Emerald Series 1

6 0 0
                                    

Rachelle Anne LIwanag

Ramil Diezmo


Rachelle's P.O.V


" ano bang ginagawa mo?" nakangiting tanong ko sakanya, habang nakaupo. he said nothing but smile, and it makes my heart melt everytime i see it. naupo sya sa tabi ko at may inilabas sa bag nya, " happy birthday." matipid nitong bati saakin, sabay abot ng new manga book na kalalabas lang nitong pebrero, napamgiti ako ng malaki. 

he's my bestfriend, pero kahit ganoon natutuwa parin ako tuwing bibigyan nya ako ng regalo. mahal ko kasi sya. ang cliche diba? but i cant help it. i love him, and i will forever. " salamat, Ar." natutuwang sabi ko, sabay baling sa librong hawak ko. 

di ko matitiis ang kaniyang mga titig, alam kong tinigtignan nya ako kahit na wala ang paningin ko sa kanya. lagi syang ganito pag magkasama kami, hindi nya ko kinakausap masyado, pero lagi naman nya akong tinititigan. 

nakakailang naman, sabi ko sa aking isip at lihim na namula, nandito kami ngayon sa school bench, nakaupo. cutting classes kami ngayon dahil wala naman kwenta ang tinuturo ng prof namin, atska gusto ko rin kasi syang makasama. 

" hindi ka pa tapos basahin yang chapter na yan? kanina mo pa tinititigan." mahinang bulong nito saakin, sabay akbay ng kamay nito sa aking balikat. wala naman malisya to sa kanya eh. kung alam nya lang. 

" bakit? eh ang ganda kasi, di ko maalis yung mata ko dito eh." parang tanga kong sabi rito, natawa naman sya ng mahina, and it was like music to my ears, bibihira lang kasi tumawa tong lalaking to eh. 

" eh chelle, pano magiging maganda yan? eh title page ka palang naman ah." agad akong namula sa kahihiyan. " che!" 

. . . . .

matatapos na ang school year namin ngayon at hindi naging maganda ang takbo ng buhay ko ng nakaraang mga araw, marami kasing mga lumalapit kay Ar, marami rin tumutukso sa kanya sa iba, gaya nalang ng paggawa ng loveteam nila ng kaklase kong si angelica. ang babaw diba? pero di ko parin maiwasan magselos. nakakainggit. di ko narin nakakasama si Ar sa lunch o sa uwian. lagi kasi silang magkasama ni angelica. 

dumaan ang ilang araw pero wala paring pagbabago, lalo pa nga lumala eh, nagaaway kami ng kaibigan kong si yesha, teka--hindi ko pa la sya kaibigan-- dahil niloko nya ko, hindi ko alam na may tinatanim na pala sya saking galit kaya nagawa nya akong husgahan sa social media, hindi narin kami naguusap pero tingin ko galit parin sya saakin. 

" oi, ang lungkot mo ata." nanaas ang balahibo ko sa balat pagkarinig ko ng boses nya, kaya agad kong initaas ang aking paningin at nakita ko sya sa tabi ko na nakatayo. wearing his usual poker face. ano pa ba inaasahan ko? 

" h-hindi ah." mariing pagtanggi ko, agad naman nyang hinila ang upuan sa tabi ko at umupo, " ano ba problema mo?" 

" wala akong problema." naiiling na sabi ko, " eh bakit mo ako iniiwasan." eh bakit may pakialam ka ba?

" hindi kita iniiwasan."

" may problema ka, sabihin mo naman sakin." hindi ko sya matignan parang ang sakit kasi eh, yung makita syang nakangiti sa ibang babae tapos pag ako yung kasama nya lagi syang seryoso, alam ko naman na hindi sya naniniwala sa salitang 'love' pero iniintindi ko kasi eh, baka isang araw magbago sya. 

" rachelle." mariing tawag nito, pero pinagpatuloy ko lang ang sinusulat ko para sa thesis namin, " rachelle ano ba?! palagi ka nalang ganyan!" bulyaw nito bigla sabay tayo, " lagi mo nalang iniiwasan ang mga tanong ko! ano bang problema mo ha?! bakit ba ayw mong sabihin sakin?!" 

tumigil ka na please. ang sakit kasi eh. 

" hindi mo ba talaga ako kakausapin?! sige bahala ka sa buhay mo!" galit na sabi nito sabay alis. hindi ko na mapigilan ang luha na kanina ko pa tinatago, patawad Ar. hindi ko pa kayang sabihin sayo eh. 

. . . . . 

4 years later. .  . . 

