napansin kong hindi na siya na tumatawa pero nakangiti na lang siya sa akin "Oh, ayan. Mas bagay sayo nakangiti, kesa yung mukha mo kanina. Panget e." Sabi niya. "Sus! Sabihin mo gandang ganda ka nanaman sa akin!" Ngiti ngiti kong sabi. Sumenyas lang siya ng like. Napakapikonin talaga HAHA.
"Uy, medyo gumagabi na. Hatid na kita?" Aya niya. "Osige. Lakad lang tayo ah? Malapit na naman sa dorm to e." Sabi ko. "Kunwari ka pa, kaya gusto mo maglakad para mas matagal mo pa ako makasama e." Sabay pabirong tulak niya sa akin. "Oh edi wow!" Tumawa na lang siya.
Naglalakad na kami asaran at kwentuhan lang ng nasa tapat na kami ng dorm ko. "Oh, andito na. Umalis kana, baka mabugbog ka nanaman." Asar ko sa kanya. "Sino naman magtatangka? Eh kasama ko si superwoman!" Ngiti niyang sabi.
"Corny mo uy!" Tawa tawa kong sabi. "Pero at least napapatawa kita." Sincere na smile niya. "Thank you! Napagaan mo ang loob ko ngayon." Ngiti kong sabi sa kanya. "Wala yun, basta wag kana malungkot ha. Panget kana nga, papanget ka pa. Maawa ka naman sa mga nakakakita sayo." Asar niyang sabi sabay gulo ng buhok ko. "Oh? Talaga ba? Kung saan ka masaya ge." Asar kong pasabi.
"Osya! Papasok na ako, ikaw ba? Baka gusto mong pumasok? Water or juice?" Alok ko. "Wag na. Pahinga kana. Oh smile na ha." Sabi niya. "Sige, thank you ulit ha! Next time, ikwekwento ko na sayo." Nagulat ako bigla siya ngumiti ng pangasar. "So may next time pa?" Hinampas ko siya. "Sige na! Umalis kana. Ingat!" Tinutulak ko na siya.
"Salamat superwoman!" Sigaw niya nung medyo nakalayo na siya. Inaamin kong gumaan talaga pakiramdam ko dahil sakanya. Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko agad sa sala nakaupo at medyo nagaalala yung mukha nila.
Niyakap ako agad ni Sunny nung nakita niya ako "Besh! Saan ka galing? Akala ko after ng last class mo derecho uwi kana?" Nagaalalang tanong niya. "Tumambay lang ako saglit sa park, bakit?" Lumapit na din si Miles. "Akala kasi namin kung ano na nangyari sayo e. Lalo na alam mo na yung balita.."
Ngumiti na lang ako at naalala ko yung ganap kanina sa park. "Okay na ako, siguro nabigla lang ako sa balita pero naka move on na ako. Don't worry mga besh. Past na yun!" Tinignan ko sila ng seryoso. "Buti naman no! Andito naman kami e, mahal ka namin." Lambing ni Sunny.
Yinakap ko silang pareho, wala mang boyfriend meron naman dalawang besh na sobra akong mahal.
"Bago ko makalimutan, may kasama ka ba sa park? Mukhang iba kasi yung aura mo pag pasok e. Parang ang saya saya mo." Taka na may halong asar sa tono ni Miles. "Ha? Issue ka nanama dyan!" Sagot ko agad. "Bat ang defensive mo naman agad dyan? Nagtatanong lang naman ako." Sagot agad ni Miles. "Baliw! Di wala, ako lang magisa." Sagot ko, tas derecho pumasok na ako sa room ko para mailagay ko na yung gamit ko at makapagayos na.
••••••••
Paglabas ko ng room, dahil tapos na ako sa mga dapat gagawin at dinalaw na ako ng gutom."Saan tayo kain?" Tanong ko sa kanila, baka kasi di sila nag luto e. "Kaya naman pala masaya paguwi." Asar na sabi ni Miles. "Ha? Pinagsasabi mo?" Takang tanong ko. "Blind item!" Sigaw ni Miles. "Ay bet ko yan! Go go!" Suhol naman ni Sunny.
"Sinetch itey na girlaloo na malungkot, naisipan niya mag park at may kasamang papi na boylalooo. Dinedeny niya pa kanina kaso, naiwan ni giralaloo ang notebook, kaya binalik pa ni boylalooo ang notebook sa dorm." Simula na ni Miles. Napaisip ako, kaya pala parang feeling ko may naiwan ako! Yun pala yon. "So tatanungin ka namin, kilala mo ba yon?" Asar na tanong ni Sunny. "Hindi e. Maganda ba yan?" Asar ko. "Hindi besh! Panget!" Asar ni Miles. "Che! Kain na tayo." Yaya ko sa kanila.
Naglalakad na kami at naisipan na lang namin kumain sa carinderia dahil sobrang lapit lang talaga sa amin nito, mga tatlong kembot lang!
Habang naglalakad kami, kinukulit padin ako ni Miles "Bat ayaw mong sabihin na magkasama kayo? Kaya siguro ang saya saya mo no!" Kulit ni Miles. "Kumain lang ng ice cream. Issue ka!" Tulak ko sa kanya. "Sus! Ikaw besh ha! Kilig ako sa inyo! Yieee!" Asar ni Sunny. Pinagtutulak ko na sila.
Nakadating na kami sa carinderia at tuwang tuwa naman si Aling Maria nung nakita kami "Uy ang tres marias! The usual ba kayo?" Tanong sa amin. "Opo." Sagot naming tatlo. "Tyang! Alam mo ba si Shar, lumalovelife na!" Asar na sabi ni Miles. Ang kulit, hanggang dito ba naman. "Oo nga po, sobrang pogi pa!" Dagdag pa ni Sunny. "Hay nako tyang! Wag kayo maniwala dyan." Asar kong sabi. "Okay lang yun nak! Wag ka na maglihim." Asar din ni Tyang. "Tyang wala talaga, mapangasar lang po talaga sila." Depensa ko. "Wala pa!" Sigaw nung dalawang bruha. Tawanan na lang, dahil nabigay na yung food. Galit galit muna.
•••••••
Pauwi na kami. Sobrang busog nanaman ako, happy tummy! Pagbalik namin, may mga tao dun sa labas ng dorm namin. Nagulat kami, lalo na ako."Girls!"
————————————————-
Chap 6 done. 5+ votes for Chap 7! :)

YOU ARE READING
Right Timing
Novela JuvenilAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?