" rachelle ano ba cheer up! graduate na tayo oh!" magiliw na sabi ni yesha sabay ngiti ng malawak, oo bati na kami ulit. naiintindihan ko naman kung bakit nya ginawa yun eh. atska kaibigan ko parin naman sya kahit papano. 

its been four years, apat na taon na ang nakalipas mula noong huli kaming nagusap ni Ar, marami syang naging girlfriend, at sobrang sakit makita silang magkasama. buti nalang at nandito ang mga kaibigan ko para pagaanin ang damdamin ko. 

" haysst, sya nanaman ba iniisip mo? kalimutan mo na yung lalaking yun!" sabi ni nicole sa saakin, " oo nga chelle, tama na yang pagpapakatanga mo sakanya. it's been years. nalimutan ka na siguro nya." pag-sangayon naman ni abigail. nailing nalang ako, " ano ba kayo? hindi ko sya naiisip." 

" sinong niloko mo chelle? magkakasama tayo sa apat na taon na umiyak ka dahil sa kaniya, tapos ngayon sasabihin mo na hind ka malungkot dahil sa kaniya? eh kanina mo pa kaya sila tinititigan." iling-iling naman na sabi ni rashida saakin, napakagat naman ako ng labi sabay gawi ng mata sa kinaroonan nya at ng bago nyang girlfriend. . . .ang sakit. 

" tigilan nyo nya si rachelle! mukhang iiyak na oh!" pangasar naman na sabi ni yesha, napangiti nalang ako ng mapait. ito na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya. na sabihin ko na mahal na mahal ko sya kahit ngayon parin.

" PWEDE ba tayong mausap?" mahinang bulong ko habang nakatyo sa harap ng bahay nila, nakayuko ako at nararamdam ko nanaman yung mga titig nya saakin, " tungkol saan?" malamig nitong tugon, " wala na tayong dapat pagusapan pa rachelle. umalis ka na." 

" hindi! makinig ka muna please?" 

" ano pa ba gusto mong pagusapan ha? yun tungkol ba yun sa nangyari for years ago? kung ganoo--." 

" mahal kita Ar!' naluluhang sabi ko, hindi ko kayang maging ganito sya sakin. masakit. " mahal kita kahit noon pa. h-hindi ko lang masabi sayo d-dahil n-natatakot akong layuan mo ako." 

" bakit mo to sinasabi rachalle?" 

" d-dahil hindi ko na kayang itago pa. mahal kita Ar, mahal na mahal." 

" mahal din kita. . . " hindi ko alam ang nangyari, pero natigil ata ang tibok ng puso ko sa mga sandaling iyon. . ." mahal kita rachelle p--" 

" will you be mine Mr. Otaku? p-pwede bang akin ka nalang please?" mahal nya ako! mahal nya rin ako! 

napabuntong hininga naman sya sa sinabi ko, agad itong napailing at napakamot ng batok, ang mga mata nito ay naglalaman ng guilt. " im sorry, i cant. i cant rachelle." 

napaawang ako, " a-akala ko ba mahal mo ako? b-bakit?" 

" i did. before, pero nagbago yun. im sorry chelle, pero hindi na kita mahal ngayon. mahal ko ang girlfriend ko at hindi ko sya iiwan. now. . .i can only offer you my friendship. but can you still?" 

mapait akong napangiti, " mahal mo ba sya?" naninikip ang dibdib ko sa sakit, " oo, mahal ko angelica. mahal na mahal. sana maintindihan mo."

" ofcourse," malamig kong tugon, " i understand." 

" rachelle. . . ." 

" ang tanga ko talaga. b-bakit kasi napaka desperada ko? a-ayan ako tuloy nasasaktan." hindi ko mapigilan mapahikbi, " chelle. . . " tinangka nya akong hawakan pero sinangi ko yung kamay nya, " dont fvcking touch me!" sigaw ko sa kanya, sabay takbo paalis. 

im such a coward, kung nasabi ko lang sakanya noon pa. masaya sana kami. 

. .  . .

Dear Diary, 

narealize ko na hindi lahat ng bagay dapat pinaghihintay, dapat binebaliwala o sinasaktan. kasi ang hirap pa lang ibalik ng nakaraan lalo na kung wala ng pagmamahal na natitira. kaya Ar, pasensya ka na bestfriend, hindi ako makakadalo sa kasal mo, mahal parin kasi kita at di ko kayang makita na ikakasal ka na sa iba. 

. . . . .

made by: MOSSOLB

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Emerald One ShotWhere stories live. Discover now